(11) #MPISNewClassmates

2K 119 5
                                    

DANIELLE'S POV

Sabay kami ngayon ni Fred papuntang room. Maraming babae at beki na masama ang tingin sakin. Lagi namang masama ang tingin nila sakin kapag kasama ko si Fred eh.


"Don't mind them Princess." bulong sakin ni Fred. Alam kong yan ang sasabihin ni Fred sakin.


Habang naglalakad kami ni Fred ay  may isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.


"DANIELLE!!!"


Teka, boses ni Rissey yun ha. Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sakin. Si Rissey nga.


"YOU!!!" " biglang sigaw ni Fred. Nagulat naman kami ni Rissey dahil sa pagsigaw ni Fred pero mas nagulat si Rissey nang makita niya si Fred.


"Sige Danielle. Una na ako ha." sabi ni Rissey sabay karipas ng takbo. Anyare dun?


"Kilala mo siya Princess?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Fred.


"Yup, childhood friend ko siya. Bakit Fred?" sagot ko kay Fred.


"Ah wa-wala. Ta-tara na." nauutal na sabi ni Fred at naglakad na kami papuntang room. Nang nasa room na kami ay as usual. Maraming babae at beki na masama ang tingin sakin. Pati nga mga tunay na lalaki masama ang tingin sakin.


Nakita ko naman si William na natutulog. Mukhang bumalik na nga siya sa dati.


"Good Morning Class." bati samin ng Adviser nang dumating na siya at may kasama siyang dalawang estudyante. Yung isa ay hindi ko kilala at yung isa ay si Rissey. Yes, mag-classmate kami ni Rissey.


"Meet your new classmates." sabi ng Adviser namin at nagpakilala na yung babae at si Rissey. Lauren Gomez pala ang name ng babae.


Umupo si Lauren sa tabi ni 'William na natutulog'. Buti at hindi siya sinusuway ng Adviser namin kapag natutulog siya. Sa bagay, takot sa kanya ang mga professors kaya pwede niyang gawin ang gusto niya.


Si Rissey naman ay umupo sa tabi ni Fred. Nagulat pa nga siya nang makita niya si Fred. At si Fred naman ay biglang ngumisi. Magkakilala ba sila?


RISSEY'S POV

Waaaaaa! I'm dead. Katabi ko ngayon ang lalakeng natapunan ko ng chocolate juice nung araw na nag-eenroll ako. Di ko naman alam dati na siya pala ang anak ng may-ari ng school na 'to.


Umalis na yung Adviser namin nang matapos ang first subject namin sa kanya.


"Psst."


O______O


Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Satanas. Hinnnnnddddeeeeeee!


"Akala mo matatakasan mo ang ginawa mo sakin." mala-demonyong sabi niya. Napalunok ako sa sinabi niya. Nakakatakot siya.

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon