(26) #MPISScoutingDay2

1.7K 108 0
                                    

DANIELLE'S POV

Mga 11:20 PM na kami nakatulog dahil masyado kaming nag-enjoy kanina sa bonfire. Pero ako?


Waaaaaaaaaaaa!


Kanina pa ako hindi makatulog dahil kay William.


Huhuhu! Bakit hanggang ngayon ay nagre-replay pa rin sa isip ko ang kinanta niya kanina? At ang mas masama pa ay katabi ko siya ngayon sa pagtulog. Mas lalo akong hindi makakatulog nun.


"Huy matulog ka na." narinig kong bulong ni William. Teka, gising pa si William?


"Gising ka pa William?" hindi makapaniwalang tanong ko kay William. Akala ko kasi tulog na siya.


"Ssshhhhh! Hinaan mo ang boses mo. Baka magising ang iba." bulong sakin ni William.


"Ay pasensiya na." bulong ko kay William.


"Oo at hindi ako makatulog dahil ang likot mo." bulong sakin ni William.


"Ay pasensiya na ulit." bulong ko kay William. Ano ba yan, nakaka-dalawang pasensiya na ako kay William.


"Bakit ka hindi makatulog? May BUMABAGABAG ba sa isip mo?" - William


Diniinan pa talaga ni William ang salitang 'bumabagabag'.


"W-wala. H-hindi lang talaga ako m-makatulog." nauutal na sagot ko kay William which is a lie. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na siya mismo ang bumabagabag sa isip ko. Baka isipin niyang inlove na ako sa kanya. Remember the contract, ang pinaka-importante sa lahat ay bawal ma-inlove sa isa't isa.


Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagyakap sakin ni William mula sa likod. Nakatalikod kasi ako sa kanya habang nakahiga.


"Huy, b-bakit mo ako ni-niyakap?" kinakabahang tanong ko kay William.


"Para makatulog tayo." sagot niya at niyakap niya pa ako lalo. Waaaa! Makakatulog ba ako neto? Ang awkward kasi. Pero bakit ganun? Bakit hindi ako makapalag?


"Let's sleep." sabi sakin ni William at naramdaman kong tulog na siya habang yakap-yakap niya ako. Sinubukan ko namang ipikit ang mga mata ko at tama nga siya. Nakaramdam na nga ako ng antok dahil sa yakap niya.


At nakatulog na ako nang mahimbing habang yakap-yakap niya ako mula sa likod.


- DAY 2 -

RISSEY'S POV

"Ako na ang gagawa ng apoy." sabi ni Fred sabay agaw sakin ang dalawang kahoy.


"Ako na sabi eh." sabi ko naman sabay agaw sa kanya ang dalawang kahoy. Nagtatalo kami ngayon ni Fred kung sino ang gagawa ng apoy. Ang kulit naman neto. Ako na nga ang gagawa eh.


"Master mo ako kaya sundin mo ako." seryosong sabi sakin ni Fred.


My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon