(59) #MPISPrinceFredToTheRescue

1.2K 97 0
                                    

FRED'S POV

Binilisan ko ang pagda-drive dahil sa takot na baka may mangyaring masama kay Rissey.


Humanda ka sa'kin Fiona kapag may mangyaring masama sa babaeng mahal ko


TIMO'S POV

Fvck! Ano ba 'tong pinasok ko? Hindi ito ang paraan na gusto kong gawin para mapasakin si Rissey.


May gusto ako kay Rissey since elementary pa lang. Ang ganda-ganda kasi niya, mabait siya, palangiti at higit sa lahat ay matulungin. Naalala ko pa nga nung una ko siyang nakita noong bata palang kami ay umiiyak siya noon sa isang garden.


Parang gusto ko siyang lapitan at i-comfort noon pero hindi ko kaya eh. Sadyang torpe ako.


Hindi ko na siya nakita pa noong grumaduate na siya sa elementary. Pero noong pumasok ako sa Dela Cruz University ay nakita ko ulit siya. Tuwang-tuwa ako dahil nakita ko ulit siya. At nalaman ko rin na kaibigan niya sina Dave at ang kapatid kong si Tim. Nakiki-usap nga ako sa kanilang dalawa noon na ipakilala nila ako kay Rissey pero dineadma nila ang request ko.


"Hubarin mo na siya. Diba't gusto mo siya? Ito na siya oh. Pagkakataon mo na 'tong maging sa 'yo siya." sabi sakin ni Fiona na may hawak na digicam. Nag-dadalawang isip ako kung gagawin ko ba 'to o hindi?


*boooggggggsssssssshhhhh!*


Biglang bumukas ang pinto ng room na chineck-in namin ni Fiona at nakita ko ang isang lalake na umuusok ang ilong dahil sa galit.


Si Fred Dela Cruz.


The Son's Owner of Dela Cruz University at may kasama siya.


Sina Dave, Mitchell at ang kapatid kong si Tim.


"DON'T YOU FVCKING DARE TO TOUCH HER." galit na bulyaw sakin ni Fred. Lumapit sakin si Fred at sinuntok niya ako sa mukha.


Natumba ako dahil sa sobrang lakas ng suntok niya sakin.


Nakita ko namang sinasabunutan ni Dave si Fiona. Patuloy pa rin ang pagsuntok sakin ni Fred hanggang sa mawalan ako ng malay.


RISSEY'S POV

Grabe, totoo ba 'to?


May concert ako?


Grabe, ang daming tao.


"RISSEY! RISSEY! RISSEY!" sigaw ng mga fans ko.


May nakita akong isang grupo ng mga tao at may hawak silang tarpauline na nakalagay ay Risseyfiers at may mukha ko pa.


"Salamat sa mga dumalo sa concert ko. Para sa inyo ang kantang 'to." sabi ko sa mga fans ko. Nagsimula na akong kumanta.


My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon