STEPH'S POV
Dumiretso ako sa kusina. Dun ko binuhos ang pagluluksa ko dahil hindi ko pa rin matanggap na patay na ang parents ko.
*flashback*
10 years ago...
"Mommy, I want that doll." sabi ko kay Mommy.
"Okay baby." sabi sakin ni Mom na ikinatuwa ko.
"Thank you Mommy."
I kissed my Mom on cheeks.
She is the best mom ever.
5 years ago...
"Kami na po ni William." kinakabahang sabi ko kay Dad. Nakita ko namang kumunot ang mukha ni Dad. Mukhang hindi maganda 'to.
Kinuha ni Dad ang phone niya at may tinawagan siya.
"Hello William. May sasabihin lang ako sa'yo." sabi ni Dad sa kabilang linya ng phone. Napalunok naman ako sa sinabi niya.
"Alagaan mo ng mabuti ang anak ko. Wag mo siyang sasaktan. At kung ginawa mo yun ay malilintikan ka sakin. Understand?... Good at congrats sa inyo ni Steph." - Dad
And then he hang up the phone. Tumingin sakin si Dad at ngumiti siya sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag at niyakap ko si Dad.
"Akala ko kung ano na ang sasabihin mo kay William, Dad." sabi ko kay Dad.
"Natakot ka ba anak kung ano ang sasabihin ko?" natatawang tanong sakin ni Dad.
Tumango ako.
"Wag kang mag-alala dahil boto ako kay William para sa'yo." sabi sakin ni Dad na ikinatuwa ko.
"Awww! Thanks Dad." sabi ko kay Dad. She is the best dad ever.
*end of flashback*
Hindi ko matanggap na wala na sina Mama at Papa.
Pumunta ako sa isang cabinet at binuksan ko yun.
May nakita akong isang lubid.
Kinuha ko yun at itinali ko ito sa isang kahoy na nasa itaas.
Mahal ko kayo.
Patawarin niyo ako kung kailangan ko 'tong gawin.
Paalam.
DANIELLE'S POV
- 6:00 AM -
Nagising ako dahil sa sikat ng araw.
Pumunta ako sa kusina para magluto sana ng agahan pero nandun si Mama na naghahanda na ng breakfast.
Pumunta na lang ako sa sala.
Kinuha ko ang remote sa mesa at umupo sa sofa para manood ng TV. Binuksan ko ang TV at ang palabas ay Barbie: Life In The Dreamhouse.
"Hay! Kumusta na kaya si William? Nakakain na kaya yun?" tanong ko sa isip ko.
WILLIAM'S POV
- 6:14 AM -
"MOOOOMMMMMMYYYYYY!!!"
Nagulat ako nang marinig ko ang sigaw ni Will. Dali-dali kong hinanap si Will at nakita ko siya sa kusina na umiiyak.
Nilapitan ko siya.
"What happened son?" tanong ko kay Will. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa taas.
Tinignan ko naman yung tinitignan niya.
Pero pagtingin ko ay bigla akong nanigas sa nakita ko.
Si Steph.
Nakabigti sa lubid.
**********