RISSEY'S POV
"Ganito lang ang mechanics. Kapag tumapat sa inyo ang bote. Pipili kayo kung truth or dare. Kapag truth ang pinili niyo, sasagutin niyo honestly ang tanong na ibibigay sa inyo. Kapag dare naman, gagawin niyo ang utos o challenges na ibibigay sa inyo. Kung hindi niyo magawa ang dare. May mabigat na punishment na naghihintay para sa inyo." pagpapaliwanag ni Danielle sa laro.
"Ano game?" - Danielle
"GAME." sabi naming lahat. Sana madali lang yung dare. Hindi yung tulad kina Michie, Maggie at China ng #TBYD. Yung Crazy Trios. Hehehe!
Pina-ikot ni Danielle ang bote at tumapat ito kay Lauren.
"Truth or Dare?" tanong ni Danielle kay Lauren.
"Truth." sagot ni Lauren.
"Mag-dare ka na lang Bestie." pagkukumbinsi ni Danielle kay Lauren.
"Ayoko. Truth lang ako." pagtanggi ni Lauren. Mukhang natatakot si Lauren na mag-dare.
"O sige, ito ang tanong. Mahal mo ba si Zeke? If yes, patunayan mo." tanong ni Danielle kay Lauren.
"Oo naman and I will prove it." sagot ni Lauren at lumapit siya kay Zeke and hinalikan niya ito sa lips passionately.
"Eeeewwww. Porn." - Fred
Napatigil naman si Lauren sa paghalik kay Zeke dahil sa sinabi ni Fred. Halatang namumula siya.
Pagkatapos nun ay pina-ikot na ni Lauren ang bote at tumapat ito kay Zeke.
"Truth or Dare?" - Lauren to Zeke
"Dare." matapang na sagot ni Zeke.
"I dare you to do sexydance in front of us." sabi ni Lauren kay Zeke. Bwahahaha! Hindi pa naman marunong sumayaw si Zeke.
"WHAT?" hindi makapaniwalang sigaw ni Zeke.
"Do a sexydance in front of us." pag-uulit ni Lauren.
"But..." - Zeke
Naputol ang sinabi ni Zeke nang magsalita muli si Lauren.
"No buts. Magtatampo ako sa'yo kung hindi mo gagawin ang dare ko." pananakot ni Lauren kay Zeke. Wala namang magawa si Zeke kaya tumayo siya at nag-sexydance siya sa harap namin.
"Hahahahaha!!!"
Nagtawanan kami dahil sa sexydance ni Zeke. Hindi siya makagiling nang maayos. Pulang-pula na ang mukha ni Zeke sa kahihiyan.
Pagkatapos nun ay pina-ikot ni Zeke ang bote at tumapat ito kay James.
"Truth or Dare?" tanong ni Zeke kay James.
DANIELLE'S POV
Pina-ikot ni Zeke ang bote at tumapat ito kay James.
"Truth or Dare?" - Zeke to James
"T-truth." nauutal na sagot ni James kat Zeke.
"Kinakabahan ka agad? Since truth ang sinagot mo, ito ang tanong ko sa'yo." - Zeke to James
*katahimikan*
Huminga nang malalim si Zeke.
"May gusto ka ba kay Danielle?" - Zeke to James
Nagulat naman ako sa tinanong ni Zeke kay James. Pati na rin sina Lauren at Rissey ay nagulat din. Si Fred naman. Cool lang.
"O-oo naman. Bilang kaibigan niya." nauutal sagot ni James kay Zeke.
"Kaibigan nga lang ba o higit pa dun?" follow-up na tanong ni Zeke kay James.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Zeke?" inis na tanong ko kay Zeke.
"I'm just curious." sagot sakin ni Zeke.
**********