DANIELLE'S POV
"Salamat sa paghatid." sabi ko kay William.
"Wala yun. Kulang pa nga yun eh." sabi sakin ni William. Ha? Kulang?
"Anong kulang?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Kahit na sinusungitan kita pero nakangiti ka pa rin." sabi sakin ni William. Yun din ang napapansin ko sa sarili ko for the past few days. Noon ay naiinis ako kapag sinusungitan niya ako pero ngayon ay ngumingiti lang ako kapag sinusungitan niya ako.
"Ah yun ba? Ang sabi kasi ng Mama ko ay panget raw ang nakasimangot." sabi ko kay William na ikinagulat niya. Gusto ko lang siyang asarin kaya sinabi ko yun pero naniniwala ako noon na panget talaga ang nakasimangot. Noon yun pero ngayon ay hindi na.
"Okay ka lang ba William? May mali ba akong nasabi?" nag-aalalang tanong ko kay William. Baka kasi na-offend siya sa sinabi ko.
"Wala naman. Naniniwala ka pala dun." sabi sakin ni William.
"Oo, dati yun pero ngayon hindi na. At ito'y dahil sa'yo." sabi ko kay William.
"Ha? Dahil sakin?" nagtatakang tanong ni William.
"Oo, kasi nung nakasimangot ka at sinusungitan mo ako ay ang gwapo mo pa rin." sagot ko kay William.
"Talaga?" sabi ni William sabay ngisi. Wait a minute! Sinabi ko bang gwapo siya? Waaaaa! Lupa, lamunin mo na ako.
RISSEY'S POV
"ARRRRAAAAYYYY!!!" sigaw ko. Kasi naman ang higpit-higpit ng pagkakahawak ni Satanas sa braso ko habang hinihila niya ako.
Tumigil kami sa lugar na may puno at walang tao.
"Ano ba ang problema mo?" galit na tanong ko kay Satanas. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
O___O
Is he kissing me right now? Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Ang lambot ng labi niya! Waaaaaa!
Tumigil siya sa paghalik sakin.
"I'm jealous." sabi sakin ni Fred. Mukha siyang hindi si Satanas dahil sa expression ng mukha niya. Sincere na sincere.
"Ha? Nagseselos ka? Kanino?" nagtatakang tanong ko kay Fred.
"Sa inyo ni Ezekiel." sagot sakin ni Fred. Ah yun pala, nagseselos siya samin ni Ezekiel.
Pero teka, nagseselos siya samin? Bakit? May gusto ba siya sakin? Pero imposible naman yun eh. He hates me so much at gusto niya si Danielle. Pero pano kung gusto niya ako? Waaa! Nakakalito!
Dahil sa kalituhan ay tumakbo na lang ako papalayo kay Fred. Sasabog na ang isip at puso ko dahil sa paghalik niya at sa sinabi niya sakin. Ano ang ginawa mo sakin Fred? Bakit ang lakas ng impact mo sakin?
FRED'S POV
Sh*t! Bakit tumakbo siya papalayo sakin? Nagulat ba siya sa ginawa kong paghalik sa kanya at sa sinabi ko?
Oo inaamin ko, nagseselos ako. Kasi naman nakikita ko siyang masaya kung kasama niya si Ezekiel. Samantala kung ako naman ang kasama niya ay nakasimangot siya.
Hoy! Nagseselos ako hindi dahil sa mahal ko siya noh! Pero bakit ko siya hinalikan kanina? Sh*t! Ano ba ang nangyayari sakin? Si Princess ang mahal ko at hindi si Rissey.
Fvck! Ano ba Rissey. Umalis ka sa isip ko.
**********
