(37) #MPISPhoneCall

1.3K 98 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ahh! I-i mean. I love to eat ice cream. Tara bumili tayo." palusot ni William kay Danielle. Huminga naman nang malalim si Danielle.


"Sige." tugon ni Danielle kay William. Iniisip ni Danielle na nagkamali lang sa pagsasalita si William kaya nakahinga siya nang maluwag. Pero nanghihinayang din siya dahil akala niya ay mahal na siya ni William.


Bumili sina Danielle at William ng ice cream sa isang ice cream parlor. Chocolate flavor ang binili ni Danielle habang Cookies and Cream naman ang binili ni William.


"Thanks nga pala sa pag-aya sakin. I totally enjoy this night talaga." nakangiting sabi ni Danielle kay William.


"Wala yun." nakangiting tugon ni William kay Danielle.


*kkkkrrrriiiinnnnnggg!*


Biglang tumunog ang phone ni Danielle.


"Wait lang William, sasagutin ko lang 'tong call na 'to." sabi ni Danielle kay William. Tumango lang si William.


Lumayo muna si Danielle kay William. 


Chineck ni Danielle ang phone niya para malaman kung sino ang tumatawag sa kanya.



+98***********

calling...



Unregistered number siya at halatang roaming number ito. Sinagot naman ni Danielle ang tawag.


"Hello? Who's this?" tanong ni Danielle sa tumawag sa kanya.


("Surprise! Remember me pa ba Bessy?") sabi ng isang babae na nasa sa kabilang linya.


"Waaaaaaaaa! Ikaw ba yan Bessy?" tuwang-tuwa na tanong ni Danielle sa babae.


("Yup Bessy, this is me.") sagot ng babae kay Danielle.


DANIELLE'S POV

Waaaaa! Siya nga. 


Namimiss ko na siya. 


It's been two years na hindi ko nakita si Steph my Bessy. Hindi man lang siya nagpaalam sakin na aalis siya papuntang States. Nakakamiss din 'tong si Bessy.


"Kumusta ka na Bessy?" tanong ko kay Steph.


("Heto, nasa kwarto lang.") sagot sakin ni Steph.


"Wait, paano mo nakuha ang new C.P. number ko?" tanong ko kay Steph.


("Well I have my sources kaya nalaman ko ang new C.P. number mo.") sagot sakin ni Steph. Napakamot naman ako sa batok ko.


"Kailan ka ba uuwi? I miss you na." tanong ko kay Steph.


("Soon Bessy. Malapit na.") sagot sakin ni Steph.


WILLIAM'S POV

"Kailan ka ba uuwi? I miss you na." narinig kong sabi ni Danielle. 


Sh!t!


Sino ba yang Bessy na yan? Sana naman babae yan. Malapit na akong magselos dito.


"Oh sige ingat ka. Bye!" sabi ni Danielle sa kabilang linya ng phone niya. Buti naman at tapos na silang mag-usap.


"Love you too." - Danielle 


WHAT THE HECK? 


Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko mapigilang magselos dahil sa narinig ko mula kay Danielle.


"Sorry William kung natagalan." sabi ni Danielle nang makalapit na siya sakin.


"Babae ba yang kausap mo?" seryosong tanong ko kay Danielle.


"Oo, bakit?" nagtatakang sagot sakin ni Danielle. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Buti naman kung ganun.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon