RISSEY'S POV
Napatingin ako sa paligid ng pool area.
Grabe, ang romantic naman dito.
May mga red and white balloons.
May pulang carpet tapos yung swimming pool ay nag-iiba ang kulay. Ang galing naman.
"Do you like it?" tanong sakin ni Fred.
Masayang tumango ako.
"Tara, swimming tayo." sabi ni Fred and then he take off his t-shirt and pants. Naka-trunks na lang siya ngayon. Waaaa! Ang hot talaga niya.
"Naglalaway ka na naman sa abs ko." sabi sakin ni Fred sabay ngisi. Bumalik naman ako sa katinuan.
"Sira." sabi ko at naghubad na rin ako hanggang sa naka-two-piece swimsuit na lang ako. Prepared yata ako.
Nakita ko naman si Fred na nakatulala sakin. Mukhang malapit na siyang maglaway sa katititig sa katawan ko.
"Naglalaway ka na naman sa sexy kong katawan." pang-aasar ko kay Fred.
"Ang sexy kasi ng future wife ko." tugon sakin ni Fred.
Oo nga pala, ilang minuto na lang ay sasagutin ko na siya.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"
*splash*
Napasigaw ako bigla dahil binuhat ba naman ako ni Fred at tumalon siya sa pool.
"Hahahahahaha!" tumawa bigla ni Fred.
"Ang sama mo talaga. Sasagutin na sana kita mamaya pero da..."
Naputol ang pagsasalita ko nang magsalita si Fred.
"Talaga? Sasagutin mo na ako?" masayang tanong sakin ni Fred. Oops! Nadulas ako sa pagsasalita.
"A-anong sagutin ka dyan ang pinagsasabi mo?" palusot ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Please be my girlfriend." sabi niya at niyakap ako.
"I beg you." - Fred
Tinignan ko siya at nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sakin.
"I love you Rissey. I will be the happiest person in the world if you answer me 'yes'. Please be my girlfriend, be my forever. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita." sincere na sabi sakin ni Fred.
*dug dug dug dug dug*
My heart beating so fast.
Ito na ba ang kasagutan ko sa tanong ni Fred?
"Yes! Yes Fred! Sinasagot na kita." masayang sagot ko kay Fred.
"Really?" masayang tanong niya.
Tumango ako.
"YESSS!!!" masayang sigaw niya at niyakap niya ako.
"I LOVE YOU RISSSSSEEEEEEEYYYYYYY!!!" - Fred
"I LOVE YOU TOO FRRRRRRREEEEEEDDDD!!!" - ako
And then we kissed passionately.
Nananaginip lang ba ako?
Kung nanaginip lang ako, sana hindi na ako magising pa dahil kasama ko na ang lalakeng mahal na mahal ko.
Sana tumigil na rin ang oras.
Sana happy ending na 'to at wala nang hahadlang sa pagmamahalan namin.
**********
"February 14, kaya tinawag na Valentine Day dahil ito ang pinakamasayang araw kasama ang mahal mo. Waaaaaaa! It's official. Kami na ni Fred. Sana walang sumulpot na asungot na sisira sa relasyon namin."
- Rissey