RISSEY'S POV
"Nakita niyo ba si Fred?" tanong ko kina Dave at Mitchell.
"Bes, hindi eh." sagot sakin ni Dave.
"Same also." sagot naman sakin ni Mitchell.
Tumango na lang ako at naglakad-lakad habang hinahanap ko si Fred.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong usapan na pumukaw sa atensyon ko.
"OMG! Totoo ba yan Girl?" narinig kong tanong ng isang babae.
"Yes, nakita ko si Prince Fred na may kasamang dalawang babae. Sina Bea at Rafaela." sagot ng isang beki sa kausap niyang babae. Parang biglang may tumusok sa puso ko. Ouch!
"Nakita ko silang lumabas ng DCU" - beki
Lumabas si Fred sa DCU na may kasamang dalawang babae?
More ouch!
FRED'S POV
- DYOSA'S PRIVATE CLUBHOUSE -
(A/N: Ito yung hideout na tinutukoy nina Bea at Rafaela. My clubhouse.)
Nandito na kami ngayon sa isang hideout. Isang clubhouse 'to hah. Pero walang tao, kaming tatlo lang.
"May ipapakilala pa kami sa'yo Fred." sabi sakin ni Bea. Biglang may lumabas na babae sa isang room.
Teka, kilala ko 'to hah.
"Elena Buenavista?" gulat kong sabi nang makita ko siya. Ito yung babaeng ipapakasal kay William hah.
"Fred Dela Cruz." sabi niya at lumapit siya sakin. "I need your help." dugtong pa niya at huminga siya nang malalim.
"Please help me na hindi matuloy ang kasal namin ni William." - Elena
**********