(72) #MPISItsOfficial

1.2K 89 0
                                    

DANIELLE'S POV

"Nagkaroon kami ng relasyon noon ni Steph." - William


Kinukuwento sakin ngayon ni William ang tungkol sa kanila ni Steph. 


Naging sila pala.


"Isang araw noon ay naging masaya kami." nakangiting sabi sakin ni William. Halatang masaya siya habang kinukwento niya sakin ang tungkol sa kanila ni Steph. 


Aray! Ang sakit naman. 


Ang swerte naman ni Steph na nagkakilala sila dati ni William. At naging sila pa.


"Pero isang araw noon ay wala na siya. Nalaman ko noon na pumunta na pala si Steph kasama ang kanyang pamilya sa States. Nasaktan ako noon. At yun ang naging dahilan kung bakit naging masungit ako sa iba lalo na sa mga babae." - William 


Kaya naman pala ang sungit niya sakin noon. Ganun pala ang nangyari.


"Pero nung dumating ka sa buhay ko, biglang bumalik ang kasiyahan ko. Nang dahil sa'yo, lagi na akong nasa good mood. Nang dahil sa'yo, natuto akong umibig muli. Mahal na mahal kita Danielle. Pwede ba kitang ligawan?" - William


*dug dug dug*


Mahal ko si William. 


Hindi ko na 'to palalampasin pa. Ito na ang tamang panahon para sundin ko ang puso ko.


"Hindi mo na kailangang manligaw pa sakin William." sabi ko kay William at hinalikan ko siya sa labi. 


"Dahil sinasagot na kita." dugtong ko pa.


"Talaga?" - William


Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni William. 


Tumango ako. Bigla niya akong niyakap.


"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Danielle. Ipapangako ko sa'yo na hindi kita sasaktan." sabi sakin ni William at hinalikan niya ako sa labi.


Masayang tumugon ako sa halik niya.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon