(75) #MPISFiancéeNiPrinceSungit

1.3K 90 0
                                    

WILLIAM'S POV

"Good Morning Son." bati sakin ng hukluban kong Dad. Nabwibwisit talaga ako kapag nakikita ko sila.


Hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa dining area para mag-agahan. 


Pagkatapos kong mag-agahan ay pumunta ako sa sala. 


Pero pagpunta ko sa sala ay nandun ang mga magulang ko at may kasama sila. Isang lalake at babae na may edad na. Aalis na sana ako pero biglang nagsalita ang hukluban kong Dad.


"Wag ka munang umalis. Dito ka muna." ma-awtoridad na sabi sakin ni Dad. Sumunod na lang ako dahil baka sumabog ang ulo nito sa galit. 


Umupo ako katabi ni Mom.


"May ipapakilala ako sa'yo Son." sabi sakin ni Dad. Sino na naman yang ipapakilala ng matandang hukluban na yan sakin? Hindi ako interesado.


"I want you to meet your fiancée. Elena Buenavista." sabi niya at may tinuro yung matandang hukluban. Tinignan ko yung tinuro niya at may isang babaeng bumababa sa hagdan. 


What? 


My fiancée? 


Bigla akong napatayo at umalis ng bahay. I hate my parents so much. 


Pumunta ako sa isang bar para maglasing. I love Danielle. 


I love her more than my parents.


DANIELLE'S POV

Six days na lang Valentines na.


Pero hindi ako ngayon masaya dahil hindi ako pinapansin ni William since first day of February. Nakakalungkot nga eh. Ano ba ang nagawa kong mali sa kanya kaya hindi niya ako pinapansin? 


Wala ako ngayon sa sarili dahil sa kaiisip kay William. Hindi ko nga alam kung saan ako papunta. Buti na lang at walang pasok ngayon dahil may meeting daw ang mga professors.


Nadatnan ko ang aking sarili sa isang bahay. Paano ako napadpad dito? At paano ako nakapasok dito?


Napatingin ako sa paligid ng bahay. Mukhang walang tao at ang ganda ng bahay. Parang bahay ni Barbie sa Barbie: Life in the Dreamhouse. Pero kulay blue nga lang.


OMG! Kailangan ko ng umalis ng bahay na 'to bago pa ako mahuli ng may-ari nito. 


Palabas na sana ako ng bahay nang...


*boooogggggssssshhh!*


...biglang may nabangga akong isang pader. Na-out of balance ako at mahuhulog na sana ako nang may biglang sumalo sakin. Akala ko isang pader ang nabangga ko pero hindi pala. 


Napatingin ako sa sumalo sakin. 


O0O


Ang pogi.


Pero mas pogi pa rin ang boyfriend kong si William.


"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko?" galit na tanong ng lalake sabay yakap nang mahigpit sakin.


"AHHHHHHHHHHHHH!!!" - ako


Bigla akong napasigaw at nagpupumiglas mula sa yakap ng lalake. Waaaaaaa!


"Wait miss, wag kang sumigaw." sabi sakin ng lalake at mas hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya sakin. 


Nagpupumiglas pa rin ako. Waaaaaa! Ayokong makulong. 


Nagulat ako sa sunod na ginawa nung lalake.


Bigla niya akong hinarap mula sa kanya...



O_____________O



...at hinalikan niya ako sa labi.


Processing...


Bigla kong tinulak yung lalake. 


He kissed me. 


He kissed me. 


He kissed me.


Hindi ako makapaniwala. 


Isa pala 'tong rapist.


"AHHHHHHHHHHH!!! RAA..." 


Napatigil ako sa pagsigaw dahil tinakpan niya ang bibig ko.


"Pwede ba Miss, kumalma ka lang. Relax." sabi sakin ng lalake. Tumango naman ako. 


Tinanggal niya ang kamay niya na nasa bibig ko.


"I'm Jameson and you are..." - Jameson


"Danielle." tipid kong sabi.


"Nice to meet you beautiful young lady." - Jameson


Kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan niya ang likod ng palad ko. 


Ang gentleman naman niya. He's not bad at all.


"Nice to meet you too." magalang na sabi ko sa kanya.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon