(6) #MPISClubs

2.4K 114 1
                                    

DANIELLE'S POV

"Good morning class." bati samin ng adviser namin. Bumati rin kami sa kanya ng 'good morning'.


"Ngayon ay pipili kayo kung anong club ang papasukin niyo every Friday. Marami tayong pagpipiliang club. Merong cooking club, taekwondo club, modeling club blah blah blah." pag-eexplain ng adviser namin.


Wow, meron pala yan dito? Mukhang exciting. Cooking club ang kukunin ko.


"Anong club ang kukunin mo Princess?" tanong sakin ni Fred.


"Cooking club, ikaw?" sagot ko kay Fred.


"Taekwondo Club yung akin." sagot naman sakin ni Fred.


"Saan pala magpapalista para sa napiling club?" tanong ko kay Fred.


"Dun daw sa Student Council President natin sa SC office." sagot niya sakin. Tumango ako at sabay kami ni Fred na nagpalista sa SC office. 


Buti nalang at anak ng may-ari ng school ang kasama ko. Di lang anak ng may-ari kundi isang poging nilalang din kaya pinasingit kami ng mga pumipila. Yung mga babae at beki naman ay masama ang tingin sakin. Hinayaan ko na lang sila. Di naman sila nakakatakot eh.


"Sa cafeteria tayo." sabi sakin ni Fred pagkatapos naming magpalista para sa club.


"Sakto, gutom na ako." sabi ko sa kanya.


"Tara." - Fred


Pumunta na kami ni Fred sa cafeteria.


- CAFETERIA -

"Anong gusto mong orderin?" tanong sakin ni Fred.


"Kahit ano nalang." sagot ko sa kanya.


Tumango lang siya sakin at pumila siya pero pinasingit siya. Sino ba naman ang hindi magpapasingit ng gwapo plus anak pa siya ng may-ari ng school.


"DAAAAANNNIIIIIEEEEEEELLLLLEEEEEE!!!"


Ay tae! Sinigawan ba naman ako ni Rissey sa likod.


"Rissey naman eh." sabi ko sabay palo ng mahina sa braso niya.


Siya nga pala si Rissey Navarro. Childhood friend ko siya. Dito rin siya nag-aaral pero magpapa-enroll pa lang siya. Naging masyadong busy yata siya sa karinderya nina Tita at yung maldita niyang pinsan na si Charity kaya ngayon lang siya nakapag-enroll. Di ko nga alam at kung pano niya natatagalan ang mag-inang yan.


"Kumusta ang school?" tanong sakin ni Rissey.


"Okay lang naman." sagot ko sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya tungkol sa nakilala kong lalake na ubod ng sungit. Naku baka sapakin niya yun. Medyo may pagkasadista kasi 'tong si Rissey.


"Mabuti naman. Sige magpapa-enroll na ako. Sana maging mag-classmate tayo." sabi sakin ni Rissey. Tumango lang ako at umalis na siya.


Nang makaalis na si Rissey ay nakita ko naman si Fred na may dalang maraming pagkain. Wow, ang dami naman.


"Sorry kung natagalan." sabi ni Fred sakin.


"Ok lang yun." sabi ko naman sa kanya. Nagsimula na kaming kumain.

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon