(17) #MPISGameFest

1.8K 111 0
                                    

WILLIAM'S POV

Fvck! Hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip ko kanina. Bakit ganito ako? Hindi ako mapakali. Sh*t.


*booooggggssshhh!*


May nabangga akong isang tao kaya napa-upo ako sa sahig.


"Hala sorry." sabi sakin ng isang pamilyar na boses. Teka, si Danielle yun ah?


Napatingin ako sa nabangga ko.


O____O  


Si Danielle nga.


*dug dug dug dug*


Napatayo ako bigla at tumakbo papalayo sa kanya.


"SANDALI!!!" narinig kong sigaw ni Danielle. Tumakbo lang ako hanggang sa leisure room.


"Oh brad. Napano ka?" tanong sakin ni Fred nang makarating ako sa leisure room.


"May humahabol sa 'king isang dragon." wala sa sarili kong sagot.


"Huh? Dragon?" nagtatakang sabi ni Ezekiel.


"Ahhh a-ang I-ibig kong sabihin ay hi-hinahabol ako ng mga fans ko." palusot ko kina Fred at Ezekiel. Tumango naman sila. Muntikan na yun. Baka pagtawanan nila ako dahil sa sinabi kong dragon. Baka isipin nilang duwag ako.


DANIELLE'S POV

"Class, today is the first day of August. Since August ngayon ay magkakaroon tayo ng Game Fest. Since first time niyong makasali sa Game Fest at freshmens kayo ay kailangan niyong manalo sa Game Fest. In the history of DCU's Game Fest ay walang pang isang panalo ang freshmens or should I say Green Earth dahil sa sanay na yung ibang year level na sumali sa Game Fest. Do your best to win. Para 'to sa charity na tutulungan natin." sabi samin ng Adviser namin.


"Ano pong charity ang tutulungan natin?" tanong ni Lauren sa Adviser namin.


"Ito ay para sa mga taong nasalanta ng Bagyong Dyosa sa Wattpad Province." - Adviser


Wow! Mukhang exciting naman yan. Mag-eenjoy ka na, makakatulong ka pa.


"I need six participants na gustong sumali sa Game Fest. Three boys and three girls." sabi ng Adviser namin at may sinulat siya sa blackboard.


"Raise your left hand kung sino ang willing maging participants sa Game Fest. Ladies first." - Adviser


I raised my left hand.


"Okay sina Ms. Navarro, Ms. Gomez at Ms. Maddren ang participants for the girls." sabi ng Adviser namin sabay sulat ng pangalan namin nina Rissey at Lauren.


"I need three participants for boys." - Adviser


Sana may sumali sa mga boys.


"Okay Mr. Dela Cruz, Mr. Crawford and Mr. Willford ang participants for the boys." sabi ng Adviser namin. Sasali silang tatlo sa Game Fest? Sa bagay, baka gusto nilang mag-enjoy sa Game Fest kaya nag-participate sila.


"Sa Thursday na magstastart ang Game Fest kaya be ready." sabi samin ng Adviser namin.


- CAFETERIA -

"KYAAAAAAAHHHHHH!!!" 


Pagpasok pa lang namin sa cafeteria ay tilian agad ang narinig namin mula sa mga babae at beki. Sino ba naman ang titili kung may nakita kang dalawang campus crush. Sina Fred at Ezekiel ang tinutukoy ko. Wala si William. Hindi daw siya sasabay. Ewan ko pero parang iniiwasan niya ako. Kung sa bagay, wala naman akong pakialam sa kanya.


"OMG! Ang gwapo talaga ni Prince Ezekiel."


"Ang gwapo rin si Prince Fred."


"Nag-iisa lang sa puso ko si Prince William pero wala siya." *sad face*


Napa-iling na lang ako sa mga naririnig ko.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon