DANIELLE'S POV
"Asan na kaya yang asungot na yan?" naiinis na tanong ni Lauren. Ang tinutukoy niya ay si Zeke.
Oo nga pala, ihahatid ngayon ni Zeke ang kanyang 'love' na si Lauren kaso ay wala pa siya. Asan na kaya yun?
"Baka nambababae siya sa isang bar kaya nakalimutan ka niya." sabi ni William kay Lauren.
Tinignan namin si William nang masama.
"What? May mali ba sa sinabi ko?" kunot na sabi ni William.
EZEKIEL'S POV
Nandito ako ngayon sa Jollibee. Ang favorite foodspot ko kasama ang childhood friend kong si Angel.
Galing England yan.
Nagkabanggaan kasi kami kanina kaya ito. Ang dami niyang ikinuwento sakin tungkol sa buhay niya sa England. She's only 15 years old and I treat her as my little sister.
"I miss this Kuya Ezekiel." sabi sakin ni Angel.
"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon." nakangiting sabi ko sa kanya. Haaaaaayyyy! May pagka-similarities sila ni Lauren kaya lang hindi matakaw ang my loves ko.
O____O
May naalala ako bigla.
Hala! Oo nga pala, susunduin ko pala si Lauren ngayon.
Patay!
Sigurado akong naghihintay na siya ngayon sakin.
"Angel, kailangan ko nang umalis. Susunduin ko pa ang fiancé ko." sabi ko kay Angel
"Ano? May fiancé ka na Kuya Ezekiel?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Angel.
"Oo, may fiancé na ako. Basta mahabang istorya." sabi ko kay Angel. Tatayo na sana ako pero nakita ko sina Lauren at William sa isang table na nagtatawanan.
Fvck! Ano ang ginagawa nila rito.
Nagulat ako nang sinubuan ni Lauren si William at tinanggap naman ito ni William.
Sh!t Is she cheating on me?
LAUREN'S POV
Papunta kami ngayon nina William at Danielle sa Jollibee since hindi ako sinundo ng FIANCÉ ko.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng Jollibee ay bigla akong na-bad vibes sa nakita ko. So kaya pala ako hindi sinundo ng FIANCÉ ko.
Tama nga si William.
Nambababae siya ngayon at sa Jollibee pa talaga hah.
"Si Zeke yun ah." narinig kong sabi ni Danielle.
Ha? Zeke? Sino yun?
"Sinong Zeke?" tanong ni William kay Danielle. Tinuro naman ni Danielle si Ezekiel. Kailan pa naging Zeke ang pangalan ni Ezekiel?
Nakita kong nagtatawanan sina Zeke—I mean Ezekiel at ang babae niya.
Nakakainis siya.
Akala ko ba ako lang ang mahal niya pero bakit may kasama siyang ibang babae?
Umupo kami nina William at Danielle sa isang vacant table.
"Pupunta lang ako sa CR. Kanina pa kasi ako naiihi." sabi samin ni Danielle. Tumango naman kami ni William.
"Ito na po ang order niyo." - Waitress
Nilagay ng waitress ang pagkain namin sa mesa habang nakatingin ito kay William. Mukhang na-love at first sight yata ang waitress kay William. Well sorry na lang siya dahil taken na si William.
Bago umalis ang waitress ay kinindatan muna niya si William. Ang sarap kalbuhin ng waitress na yun dahil lantaran talaga ang paglalandi niya kay William. Eww! She's not attractive at all.
Plus idagdag mo pa ang babaeng kasama ni Ezekiel. They are perfect combination.
"Gusto mo bang pagselosin natin yang 'love' mo?" nakangiting sabi ni William sabay kindat sakin. Tumingin naman ako kay Ezekiel. Parang tatayo na siya at pati na rin ang babaeng kasama niya.
"Tumawa tayo." sabi sakin ni William.
"HAHAHAHA!!!" pilit na tawa namin ni William. Mukha kaming mga tanga rito.
Sinubuan ko ng pagkain si William. Tinanggap naman niya ito. Kumuha ako ng tissue at pinahid ko ito gilid ng labi ni William.
Pero nagulat ako sa sunod na nangyari. May biglang humila kay William papatayo sabay suntok sa kanya. Napatingin ako sa sumuntok.
O_____O
It's Ezekiel.
Wearing his angry face.
**********
