EZEKIEL'S POV
"Bukas ay first day na ng September. It means scouting month na. Dapat ay sa October pa ang scouting month pero since may mga paparating na events sa October dito sa Dela Cruz University ay pinaaga na namin ang scouting month. As your Adviser, lahat kayo ay dapat sumali sa scouting day which is gaganapin sa September 12. Kung hindi ay wala kayong grade mula sa subject ko." sabi samin ng Adviser namin.
(A/N: Naalala ko bigla ang sinabi samin ni Ma'am Campilla dati. No grades kapag hindi kami sumali sa scouting.)
Oo nga pala, yung sinabi ko kay Lauren na dun na ako mag-aaral sa Australia for good ay hindi yun totoo. Syempre hindi ko kayang iwan ang future wife ko. Mahal ko yun eh. Pananakot ko lang yun sa kanya. Bwahahahaha! Ang sama ko naman.
Diniscuss ng Adviser namin ang mga gagawin namin sa scouting day.
DANIELLE'S POV
- LUNCH BREAK (CAFETERIA) -
"KYYYYAAAAAHHHH!" narinig kong tilian ng mga babae. As usual, nakakita na naman ng gwapo kaya nagtitilian.
"For you Princess." sabi ni Fred sabay abot sakin ang isa sa mga lunchbox na dala niya.
"Niluto ko yan para sa'yo." dugtong pa ni Fred.
"Talaga? Wow! Mukhang masarap 'to." sabi ko kay Fred. Naalala ko bigla ang ginawa niyang sandwich dati sa bahay namin. Sobrang sarap.
Kinuha ko naman ang lunchbox mula kay Fred. Sakto at wala akong baon ngayon. Nakalimutan ko kasi.
Binuksan ko ang lunchbox.
"Wow! Macaroni Spaghetti." manghang sabi ko. Favorite ko kasi ang macaroni spaghetti kaya natuwa ako sa laman ng lunchbox.
Tinikman ko ito.
Nang matikman ko ang macaroni spaghetti ni Fred ay kumunot ang noo ko dahil sa lasa neto.
"Hindi ba masarap Princess?" malungkot na tanong sakin ni Fred.
"ANG SARAP!!!" masayang sigaw ko. Napatingin naman sakin ang mga estudyante dito sa cafeteria. Oops! Napalakas yata ang sigaw ko.
"Hahahahahahahahahaha!" - Fred
Biglang tumawa ni Fred.
-_____-
Tawa pa more Fred.
Sinubuan ko si Fred ng maraming macaroni spaghetti habang tumatawa. Dahil dun ay napatigil siya sa pagtawa.
"Hahahahaha!"
This time ay ako naman ang tumawa dahil sa bibig ni Fred na punong-puno ng macaroni spaghetti. Nilunok naman ni Fred ang lahat ng macaroni spaghetti na nasa bibig niya sabay inom ng tubig.
"Tumigil ka na nga sa pagtawa Princess. Kumain na lang tayo. Say ahhhh!" sabi ni Fred at nilapit niya ang isang kutsara na may macaroni spaghetti sa bibig ko. Binuka ko naman ang aking bibig at sinubuan niya ako. Nagsusubuan kami ni Fred ng macaroni spaghetti. Isang kutsara lang ang ginagamit namin. Maraming estudyante ang nakatingin samin habang nagsusubuan kami.
"Say ahhh!" sabi ko kay Fred at tinutok ko sa bibig niya ang hawak kong kutsara na may macaroni spaghetti. Binuka naman ni Fred ang kanyang bibig at sinubuan ko siya ng macaroni spaghetti.
Kumuha naman siya ng tissue na nasa mesa at pinahid niya ito sa aking labi.
With the same tissue, pinahid din niya ito sa labi niya.
O____O
Dun ko lang na-realize kung ano ang ginagawa namin ni Fred.
"Fred?" tawag ko sa kanya.
"Ano yun Princess?" - Fred
"Mukhang ang sweet niyo ah."
O_____O kami ni Fred
Napatingin kami kung sino ang nagsalita.
O____O
Patay! Si William.
**********