RISSEY'S POV
Pina-ikot ni James ang bote.
At tumigil ito sakin. Ang malas nga naman.
"Truth or Dare?" tanong sakin ni James. Waaaa! Ano nga ba ang pipiliin ko?
"D-dare." nauutal kong sagot sa kanya. Napangiti naman si James. Waaaa! Baka mahirap ang dare niya.
"I dare you na bilhan mo ako ng pagkain. Nagugutom na kasi ako eh. Libre mo." utos sakin ni James. Yun lang pala eh. Buti at madali lang ang dare niya. Pero mapapagastos ako ng malaki dahil mahal ang pagkain dito.
"Ang boring mo naman magbigay ng dare James." - Lauren to James
"Yun lang ang naisip ko eh." - James to Lauren
"Dalawang hamburger at dalawang softdrink hah." sabi sakin ni James. Tumango lang ako at pumunta sa cafeteria para bumili ng dalawang hamburger at dalawang softdrink.
"87 pesos and 50 centavos po." sabi sakin ng cashier. Agad akong nagbayad sa kanya.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay bumalik na ako sa leisure room at ibinigay ko na ang binili kong pagkain kay James. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Dapat pala bumili ako ng pagkain para sakin.
"Since nagawa mo ang dare ko. Sayo na lang 'tong isang hamburger at isang softdrink ko." sabi ni James sabay abot sakin ang isang hamburger at softdrink. Kinuha ko naman yun since nagugutom na ako. Hulog ka talaga ng langit James.
Pinaikot ko yung bote at tumapat ito kay Danielle.
"Truth or Dare?" - ako
"Dare." matapang na sagot sa'kin ni Danielle. Ano kaya ang pwede kong i-dare sa kanya? Hmmm!
Bigla kong nakita ang lalakeng nambastos sakin kanina sa labas.
*flashback*
Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang umakbay sakin.
"Hello sexy."
Tumingin ako sa umakbay sakin. Nag-wink siya sakin. Well, gwapo siya kaya lang mukhang siyang adik.
"Hmmm! Pasado ka na maging sex slave ko kahit flat chested ka." sabi sakin ng lalake na ikinagulat ko.
*end of flashback*
Alam ko na!
"I dare you to kick that guy where-he-hurt-the-most." utos ko kay Danielle sabay turo sa lalake na nasa labas.
"ANO?!" hindi makapaniwalang sabi ni Danielle.
"Binastos niya kasi ako kanina. Gusto kong makaganti sa kanya." sabi ko kay Danielle.
"Ay ganun ba?" - Danielle
Tumango ako kay Danielle.
Nakita kong tumayo si Danielle at tumakbo papalabas ng leisure room. Lumapit siya sa lalakeng nambastos sakin kanina.
O____O
At sinipa niya ang *ehem* private part ng lalakeng nambastos sakin kanina. Nakita ko namang namimilipit sa sakit yung lalake. Buti nga sa kanya.
Bumalik naman samin si Danielle.
"Done." nakangiting sabi ni Danielle. Napanganga naman sina Fred, Zeke, Lauren at James.
Ganito ang reaksyon nila ------->>> O0O
**********
