(86) #MPISSignsOfBuntis

1.2K 87 0
                                    

DAVE'S POV

- CAFETERIA -

"Lumayo ka nga sakin epal ka at akin na yan." sabi ni Lauren sabay agaw sa litrato ni Jameson Faukerson (yung sikat na artista sa Amerika) na kinuha ni Ezekiel mula sa kanya.  


Tinitigan ni Lauren ang picture ni Jameson Faulkerson habang nakangiti. Lumalandi ang kaibigan ko kahit may fiancé na siya. 


Ewwwwwwww! Hinalik-halikan pa niya yung hawak niyang picture. 


Nakita ko naman si Ezekiel na malapit nang sumabog ang ulo niya. Tumayo siya at inagaw yung picture mula kay Lauren.


Ang sunod niyang ginawa ay pinunit-punit niya ito at tumabi sakin.


"Waaaaaaaa! I hate you." sabi ni Lauren kay Ezekiel at umiyak na siya.


"Haaay! Parang buntis 'tong si Lauren. Naglilihi kasi eh." sabi ko nalang kay Ezekiel. Nanlaki naman ang mga mata ni Ezekiel dahil sa sinabi ko.


"B-buntis?" gulat na tanong ni Ezekiel.


"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Wa-wala." sagot sakin ni Ezekiel. Tumango na lang ako kahit nagtataka ako.


EZEKIEL'S POV

"Buntis nga ba si Love?" tanong ko sa isip ko. 


Napatingin ako kay Lauren. 


Umiiyak pa rin siya. 


Kanina nagsuka siya, ngayon naglilihi naman. 


Kailangan niya ng pregnancy test para malaman ko kung buntis siya o hindi. Magiging masaya ako kung buntis siya. 


#ProudToBeDaddy


FRED'S POV

Sh!t! Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Rissey kanina pero inunahan ako ng pride ko eh.


"Hi." 


Biglang may sumulpot na babae sa harap ko. Maganda siya pero mas maganda pa rin si Rissey.


"I'm Bea." sabi sakin ng babae sabay lahad ng isa niyang kamay.


"I'm Fred." 


Syempre, sinabi ko rin ang pangalan ko sa babae. Hindi ako tulad ni William na prinsipe ng kasungitan. Pero minsan ay nagiging snob din ako sa mga babae.


Nag-handshake kami ni Bea.


"Nice to meet you." sabi sakin nung Bea.


"Nice to meet you too." tugon ko kay Bea.


"Wow Girl! Kilala mo pala si Prince Fred." 


Biglang may sumulpot na isa pang babae sa harap ko.


"By the way Fred, this is my friend, Rafaela. Rafaela, si Fred." pagpapakilala sakin ni Bea sa friend niya.


"Nice to meet you handsome." sabi nung Rafaela. Medyo may kahawig sila ni Rissey.


"Nice to meet you too beautiful." biglang nasabi ko kay Rafaela. Sh!t! May pagkakahawig talaga sila ni Rissey. 


Biglang lumungkot ang mukha ko nang ma-isip ko bigla si Rissey. Pero umiiral pa rin ang pride ko kaya nagpakatatag na lang ako.


"May problema ba Fred?" tanong sakin ni Bea.


"Wala naman." sagot ko sa kanya.


"Gusto mo ba ng place na kung saan makakapag-relax ka?" - Bea


"Tara Girl. Dalhin natin siya sa hideout natin." sabi ni Rafaela kay Bea na ipinagtaka ko.


"Huh? Hideout? Saan?" tanong ko sa kanilang dalawa.


"Hindi pwedeng sabihin kung saan. Kaya nga hideout eh. Gusto mong sumama sa hideout namin?" tanong sakin ni Bea.


"Okay." sagot ko na lang sa kanila. Gusto ko kasing makita ang hideout nila. Na-curious kasi ako bigla eh.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon