LAUREN'S POV
Kaming dalawa na lang ni Ezekiel ang naiwan. Sayang naman ang bridal shower ko. Si Ezekiel kasi eh! Pero grabe, pinagpawisan ako hah.
"Sumayaw ka sa harap ko." utos ko kay Ezekiel. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Hindi ako marunong sumayaw Love." sabi sakin ni Ezekiel.
"Eh gusto kong mag-strip ka sa harapan ko eh! Dali na!" sabi ko sa kanya.
"Love." - Ezekiel
"Hindi kita sisiputin bukas kung hindi ka mag-strip." pananakot ko sa kanya sabay irap.
"Kung hindi lang kita mahal Love. Kung hindi lang kita mahal." sabi sakin ni Ezekiel. Tinignan ko siya ng palihim.
Nakita kong lumapit siya sa may DVD player na nasa gilid at pinatugtog ulit ang Careless Whisper. Sakto, nasa chorus part na.
Tumingin siya sakin.
I'm never gonna dance again, 🎵🎶
Guilty feet have got no rhythm! 🎵🎶
Though it's easy to pretend, I know you're got a fool... 🎵🎶
Hinalikan niya ako sa labi ko bago siya lumayo ng konti sakin.
At nagsimula na siyang magtanggal ng t-shirt. Napakagat-labi ako nang biglang yung pants naman niya yung tinanggal niya. Naka-boxer na lang siya.
*gulp*
Nag-iinit na ang mukha ko.
Huhuhu! Ito na, ito na. Sasayaw na si Ezekiel!
Nakatitig lang ako sa kanya habang sumasayaw siya. Oh my god!
He's so hot while doing sexydance.
Lumapit siya sakin.
Hinawakan niya ang batok ko at hinalikan niya ako. I instantly wrapped my arms around him at inilapit pa niya ako lalo sa kanya.
Hindi ko namalayan na buhat-buhat niya na pala ako at naramdaman ko na lang na yung likod ko na nasa pader na. Oh my gosh! I need to stop him before I rape him.
"Ezekiel stop." sabi ko sa kanya na nagpatigil sa kanya sa paghalik sakin.
"I'm sorry Love. Hindi ko mapigilan ang sarili ko." sabi sakin ni Ezekiel.
"Sige na, umalis ka na. Magpapakasal na ako sa'yo. Pero huwag kang magulo sa stag party mo hah." sabi ko kay Ezekiel.
"Okay. See you at altar, Love." nakangiting sabi sakin ni Ezekiel.
"I will my Love." sabi ko sabay kiss sa lips ni Ezekiel. Nagbihis siya at umalis na.
"BES!!!" narinig kong sigaw ni Rissey.
"Uy, ano na naman Rissey? At teka, nandito kayong lahat ulit?" nagtatakang tanong ko. Akala ko kasi umuwi na sila.
Hinila kaagad ako ni Rissey sa chair.
"Dyan ka lang." sabi sakin ni Rissey.
"Ha? Teka, ano na naman ba 'to?" tanong ko kay Rissey. Ngumiti lang si Rissey.
"What happened a while ago was just a... let's say, the 'patikim' of the event. Hindi ako papayag noh na sila lang ang mag-enjoy sa stag party nila. Dapat tayo rin." sagot sakin ni Rissey at bigla siyang sumipol ng malakas. Yung sipol para sa mga aso para lumapit sila sa mga amo nila.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may lumabas na tatlong stripper mula sa isang silid.
Nagsigawan ang mga babaeng bisita. Laglag-panty naman talaga kaming lahat sa hotness ng tatlong 'to. Oh my god! My eyes! I guess I got my bridal shower after all.
Nag-sexydance na yung tatlong stripper sa harapan ko, tapos sinasayaw rin nila yung mga girls. Grabe, nakaka-ilang. Buti na lang at hindi ako nakatali.
Pero parang pamilyar sakin ang isang stripper na kulay blue ang brief pero hindi ko makita ang mukha niya since naka-mask siya.
Parang kahawig niya si William.
**********