(65) #MPISHisReason

1.2K 90 0
                                    

WILLIAM'S POV

"Daddy, I want ice cream." sabi sa'kin ni Will.


(Will - Short for William. Anak ni Steph. Para hindi kayo malito.)


"Anak, hindi pwede. Masama yan sa teeth mo." sabi ni Steph kay Will.


"Tama ang Mommy mo. Masama yan sa teeth mo." sabi ko naman kay Will. 


It's been few weeks na muli kaming nagkita ni Steph. Pagbalik niya dito ay akala ko nga na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Pero pagdating ng maraming araw, dun ko na-realize na mahal ko pa rin siya.


Pero bilang kaibigan na lamang. 


At dun ko rin na-realize na mahal na mahal ko na si Danielle. 


Higit pa sa kaibigan. Hindi ko nga kaya na hindi ko siya makita araw-araw. 


Kaya ang ginawa ko ay nag-suot ako ng wig na blonde, braces, at malaking eyeglasses. Nagmukha tuloy akong nerd. At nakilala niya ako bilang James Maddren. Bigla ko ngang naalala kung paano niya ako iniligtas sa holdaper na yun. Nang nakita ko siya dati ay natakot ako nun dahil baka saktan ng holdapper na yun ang babaeng mahal ko.


Oo nga pala, ang naging rason ko kung bakit nawala ako ay para tulungan ko si Steph na mahuli yung gumahasa sa kanya. Gusto kong makamit niya ang hustisya na dati pa niya gustong makamit. 


Mayroon na rin kaming hinalang suspek kung sino ang gumahasa kay Steph.


At isa na dun ang classmate namin dati na si Dwane Rosales. Dahil alam kong patay na patay noon si Dwane kay Steph. Mukhang adik nga ang pagmumukha nun eh. May possibilidad na siya ang gumahasa kay Steph.


"Mommy, Daddy, I want ice cream. Please!" sabi samin ni Will. Napamahal na rin sakin ang anak ni Steph kaya nagpresinta akong bilang Daddy niya. Nakakatuwa nga siya eh.


"Sige na nga. Basta ngayon lang hah." sabi ko kay Will.


"Sige." sabi naman ni Steph kay Will.


"Yehey!" tuwang-tuwa na sabi ni Will. Lumapit kami kay Manong Sorbitero para bumili ng Ice Cream.


"Thanks Mommy and Daddy." sabi samin ni Will.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon