DANIELLE'S POV
"Waaaaa! Congrats sa inyo Bes." sabi ko kina Lauren at Zeke.
Nag-uusap kami ngayong tatlo via skype.
"Thanks Bes. Sayang at wala kayo rito ni William." malungkot na sabi sakin ni Lauren.
"Oo nga eh. By the way, nandyan na ba sa inyo ang gift namin ni William?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yup, nandito na. Salamat sa gift niyo." nakangiting sagot sakin ni Lauren.
"You're welcome." tugon ko.
"Nga pala, nandyan ba si William?" tanong sakin ni Zeke.
"Hindi pa siya umuuwi eh. May raket pa siya." sagot ko kay Zeke.
Mahaba-haba rin ang usapan naming tatlo.
"Sige, outie na kami ni Love. Mag-e-enjoy muna kami sa wedding reception namin." - Lauren
"Sige pakasaya kayo." sabi ko at nawala na sina Lauren at Zeke sa screen ng laptop ko.
*Tulala lang sa 'king kwarto*
Biglang tumunog ang cellphone ko.
Si William, tumatawag.
Sinagot ko yung tawag ni William.
"Hello William. Napatawag ka?" tanong ko kay William na nasa kabilang linya ng phone.
("Hello, hindi po ito si William. Si Luis po ito. Naaksidente po si William. Nandito po kami ngayon sa hospital.") sagot ng isang lalake sa kabilang linya.
Bigla kong nabitawan ang cellphone ko.
*********
Thank you po sa lahat ng sumuporta ng "MY PRINCE IS MASUNGIT" from PROLOUGE to EPILOUGE. Don't worry dahil may BOOK 2 po ito. Hindi pa nga natin nakikita sina Fred at Rissey and William at Danielle na ikinakasal. At may makikilala tayong new characters sa BOOK 2.
That's all for now. See you all on Book 2 MPIS Lovers.