ELENA'S POV
"Mom, Dad. Please! Ayokong magpakasal sa kanya." pagmamakaawa ko sa kanila.
"No, kailangan natin sila. Mas magiging powerful tayo kung mag-me-merge ang business nila at business natin." sabi sakin ni Mom.
"So mas mahalaga sa inyo ang pera at kapangyarihan kesa sa anak niyo." sabi ko sa kanila.
"Ginagawa naman namin 'to para sa'yo anak." sabi sakin ni Dad.
"I HATE YOU MOM AND DAD! HINDI NIYO AKO NAIINTINDIHAN EH! HINDI YAN ANG GUSTO KO!" sigaw ko sa kanila.
*slap*
Nagulat ako nang sinampal ako ni Mom. Bigla namang natauhan si Mom.
"I'm sorry my daughter." sabi sakin ni Mom at lalapitan na sana niya ako ngunit tumakbo ako paakyat sa hagdan at pumunta sa kwarto ko.
Nang nasa kwarto na ako ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Fred.
"Hello Fred. Kailangan ko ng matitirahan." sabi ko kay Fred na nasa kabilang linya ng cellphone ko.
("Anong nangyari?") nag-aalalang tanong sakin ni Fred.
"Nag-away kami ng parents ko." sagot ko kay Fred.
("Ganun ba? Sige tatawagan na lang kita kung may nahanap na akong pansamantalang titirahan mo.") sabi sakin ni Fred.
"Thanks for helping me." sabi ko kay Fred.
DANIELLE'S POV
- DYOSA'S PARK -
"William, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko kay William.
"A-ano ba ang p-pag-uu-usapan n-atin?" nauutal na tanong sakin ni William.
"May tinatago ka ba sakin?" diretsahang tanong ko sa kanya.
"W-wala. Ano ba ang pinagsasabi mo?" sagot sakin ni William. Pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya.
"Sinungaling! Kilala kita William. Alam ko ang galaw mo kung may tinatago kang sikreto sakin. Please tell me the truth." naiiyak kong sabi kay William.
"W-wala nga akong tinatago." pagsisinungaling sakin ni William sabay iwas ng tingin.
"Siguro may ibang babae ka na kaya nagkakaganyan ka." sabi ko kay William. Yun kasi ang pumasok sa isip ko.
"Wala akong babae. Sige, sasabihin ko na." sabi sakin ni William at huminga siya nang malalim.
"I'm sorry Wife. Ikakasal na ako sa ibang babae." - William
Nanlambot ang mga paa ko dahil sa sinabi sakin ni William.
"Next week na rin ang engagement party namin ni Elena." - William
May tumulong luha sa mga mata ni William. Ako rin ay naiyak na sa sinabi ni William.
"Patawarin mo ako Danielle. Mahal na mahal kita. Kagustuhan ng mga magulang namin ni Elena na ikasal kami para mag-merge ang kumpanya namin. Hindi namin ginusto ni Elena na ikasal kami sa isa't-isa." pagpapaliwanag sakin ni William.
Nagkaroon muna ng mahabang katahimikan. Pinakinggan ko nang mabuti ang paliwanag niya.
"Ikaw lang ang mahal ko Danielle." sabi sakin ni William then he hugged me. I hugged him back.
"Mahal na mahal din kita William." sabi ko kay William. Wala akong pakialam kung maraming tao ang nakatingin samin.
Ikakasal na siya.
Ikakasal na ang lalakeng mahal ko sa ibang babae.
Ang sakit.
"Wife." - William
Hindi ako nagsalita. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang umiiyak.
"Sumama ka sakin. Magtanan tayo. Marami akong bank accounts na nakatago at hindi yun alam ng parents ko. Please sumama ka sakin." sabi sakin ni William.
"William, sasama ako sa'yo kahit saan man tayo magpunta." tugon ko kay William. Bumitaw si William sa yakap at hinalikan niya ako sa noo.
"Good." nakangiting sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.
**********