(71) #MPISTheSadPart

1.2K 89 0
                                    

DANIELLE'S POV

"William." - ako


"Danielle." - William


*beep beep*


"Ay kabayo." gulat kong sabi. 


Dahil sa gulat ay na-out of balance ako pero may naramdaman akong yakap kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Tinignan ko kung sino yung yumakap sakin. 


Si William pala.


Nagkakatitigan kami ni William.


Mata sa mata.


Hindi namin maalis ang titig namin sa isa't isa.


"Excuse me po Sir, Ma'am. Pwede po ba kaming makiraan?" narinig kong tanong ng isang lalake. Natauhan naman kami ni William kaya umayos na kami ng pwesto at napatingin kami sa lalake. Napatingin ako sa binubuhat niya kasama pa ang tatlo pang lalake.


"Ataul?" nagtatakang tanong ko.


"Ano 'to William? Sino ang namatay?" tanong ko kay William. Iniwas niya ang tingin niya sakin dahil hindi siya makasagot. Bakit parang may mali sa kanya?


"Sige, ipasok niyo na po yan." sabi ni William sa apat na lalake. Baka isa sa mga magulang yata yan ni Steph. 


Ipinasok na ng apat na lalake yung ataul. Ipinasok na rin nila ang mga kagamitan para sa lamay sa loob.


O____O  


Bigla akong naningas sa kinatatayuan ko nang makita ko ang malaking picture ni Steph. Tapos yung bulaklak na panglamay at nakalagay dun ang pangalan ni Steph.


"Nakita namin siya ng anak niya na nakabigti sa kusina." malungkot na sabi sakin ni William.


"Asan na ang anak ni Steph?" tanong ko kay William. Gusto ko ng maiyak dahil wala na ang Bessy ko pero pinigilan ko.


"Nasa loob siya ngayon. Umiiyak. Mukhang na-trauma siya nung makita niyang nakabigti si Steph." sagot sakin ni William. Tumango lang ako. Biglang may pumatak na luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak.


Bigla akong niyakap ni William. I hugged him back habang umiiyak.


"Ssshhh! Wag ka ng umiyak. I'm here." pagco-comfort sakin ni William. 


Naging friend ko si Steph since Elementary. Niligtas niya ako sa mga nang-bu-bully sakin noon.


*flashback*


"Hoy! Akin na ang baon mo." sabi sakin ng isang matabang babae sakin.


"Hindi pwede, akin 'to. Bumili ka ng iyo." sabi ko naman sa kanya.


"Ah ganun, lumalaban ka na. Akin na ang baon mo kung ayaw mong masaktan." sabi sakin ng matabang babae. Biglang may pumagitnang magandang babae samin.


"Hoy! Wag mo siyang aawayin." sabi ng magandang babae sa matabang babae.


"Gusto mo rin masaktan hah." - matabang babae


Susuntukin na sana ng matabang babae yung magandang babae kaso may humawak sa kamay ng matabang babae. 


Napatingin siya sa likod niya at bigla siyang nagulat dahil may 1,2,3... 15 na lalake ang nakatingin sa kanya ng masama. Ako nga rin nagulat eh. B


Biglang tumakbo papalayo samin yung matabang babae.


"Are you okay?" tanong sakin ng magandang babae.


Tumango ako at sinabing... "Oo ayos lang ako. Thanks pala sa pagligtas sakin sa bully na yun."


"By the way. I'm Steph." pagpapakilala ng magandang babae sa sarili niya.


"I'm Princess Danielle but call me Danielle." pagpapakilala ko sa sarili ko.


"Nice name." sabi sakin ni Steph.


"Thanks." tugon ko sa kanya.


*end of flashback*


Simula noon ay naging magkaibigan kami ni Steph.


"Okay ka na?" tanong sakin ni William. Tumango lang ako. Naging okay na ako ngayon dahil sa pag-co-comfort sakin ni William. 


Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil wala na si Steph.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon