(74) #MPISFebIbig

1.2K 89 1
                                    

DANIELLE'S POV

- FIRST DAY OF FEB-IBIG (DELA CRUZ UNIVERSITY) -

Waaaaa! Na-miss ko ang Dela Cruz University. 


May ilang parte ng DCU ang nagbago dahil sa bagyo.


"Good morning Bes." bati sakin ni Lauren nang magkita kami.


"Good morning din sa'yo Bes." bati ko rin sa kanya. Nagbeso-beso kami ni Lauren. 


Biglang may umakbay sakin.


"Happy 2nd Weeksary satin Wife." - William


Si William pala. 


Meron siyang hawak na rosas at ibinigay niya yun sakin. 


Noong first weeksary namin. Chocolates ang binigay niya sakin.


"Yiieee! Ang sweet niyo naman." sabi samin ni Lauren.


DAVE'S POV

"Mitchell, Tim. Pansinin niyo naman ako." sabi ko sabay yugyog sa kanila. Pero hindi nila ako pinansin.


"Bro, punta tayo mamayang gabi sa Dyosa's Bar. Maghanap tayo ng chicks na pagsasaluhan natin." sabi ni Mitchell kay Tim.


"Sige Bro, mukhang mapapalaban na naman ako." tugon ni Tim kay Mitchell. 


Tumayo silang dalawa sa bench at iniwan akong mag-isa dito.


Wow ha! Parang anino lang yata ako sa kanilang dalawa.


DANIELLE'S POV

- LUNCH BREAK -

Lunch break na at nandito kami ngayon sa leisure room.


"Hub, ayos ka lang ba?" tanong ko kay Wiliiam. Pero hindi siya sumagot. Mukhang problemado yata ang hub ko. Kanina kasi ay ang sweet niya sakin, pero ngayon hindi na. 


Bakit kaya?


WILLIAM'S POV

"Hub, ayos ka lang ba?" - Danielle


Kanina pa ako nag-aalala dahil nandito na ang parents ko sa Pilipinas. Dapat hindi na lang sila umuwi rito sa Pinas. Dun na lang sila. Gagawin na naman nilang miserable ang buhay ko. 


Sh!t! Nag-aalala ako kay Danielle. Dapat hindi niya makilala ang parents ko. Natatakot ako na baka tumutol ang mga magulang ko sa relasyon namin ni Danielle.


"Huuuuuubbbbb, ayos ka lang? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" nag-aalalang tanong sakin ni Danielle.


"Oo wife, okay lang ako." walang emosyon kong sagot sa kanya.

***********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon