(20) #MPISTheContract

1.7K 107 0
                                        

EZEKIEL'S POV

Hay thank god. Tapos na rin akong mag-bake ng cake at mga cupcakes. Tumikim ako ng isang cupcake at perfect ang lasa niya. Heart ang shape ng cake na binake ko para kay Lauren my love at ang mga cupcakes naman ay para kay Rissey.


"Para sa'yo 'to Rissey." sabi ko sabay abot kay Rissey ang box na may mga lamang cupcakes.


"Waaaaa! Thanks Zeke." sabi niya at niyakap niya ako nang mahigpit. Aaaaaaahhh! Hindi ako makahinga.


RISSEY'S POV

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Zeke.


"I need to go now." sabi sa'kin ni Zeke.


"Bye Zeke." sabi ko sabay wave sa kanya. Nag-wave rin siya sakin at umalis na siya. Para siyang model kung maglakad.


(A/N: Palibhasa kasi crush mo siya.)


Che Author! Sumisingit ka na naman. Crush is paghanga lang naman eh. Umalis ka nga at ituloy mo ang pagsusulat sa next scene. Shoo shoo shoo ka na!


(A/N: Oo na, eexit na ako.)


Buti naman. Moment ko 'to eh.


"SLAVE!!!"


"Ay kabayo."


Nagulat ako nang may biglang sumigaw mula sa likod. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang galit na mukha ni Satanas. Waaaa! Nakakatakot ang mukha niya.


DANIELLE'S POV

"Kailangan ba nating magpanggap na may relasyon tayo?" tanong ko kay William.


"Yeah para tigilan na niya ako." sagot niya sakin. Pumunta kami sa computer room. Gagawa raw siya ng contract. 


Pagkalipas ng kalahating oras ay natapos na niya ang contract.


"Oh ayan, kontrata yan para sa fake relationship natin." sabi ni William sabay about sa'kin ang kontrata. Binasa ko naman ang kontrata.



FAKE RELATIONSHIP CONTRACT

Rules:

1. Maging sweet sa isa't isa kapag nandyan si Lauren.

2. Pwedeng mag-hug.

3. Pwedeng mag-kiss lips-to-lips kung kinakailangan lang.

4. Bawal tumanggi sa kontrata.

5. Pinaka-importante sa lahat. Bawal ma-inlove sa isa't isa.


Signed by:

William Crawford

Princess Danielle Maddren



Pagkatapos kong basahin ang kontrata ay inabot sakin ni William ang sign pen.


"Pirmahan mo na." - William


Hindi na ako nag-dalawang isip na pirmahan ang kontrata. Pumirma na rin si William. Mukhang piece of cake lang 'tong gagawin namin.


"Okay I think it's a deal." - William.


Nag-shake hands kaming dalawa. I need to do this para kina Zeke at Lauren. Sadyang ang manhid lang talaga ni Lauren. Andyan na nga si Zeke para mahalin siya pero nagmahal pa siya ng lalakeng hindi naman siya mahal.


"Simula ngayon ay fake girlfriend na kita." nakangiting sabi ni William sabay...


*tsup*


O_______O


...halik sa aking pisngi. Waaaaaa! Sa tingin ko ang lahat ng dugo ko ay nasa mukha ko na.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon