LAUREN'S POV
Wala akong ganang sumali sa scouting day pero kelangan kong sumali dahil mawawalan ako ng grade.
Oo nga pala, hindi kami magkabati ngayon ni Danielle dahil sa nangyari. Hindi ko pa rin matanggap na naging sila ni William.
Pero as of now, parang gusto ko nang mag-sorry sa kanya dahil sa nangyari. Dun ko na-realize na nagiging selfish na pala ako. Nakikita ko naman na mahal nila ang isa't isa.
"Hub, tubig oh." sabi ni Danielle sabay abot ng isang bote ng mineral water kay William. Halatang nagulat si William dahil kay Danielle. Napatingin siya sakin pero mabilis niya itong iniwas. Tumingin ulit si William kay Danielle at ngumiti.
"Thanks Wife." nakangiting sabi ni William kay Danielle. Hub at Wife? Ang ganda naman ng endearment nila. At ang ganda ng ngiti ni William. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti since nung iniwan siya ng ex-girlfriend niyang si Steph. Haaay! Nakaka-inggit talaga si Danielle. Sa tingin ko mas maganda pa siya sakin dahil nagustuhan siya nina William at Fred. Ang laki ng pinagbago nila since nakilala nila si Danielle.
DANIELLE'S POV
Scouting day na. Kami ni William ang magka-partner sa iisang tent.
Nagkaroon muna kami ng parade at program kaninang umaga plus may pa-zumba pa para may energy kami (around 7 AM to 10:30 AM).
"Okay students, this is the day 1 of our Scouting Month 2015. In this day, we have lots of outdoor activities to do just like hiking, camping, meron ding mga surprise games which is secret lang muna, and other outdoor activities." - Prof Dyosa
📌
Around 10:30 AM to 12 NN naman ay para sa lunch namin. Kami ang nagluto ng pagkain namin sa lunch.
"William, luto na ba ang noodles?" tanong ko kay William.
"Hindi pa pero malapit nang maluto." - William
Tumango lang ako kay William.
"Lauren, masusunog na ang piniprito mong corned beef." sabi ni Rissey kay Lauren.
"Ay pasensiya na. Nawala bigla sa isip ko na may piniprito pala akong corned beef." sabi ni Lauren sabay hawak sa hawakan ng kawali.
"OUCH!" sigaw ni Lauren sabay bitaw sa hawakan ng kawali. Hindi pala siya gumamit ng basahan kaya napaso ang kamay niya.
"Sh*t Lauren!" sabi ni Zeke at hinawakan niya ang napasong kamay ni Lauren. Hinalikan ni Zeke ang napasong kamay ni Lauren.
"Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong ni Zeke kay Lauren.
"Konti." sagot ni Lauren kay Zeke.
📌
Pagkatapos naming mag-lunch ay nagkaroon din kami ng activities tulad ng camping, hiking at iba pang outdoor activities around 1 PM to 6 PM.