(19) #MPISGirlfriendNiPrinceSungit

1.8K 107 2
                                        

DANIELLE'S POV

7 PM na pero nandito pa rin ako sa school. May battle of the dance kasi ngayon ang mga taga-dance club. Ang daming nanonood.


Pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng coke.


"DANIELLE." 


May biglang tumawag sa pangalan ko mula sa likod kaya napalingon ako sa may bandang likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang classmate kong si Dave na tumatakbo papalapit sakin.


"Ano yun Dave? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.


"Sina Lauren at William, kinidnap." sabi sakin ni Dave na ikinagulat ko.


O____O


Huwaaaatttt? Kinidnap sina William at Lauren?


DAVE'S POV

"Kinidnap sina Lauren at William?" gulat na tanong sakin ni Danielle. Ang totoo niyan ay hindi talaga sila nakidnap. Narinig ko kasi yung plano ni Lauren kanina sa labas ng modeling room na magpapa-trap siya kasama si William sa lumang library para masolo niya ito.


"Oo kaya hanapin na natin sila. Ang pagkakaalala ko ay walang makakalabas dito sa school ngayon. Secured kasi ito dahil sa battle of the dance." sagot ko kay Danielle. Sorry kung kailangan kong magsinungaling. Ayaw ko kasi na malaman ni Danielle ang ginawang kalokohan ni Lauren.


Nagsimula na kaming maghanap kung saan-saan kahit alam ko kung asan sila.


DANIELLE'S POV

Kanina pa kami naghahanap kina William and Lauren pero hindi pa rin namin sila mahanap hanggang sa mapadpad kami sa lumang library.


"Teka Danielle, parang may naririnig ako sa loob ng library. Pakinggan natin." - Dave


Idinikit ni Dave ang kanyang tenga sa pintuan. Ginawa ko rin ang ginawa ni Dave. Pinakinggan namin nang mabuti kung ano ang nangyayari sa loob ng lumang library.


"I love you William." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Teka, si Lauren yun ah. At ano raw? I love you William? Teka, akala ko ba kidnapping 'to? Pero bakit may ganitong scene sa loob?


"No Lauren. I treated you as my sister." narinig kong tugon ni William.


"But we can be more than that. Please William! Love me." pagmamakaawa ni Lauren kay William. Parang nakikinig lang kami ng radyo dito ni Dave.


"We can but..." - William.


"But what?" - Lauren.


"But..."


Maka-but ka naman William wagas. Sabihin mo na kasi ang dapat mong sabihin. Nabibitin tuloy kami. 


"...i'm already have a girlfriend." - William


"Who?" - Lauren


Waaaaa! May girlfriend na si William? Ouch! Bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya?


"Danielle." - William


*dug dug dug dug*


Ano raw?


Ako ang girlfriend ni William?


Weh!


Pero bakit tumatalon ang puso ko sa tuwa?


"No, that's not true." narinig kong sabi ni Lauren. Halatang maiiyak na siya. Oo tama ka Lauren, wala kaming relasyon ni William.


"I'm sorry Lauren but that's the truth. Mahal ko si Danielle at mahal din niya ako. Nagmamahalan kaming dalawa." narinig kong sabi ni William. Ay ano raw? Kaming dalawa? Nagmamahalan? Kailan pa? Parang wala naman akong maalala na minahal ko siya. Pero bakit parang kinilig ako sa sinabi niya? Waaaaah! Mahal ko na kaya siya? Pero hindi eh. Hindi ko pa alam.


"No! I don't believe you William!" narinig kong sabi ni Lauren.


Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang pinto ng lumang library kaya natumba kami ni Dave. Nakita kami ni Lauren at nakakunot ang noo niya.


"He-he-he! Hi." nahihiyang sabi ko kay Lauren.


"Why did you hide this Danielle? Akala ko ba friends tayo? Traydor!" sabi sakin ni Lauren at umalis na siya. I felt sad. Alam ko namang may gusto siya kay William. Halata naman sa kilos niya noon pa. At ouch lang! Traydor? Kahit kelan hindi ako naging traydor.


"Geez! Sige Danielle, iiwan ko na kayo." sabi ni Dave sabay takbo papalayo samin.

**********

I remember this scene from Diary ng Panget. I love this story at nakaka-inspired si @haveyouseenthisgirl

My Prince Is Masungit (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon