WILLIAM'S POV
Haaaay! Ang boring ng araw na 'to. Magfa-facebook muna ako para malibang.
Nag-login ako sa facebook.
*ting!*
Alam ko na.
Ipopost ko ang picture nila Rissey at Fred na naghahalikan. Bwahahaha!
Nag-post ako sa facebook.
Add Photos:
Fred and Rissey Kissing... - Choose...
Upload
Photo Caption:
Best couple ever.
Uploading...
Upload Finished
William Crawford added a new photo
Best couple ever.
No photos when Facebook is free
Use data to see photos
Like • React • Comment • Share
9,643 reactions • 20,196 comments • 6,309 shares
RISSEY'S POV
Pagkarating ko pa lang sa school ay maraming babae at beki na masama ang tingin sakin. As usual, ganun naman sila sakin eh.
Pero bakit ganun? Parang may mali yata sa titig nila sakin? Parang gusto nila ako saktan.
*booooooggggssssshhhhhh!!!*
"Arrrrraaaayyyy!"
Nagulat ako nang may biglang tumulak sakin. Sobrang lakas nun kaya natumba ako. Napakasama naman ng ugali ang nagtulak sakin. Hindi ko naman siya inano ha pero nanunulak siya ng walang dahilan.
Napatingin ako kung sino ang tumulak sakin.
