LAUREN'S POV
Nagbubukas ako ngayon ng mga gifts.
"Ito ang gift ko sa'yo Lauren. Pasensiya na kung ito lang ang maibibigay ko sa'yo" - Danielle
Binigay sakin ni Danielle ang gift niya para sakin. Binuksan ko ito at isang scrapbook ang laman.
"Pasensiya na kung yan lang ang gift ko sa'yo. Ginawa ko yan para sa'yo" sabi sakin ni Danielle.
"Wow ang ganda naman nito. Thanks Bestie. Don't say sorry to me. Ang ganda kaya ng gift mo sakin." sabi ko kay Danielle then I hugged her. Totoong nagustuhan ko ang gift niya dahil nag-effort talaga siya at galing sa puso yung binigay niya sakin.
Nagbukas pa ako ng maraming gifts.
Kay Fred ay isang latest model ng digicam.
Kay Rissey naman ay complete set ng makeup kits.
Gift naman sakin ni James ay imported na bags.
Kay William naman ay isang necklace na nagkakahalaga ng 8 million pesos.
Ang gift sakin ni Dave ay isang iPhone 8.
Kay Tim naman ay isang pares ng hikaw na kulay silver at may pulang dyamante. Nagkakahalaga ito ng 5 million pesos.
Kay Mitchell naman ay mga high heels mula sa Victoria's Secret.
And last but not least, yung kay Ezekiel naman ay trip to Hongkong Disneyland na good for 3 people na may kasamang P200,000 na pocket money.
Yung ibang gift naman ay bukas ko na bubuksan since magmi-midnight na.
Hindi ko akalaing magiging masaya ang debut ko.
This is the best birthday ever. First time ko 'tong maranasan sa buong buhay ko.
Ang mag-celebrate kasama ang pamilya ko, friends ko, mga taong nagmamahal sakin, at higit sa lahat ay ang makasama ko ang lalakeng mahal ko.
At yun ay walang iba kundi si Ezekiel.
DAVE'S POV
Pagkatapos ng debut ni Lauren ay pauwi na kami ngayon nina Mitchell at Tim. Si Tim ang nagmamaneho ng kotse since siya naman ang nagmamay-ari nito.
*huminto bigla ang kotse ni Tim*
"Bakit ka huminto?" tanong ko kay Tim. Huminto kasi ang kotse niya.
"Hindi ako huminto. Naubusan na ng gas ang kotse ko." sagot sakin ni Tim.
"ANO? NAUBUSAN NG GAS?" sabay na sigaw namin ni Mitchell.
"Ay hindi. May gas pa, may gas pa. Malamang naubos na. Paulit-ulit?" sarcastic na sabi ni Tim. Aba, may gana pa talagang siyang mamilosopo kahit hindi maganda ang sitwasyon namin ngayon.
"Anong gusto mo Tim? Ang masakal nang paulit-ulit o masuntok nang paulit-ulit?" naiinis kong tanong kay Tim.
"Ikaw ang gusto ko Dave." - Tim
"Ikaw ang gusto ko Dave."
"Ikaw ang gusto ko Dave."
"Ikaw ang gusto ko Dave."
"Ikaw ang gusto ko Dave."
"Ikaw ang gusto ko Dave."
"Ikaw ang gusto ko Dave."
Natahimik naman ako sa sinagot sakin ni Tim. Pati nga rin si Mitchell, natahimik din siya.
*dug dug dug dug dug*
Oh my gosh!
I heard it clear.
Tim likes me.
Tim really likes me at kita ko yun sa mga mata niya.
"Matagal na kitang gusto Dave." sincere na sabi ni Tim habang nakatingin siya sakin.
Wala akong masabi sa pag-amin sakin ni Tim.
I'm speechless. Feeling ko ay namumula na ako ngayon sa kilig.
Pero ilang saglit pa ay...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
...biglang tumawa sina Tim at Mitchell. Kumunot bigla ang noo ko dahil sa tawa nila.
"Hahahahaha! Ang epic ng mukha mo Dave. Sobrang nakakatawa. Hahahaha!" natatawang sabi ni Mitchell.
"Hahahahaha! Oo nga Dave. You're face is priceless. Kamukhang-kamukha mo si Mr. Bean sa itsura mo kanina. Hahahahahaha! At naniwala ka agad sa sinabi ko na may gusto ako sa'yo. Hahahahaha!" natatawang sabi naman ni Tim. Feeling ko ay sasabog na ang ulo ko ngayon sa galit.
"Hala Tim! Nagiging halimaw na naman si Dave." narinig kong sabi ni Mitchell.
"TAKBO!!!" sigaw ni Tim at lumabas na siya sa kotse at pati na rin si Mitchell. Lumabas din ako sa kotse para habulin sila.
"BUMALIK KAYO RITO MGA HANGAL!!!" sigaw ko sa kanila habang hinahabol ko sila.
Humanda sila sakin kapag mahabol ko sila.
**********