(83) #MPISWillNiellesValentinesDate

1.1K 88 0
                                    

DANIELLE'S POV

- TAGAYTAY -

"Wow! Ang ganda." manghang sabi ko nang makarating na kami ni William sa Private Beach Resort niya dito sa Tagaytay.


"Buti naman at nagustuhan mo 'tong beach resort ko. Noong Christmas pa sana kitang yayayain dito kaso alam mo naman kung ano ang nangyari." sabi sakin ni William. Tumango naman ako sa kanya.


"Okay lang naman yun sakin. Naintindihan naman kita kung bakit ka nawala." sabi ko kay William. Naalala ko na naman ang bestfriend kong si Steph. 


Kawawa naman si Will dahil maaga siyang nawalan ng mga magulang. Buti na lang at inaalagaan siya ngayon ng Mama ko.


"Tara, kumain muna tayo sa mini resto ko." sabi sakin ni William. Tumango ako at naglakad ulit kami.


- DANIELLE'S MINI RESTO -

"Wow! Bakit pangalan ko ang pinangalan mo?" tanong ko kay William. 


Ngumiti lang siya at tinignan niya ako na parang may ipinapahiwatig siya sakin. 


Naintindihan ko naman kung ano ang sasabihin niya sakin. Napatalikod ako at tumili ng palihim kay William. Waaaaaaa! Kinikilig ako. 


May bigla akong naramdamang yakap mula sa likod ko.


"I love you Danielle." - William


Ito na naman siya. Pinapakilig na naman niya ako.


"I love you too William." tugon ko kay William. 


Pumasok na kami ni William sa Mini Resto. Umupo ako sa upuan habang si William naman ay sinuot niya ang apron niya at nagsimulang magluto.


"Tikman mo." utos sakin ni William sabay lagay sa mesa ang niluto niyang pagkain.


"Wow! Ang sarap naman nito." sabi ko nang matikman ko ang niluto ni William.


"That's Marinated Fried Pork Steak." sabi sakin ni William. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito at ang boyfriend ko pa ang nagluto. 


Ang swerte-swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng boyfriend na gwapo, yummy, mabait, magaling magluto at higit sa lahat mapagmahal kahit masungit. 


Hindi ko talaga pinagsisihan na minahal ko si William.


- CONTINUATION -

DAVE'S POV

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na sina Tim at Mitchell sa Dyosa's Bar.


At hindi nga ako nagkamali.


May kasama silang isang babae ngayon at sumakay sila sa kotse ni Tim.


Nakaramdam ako bigla ng lungkot.


Mukhang nakalimutan na nga nila ako.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon