DANIELLE'S POV
Nag-iimpake ako ngayon para pumunta sa bahay ng kaibigan kong si Steph. Sa tingin ko kasi ay kailangan niya ng kaibigan para damayan siya.
Inilagay ko ang mga kakailanganin kong gamit sa bag tulad ng damit, wallet, cellphone, ticket at iba pa. Buti na lang suspinde pa rin ang pasok. Sa February pa kasi yung pasok dahil inaayos pa ng mga construction worker ang nasirang gusali sa DCU.
Nang nakapag-impake na ako ay nagpaalam muna ako kay Mama.
"Mag-ingat ka dun anak hah." sabi sakin ni Mama. Tumango naman ako at nagpaalam sa kanya.
Sumakay ako ng tricycle para pumunta sa bus station.
LAUREN'S POV
*ding dong*
"Manang paki-check po kung sino ang bisita." sabi ko kay Manang.
"Opo Ma'am." tugon sakin ni Manang.
*reading magazine*
"Si Sir Ezekiel po, nandito." - Manang
Inilagay ko ang magazine sa mesa.
"Surprise." bungad sakin ni Ezekiel.
"Love." sabi ko then I hugged Ezekiel.
"Did you miss me?" tanong sakin ni Ezekiel.
"Yeah." sagot ko sa kanya.
"Oo nga pala, may pasalubong ako sa'yo." he said then may pinakita siyang box sakin.
"Your favorite cake." - Ezekiel
Biglang nagliwanag ang mukha ko. Kinuha ko agad yung box na hawak ni Ezekiel at hinila ko siya papuntang kusina.
"Mukhang excited ka ng kainin yang cake na yan." - Ezekiel
EZEKIEL'S POV
Favorite talaga niya ang banana cake na may nuts. Buti at hindi siya nagkaka-pimples. Hahaha! Ano ba yang pinag-iisip ko. Syempre hindi yan magkaka-pimples dahil lagi siyang bumibisita kay Dra. Vicki Belo.
Kumakain siya ngayon ng banana cake na dala ko.
Natawa naman ako dahil punong-puno ng banana cake ang bibig ni Lauren. She's not just beautiful but she's also amazing.
That's why I love her so much.
WILLIAM'S POV
"Son, calm down." pagtatahan ko kay Will. Umiiyak pa rin siya habang nanginginig.
Nukhang na-trauma siya sa nakita niya kahapon.
*ding dong*
"Dyan ka muna hah." sabi ko kay Will at pumunta ako sa may pinto.
Nang buksan ko ang pinto...
Nagulat ako kung sino ang nasa harap ko.
Si Danielle.
DANIELLE'S POV
Haaaay! Sa wakas nandito na rin ako. Umabot sa 15 hours ang biyahe.
Nandito na ako ngayon sa tinitirahan nina Steph.
*ding dong*
After few seconds...
*doors open*
Nagulat ako kung sino ang nasa harap ko.
Si William.
Nagtama ang mga mata namin sa isa't isa.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 1)
Подростковая литератураSerenader 1: WILLIAM CRAWFORD
