(58) #MPISEvilPlanStart

1.2K 93 0
                                    

RISSEY'S POV

Nagluluto ako ngayon ng hapunan para samin Fred. Ang niluluto ko ngayon ay menudo at adobong baboy na paboritong-paborito ni Fred. 


Habang nagluluto ako ay biglang may yumakap sakin mula sa likod.


"Wow! Ang bango naman ng niluluto mo." - Fred


*blushing*


Grabe naman. Ang sweet ng manliligaw ko. Parang gusto ko na siyang sagutin kahit wala pa siyang ginagawang move para mapasagot niya ako.


*ding dong*


"Ako na. Bantayan mo na lang ang niluluto ko." sabi ko kay Fred nang may narinig akong tunog ng doorbell. 


Lumabas ako ng mansyon para tignan kung sino ang nag-doorbell.


Pagbukas ko ng gate ng mansyon ay wala akong nakitang ni isang tao. Sino kaya ang nag-doorbell dito?


O_______O


"Hmmmmmmmm!!!"


May biglang tumakip sa bibig at ilong ko. Nagpumiglas ako pero...


ALL WENT BLANK

FRED'S POV


"Ang tagal naman ng future wife ko." sabi ko sa sarili ko. Walang aangal hah. Magiging mag-asawa rin kami balang araw ni Rissey. 


Hinain ko na ang menudo at adobong baboy sa magkaibang mangkok at pinatay ang kalan. Baka kasi ma-overcook kaya hinain ko na.


Pagkatapos ay lumabas ako ng mansyon. 


Pero paglabas ko ng mansyon ay wala dun si Rissey. Nakita kong nakabukas ang gate. 


Tumingin ako sa labas ng gate kung nandun si Rissey pero wala siya.


May nakita akong isang pirasong tsinelas sa lupa. Hello Kitty ang design. Alam kong kay Rissey itong tsinelas na 'to. 


Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ang nasa isip ko kasi ay may nangyaring hindi maganda sa kanya.


"FRED!!!"


May biglang sumigaw at tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Dave na papalapit sakin. Hingal na hingal siya at kasama niya sina Tim at Mitchell.


"Nandyan ba si Rissey?" tanong sakin ni Dave. Bigla akong kinabahan sa tanong ni Dave. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang marinig ko mula kay Dave ang pangalan ni Rissey.


"Hindi ko alam. Bigla na lang siya nawala." kinakabahang sagot ko kay Dave.


"May sasabihin kami sa'yo Fred. May binabalak na hindi maganda ang kapatid mong si Fiona kay Rissey." sabi sakin ni Dave na ikinagulat ko. 


Ano? 


May binabalak na hindi maganda ang kapatid ko kay Rissey? 


Pero bakit?


"Gustong sirain ng kapatid mo at ng kapatid ko ang pagmamahalan ninyo ni Rissey. Kung ano man ang mangyari. Maniwala ka kay Rissey, Fred." sabi sakin ni Tim. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Kaya pala nawala na parang bula si Rissey. Kinidnap siya ng kapatid ko.


"Nasa panganib ngayon si Rissey. Dinala siya ng kapatid mo at ng kapatid ni Tim sa isang hotel sa Quezon City." - Mitchell


Nang marinig ko mula kay Mitchell kung saan dinala si Rissey ay agad kong inilabas ang kotse ko mula sa garahe at pinaharurot ko ito nang mabilis.


Parating na ako Rissey. 


Ililigtas kita.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon