(33) #MPISItsOverNaBa

1.4K 103 0
                                        

DANIELLE'S POV

Hay thank God. I feel relax. 


Lumabas na ako sa lady's CR. 


Pabalik na ako sa table namin nang makita kong may kaguluhan dun. Dali-dali akong tumakbo.


"Excuse me." sabi ko sa mga taong nakaharang. Nang malampasan ko na sila.


O____O 


Nakita ko si William na nakahiga sa sahig.


May pasa siya.


Agad akong lumapit sa kanya.


"William!" nag-aalalang sabi ko kay William. Dali-dali akong umupo sa tabi niya. Inangat ko ang ulo niya at ipinatong ko ito sa lap ko.


"Ano ba ang nangyari Lauren?" tanong ko kay Lauren. Napatingin ako bigla kay Zeke. 


Pagtingin ko ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni Zeke. Para siyang isang tigre kung magalit.


"Danielle, it's ki...." - Lauren


Naputol ang pagsasalita ni Lauren nang may biglang nagsalitang isang babae.


"I want to go home na." sabi ng isang babae sabay hawak sa braso ni Zeke. Teka, ito yung kasama ni Zeke ah.


Napatingin naman si Zeke sa babae.


"Okay, I'll take you home. Tara." sabi ni Zeke sabay hawak sa kamay ng babae at umalis na sila. Sino yang babaeng yan? Bakit parang close na close sila ni Zeke?


Bumalik na sa kani-kanilang table ang mga tao.


Nakita ko naman si Lauren na umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.


"Ssshhhhhh! Bes, tahan na." pagtatahan ko kay Lauren.


"Pinagpalit na niya ako."  sabi sakin ni Lauren na ikinagulat ko.


O____O 


What? Pinagpalit ni Zeke si Lauren sa babaeng yan?


It's over na ba?


- MEANWHILE -

DAVE'S POV

Huhuhu!


Hindi ako makatingin ngayon kina Tim at Mitchell dahil nalaman na nila ang katotohanan tungkol sakin. 


Baka ikakahiya na nila ako dahil sa nalaman nila.


"Dave." narinig kong tawag sakin ni Mitchell. Hindi naman ako sumagot at nakayuko lang ako.


"Tumingin ka samin Dave. Wag kang mahiya." narinig kong sabi ni Tim. May biglang humawak sa chin ko at ini-angat niya ito.


Si Tim pala ang humawak sa chin ko. Huminga naman ako nang malalim.


"Ngayon ay alam niyo na ang totoo. Alam kong ikinakahiya niyo na ako dahil sa nalaman niyo." malungkot na sabi ko sa kanila.


"Ha? Ikinakahiya? Bakit naman kami mahihiya?" tanong sakin ni Mitchell.


"Oo nga, tama si Mitchell. Bakit naman kami mahihiya? Porket bakla ka, ibig sabihin nun ay ikinakahiya ka na namin. Hindi Dave, kahit ano ka pa man ay hindi ka namin ikakahiya dahil tropa tayo." sabi sakin ni Tim. Napaiyak naman ako sa tuwa dahil sa narinig ko.


"Hindi talaga ako nagsisi na maging kaibigan kayo." sabi ko sabay yakap kina Tim at Mitchell.


Niyakap naman nila ako pabalik. Sobrang saya ko ngayon dahil tanggap ako nina Tim at Mitchell bilang ako. Ngayon ay hindi ko na kailangan pang magpanggap na tunay na lalake sa harap nina Tim at Mitchell.


"Threesome tayo guys." narinig kong sabi ni Mitchell. Kinurot ko naman si Mitchell sa tagiliran.


"OUCH! Joke lang naman yun eh!" hiyaw ni Mitchell.


"Ewww! Ang bastos mo." sabi ko kay Mitchell.


"Matagal mo na pala kaming pinagnanasaan, pre." sabi sakin ni Tim na ikinahiya ko. Waaa! Buking na buking na talaga ako.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon