(60) #MPISFamily

1.3K 94 0
                                        

DAVE'S POV

"Bakit mo nagawa yun kay Rissey, Timo? Hindi ka naman ganito hah." galit na sabi ni Tim sa kapatid niya.


"Patawarin mo ako Kuya. Nagawa ko lang naman 'to dahil sa pagmamahal ko kay Rissey." nakayukong sabi ni Timo kay Tim.


"Pagmamahal? Pagmamahal ba ang tawag mo dyan? Hindi Timo, hindi yan pagmamahal." galit na sabi ni Tim kay Timo.


"Tama na yan Tim. Nasasaktan na ang kapatid mo." pag-aawat ko kay Tim. Tumingin naman sakin nang seryoso si Tim.


"Dapat lang yun sa kanya Dave. Para naman magising siya sa katotohanan na mali ang ginawa niya." seryosong sabi sakin ni Tim.


"Pero nagsisisi na siya sa ginawa niya Tim." - ako


"Alam kong nagsisisi na siya Dave pero natatakot ako na baka maulit pa yun." - Tim


"Sana magtiwala ka sa kanya dahil kapatid mo siya. At isa pa ay nagawa lang naman yun ni Timo dahil binilog ng malanding Fiona na yun ang utak niya. At ito namang si Timo ay nagpa-uto sa malanding yun." - ako


"Tama si Dave, Tim. Nagawa lang naman yun ng kapatid mo dahil sa pagmamahal niya kay Rissey." - Mitchell to Tim


"Sana mapatawad mo ako Kuya." - Timo to Tim


Huminga naman nang malalim si Tim.


"Sige, pinapatawad na kita. Pero sana hindi na 'to maulit pa." sabi ni Tim na ikinatuwa ni Timo.


"Salamat Kuya." sabi ni Timo sabay yakap kay Tim.


"Pangako Kuya. Hinding-hindi na 'to mauulit." - Timo to Tim


Ang sarap naman nilang pagmasdan. Sana magkaroon din ako ng kapatid gaya nila.


DANIELLE'S POV

Ready na akong pumasok sa DCU. Hinihintay ko na lang si James na magsusundo sakin sa. 


Oh! Speaking of James ay nandito na siya.


"Tara na." sabi sakin ni James. 


Sumakay naman ako sa kotse niya.


FRED'S POV

"No, I want to stay here." pagmamatigas na sabi ni Fiona kina Mom at Dad.


"No, you can't stay here dahil baka may gawin ka na namang kalokohan." sabi ni Mom kay Fiona.


"I want to stay here with Fred. Magiging behave na ako." - Fiona to Mom and Dad


Halatang plastik ang pagkakasabi niya nun.


"Lagi mo na lang yan sinasabi kapag nakakagawa ka na ng hindi maganda. Ano ba ang problema mo at bakit gustong-gusto mo dito at ayaw mong sumama samin?" - Dad to Fiona


Biglang may lumabas na luha sa mga mata ni Fiona.


"Kayo po ang problema. Lagi na lang kayong busy. Lagi na lang may bawal sakin. Hindi niyo ako pinapayan na gawin ko ang gusto ko. Mabuti pa si Fred, nagagawa niya ang gusto niya samantalang ako... May bawal palagi. Palibhasa kasi ampon lang ako. Hindi niyo ako mahal!" naiiyak na sabi ni Fiona kina Mom at Dad.


*slap"


Bigla siyang sinampal ni Mom. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Fiona. Kaya pala gusto niya dito dahil hindi niya nararamdaman ang pagmamahal nina Mom at Dad sa kanya.


"Mahal ka namin anak." naiiyak na sabi ni Mom kay Fiona.


"Kung mahal niyo ako, bakit hindi ko ramdan yun? Sa tuwing birthday ko ay wala kayo. Ni isang regalo tuwing birthday ko wala kayong binigay. Pero si Fred. Nandyan kayo. Lagi kayong may regalo sa kanya. Ang unfair niyong magulang." - Fiona to Mom and Dad


"I'm sorry my darling."  - Mom to Fiona


Yayakapin sana ni Mom si Fiona pero tinulak lang ni Fiona si Mom at tumakbo palabas.


RISSEY'S POV

Grabe, feeling ko nasa teleserye ako. Parang gusto kong maiyak sa sitwasyon ni Fiona. 


Kung ako lang ang nasa sitwasyon niya, ganun din ang mararamdaman ko sa magulang ko dahil hindi nila pinaramdam sakin ang pagmamahal nila. Pero hindi ako tulad niya na gumagawa ng masama. Naaawa nga ako sa kanya eh. 


"Are you okay?" tanong sakin ni Fred. Tumango naman ako sa kanya.


- DELA CRUZ UNIVERSITY -

LAUREN'S POV

Sa wakas, vacant namin ngayon kaya napag-desisyunan namin ng mga friends ko na tumambay muna sa leisure room. Na-nosebleed ako kanina sa French subject namin.


"Guys, mag-spin the bottle kaya tayo. Boring kasi kung wala tayong gagawin dito." sabi ni Danielle sabay kuha niya ng bote na nasa tabi niya. Sumang-ayon naman kaming lahat. 


Mukhang masaya 'to.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon