(100) #MPISMissDyosa

1.1K 85 0
                                    

WILLIAM'S POV

Nang makarating na ako sa mansyon ni Miss Dyosa ay sinalubong ako ni Luis.


"Kanina pa naghihintay sa'yo si Miss Dyosa, William. Isuot mo na yung mask mo." sabi sakin ni Luis. Kinuha ko yung mask ko sa bag at sinuot ko yun.


"Pumasok ka na sa kwarto ni Miss Dyosa" - Luis


Pumasok na ako sa kwarto ni Miss Dyosa.


"You are twenty minutes late." bungad sa'kin ni Miss Dyosa nang makapasok ako sa kwarto niya. Nakatapis lang siya.


"Sorry po Ms. Dyosa." sabi ko kay Miss Dyosa sabay bow.


Dumapa si Ms. Dyosa sa kama.


"Just massage my back. I need to relax. Parati kasi akong nag-u-update sa story niyo ni Danielle sa Wattpad kaya kailangan ko muna ng relaxing massage." sabi sa'kin ni Miss Dyosa. Nagtanggal naman ako ng saplot hanggang sa boxer at maskara na lang ang suot ko. Para hindi madumihan ang suot ko habang nagmamasahe.


Lumuhod ako sa kama, sa pagitan ng hips ni Ms. Dyosa. Naglagay ako ng oil sa mga palad ko at sinimulan kong i-masahe ang likod ni Miss Dyosa.


"Ganyan nga William. Ang saraaaaappp!" may halong ungol na sabi sa'kin ni Miss Dyosa.


(A/N: I just want to clarify. Walang nangyari samin ni William. Wag kayong green-minded. Minasahe lang niya ako. Masseur kasi ang sideline niya. Pero sobrang sarap niyang magmasahe. Napa-ungol nga ako sa sarap eh. 

O sige, pinuputol ko na ang eksenang ito dahil baka bigyan niyo ng malisya. Hahaha!)


RISSEY'S POV

Nandito kami ngayon ni Fred sa Dyosa's Fashion Formal Wear Attire Shop para bumili ng isusuot namin para sa kasal nila Lauren at Zeke.


"Isukat mo 'to." sabi ni Fred sabay abot sakin ang white formal gown with matching white gloves pa. 


Pumunta ako sa fitting room at sinukat ko yung gown.


Pagkalabas ko sa fitting room ay biglang napatayo si Fred nang makita niya ako.


"Perfect." nasabi niya bigla. Napangiti naman ako.


Sunod naman ay si Fred. Pumunta siya sa fitting room para sukatin ang pinili niyang white tuxedo.


Palabas pa lang si Fred ng fitting room ay biglang nag-slow mo ang paligid at halos lahat ng kababaihan at kalalakihan ay natulala sa angking kagwapuhan ng boyfriend ko. 


In short, lahat kami ay nakatingin kay Fred.


Oh my gosh!


He's so handsome. At mas lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya dahil sa suot niyang eyeglasses. He looks like Superman.


Halos maglaway na ako rito habang nakatitig kay Fred. Ang swerte mo talaga Rissey dahil nagkaroon ka ng isang napakagwapong boyfriend tulad ni Fred.


"Stop drooling my future wife." - Fred


Natauhan naman ako nang magsalita si Fred.


"Gwapo ba ang future husband mo?" tanong niya sabay kindat sakin.


"Perfect." yun lang ang nasabi ko habang nakangiti.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon