(47) #MPISNewClassmate

1.3K 100 0
                                    

DANIELLE'S POV

7:14 AM na. 


Parating na yung Adviser namin pero wala pa rin si William. Umaasa pa naman ako na papasok siya ngayon.


"Good morning class." bati samin ng Adviser namin.


O____O


Teka, kasama ng Adviser namin si James? Ano ang ginagawa niya dito?


"Meet your new classmate. Please introduce yourself." sabi ng Adviser namin.


"Hi everyone, I'm James Maddren. I hope maging mabait kayo sakin." pagpapakilala ni James sa sarili niya. Wow! Magka-apelyedo pala kami ni James.


"Okay, you can choose a vacant seat." sabi ng Adviser namin kay James. Napatingin naman si James sakin. Waaaaa! Bakit parang ang tingin (look) niya sakin ay katulad ni William?


Napatingin siya sa vacant seat na nasa tabi ko. Seat yan ni Fred before pero si William na ngayon ang naka-upo sa tabi ko.


Lumakad siya papalapit sakin at umupo siya sa tabi ko.


"Dito ka pala nag-aaral. Muhkang tinadhana tayong dalawa." sabi ni James sabay kindat sakin. Waaaaa! Pati rin yung kindat niya ay katulad ni William.


- LUNCH BREAK, CAFETERIA -

Kasama ko ngayon si James dito sa cafeteria.


"Guys, si James nga pala, new friend ko. James, ito naman ang mga kaibigan ko." 


"Hello James, nice to meet you. I'm Lauren." pagpapakilala ni Lauren sa sarili niya kay James.


"Nice to meet you James. I'm Rissey." pagpapakilala naman ni Rissey sa sarili niya kay James.


"Ezekiel at your service." pagpapakilala ni Ezekiel sa sarili niya kay James. 


"Ako naman si Fred." pagpapakilala ni Fred sa sarili niya kay James.


"At ako naman si Dave. Ang Dyosa ng Dela Cruz University." malanding pagpapakilala ni Dave sa sarili niya kay James.


Nakipag-shake hands naman si James sa kanila. Pagkatapos ay kumain na kami.


"Paano pala kayo nagkakilala ni Princess?" tanong ni Fred kay James.


"Ahh! Kahapon kasi ay niligtas niya ako mula sa holdaper." sagot ni James kay Fred.


"Woah talaga? Paano ka niligtas ni Danielle mula sa holdaper? Sinipa ba niya ang *toot* ng holdaper?" tanong ni Rissey kay James. Wow ha! Binaggit pa talaga niya yun. You know. Yung guy thing.


"Nope. Hahaha! Hinatak lang niya ako papalayo sa holdaper." natatawang sagot ni James kay Rissey.


"Teka, anong nakakatawa James?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Hahaha! Wala. Naalala ko lang ang mga sinabi mo sa holdaper bago mo ako hatakin." natatawang sagot sakin ni James.


"May FB account ka ba James? Para mai-add kita sa friend list ko." mahinhin na tanong ni Dave kay James. Halatang nagpapa-cute siya. Ang landi talaga netong si Dave. May Tim at Mitchell na nga siya, nagpapa-cute pa siya kay James. Hindi man lang nakuntento sa isang lalake. Kailangan morethan 1 talaga ang boyfriend niya.


Pero kahit ganun kalandi si Dave ay mabuting tao siya and he also know his limitation.


"W-wala pa." nauutal na sagot ni James kay Dave.


DAVE'S POV

Kyaaaaa! Ang gwapo naman ni James kahit na nerdy look siya. Sa tingin ko ay nahanap ko na siya. Nahanap ko na si Mr. Forever ko.


"Ay sayang. Wala ka palang FB account." malungkot na tugon ko kay James. Hindi ko tuloy siya maii-stalk.


"Oh bakit ganyan ang mukha mo Dave?" tanong sakin ni Danielle.


"Wala." matamlay na sagot ko kay Danielle. Nawalan ako bigla ng gana dahil walang FB account si James.


Napatingin naman ako kay James. Ang gwapo talaga niya.


Tapos kissable ang lips niya.


Matangos ang ilong.


Blonde ang buhok.


May dimples pa kapag nakangiti.


At may pagkahawig sila ni William.


Lahat yata nasa kanya na. Feeling ko noong nagpasabog si Lord ng kagwapuhan ay nasalo niya lahat kaya ganyan ang itsura niya. 


Waaaa! Na-love at first sight na yata ako kay James.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon