(40) #MPISChristmasParty

1.4K 97 0
                                    

DANIELLE'S POV

Christmas Party na dito sa Dela Cruz University. Pero ang lungkot ko ngayon dahil wala si William. Grabe nakaka-miss siya. Asan na kaya yun?


"Bes, okay ka lang?" tanong sakin ni Dave. Tumango lang ako kahit hindi ako okay.


"Sus, kunwari ka pa. Alam ko namang miss na miss mo na si William. Mind reader kaya ako." sabi sakin ni Dave. Binigyan ko naman siya ng ano-ang-ginagawa-mo-dito look. Tignan natin kung mind reader talaga si Dave.


"Wala naman. Bawal ba pumunta dito?" sagot sakin ni Dave. Binigyan ko naman siya ng okay look. Geez, mind reader nga 'to. 


By the way, nami-miss ko na talaga si William. Hindi ko na siya nakita pa since nung nasa NAIA Terminal kami with Steph. Sana hindi siya nakidnap ng mga babae o di kaya'y mga bading. Charot!


WILLIAM'S POV

Nandito ako ngayon sa isang condo. Oo nga pala, nalaman kong ginahasa si Steph two years ago. At nalaman ko rin na hindi talaga ako ang ama ng anak niya. Nagpa-DNA test kasi kami at lumabas na negative ang resulta.


Aaminin kong mahal ko pa rin si Steph hanggang ngayon. Pero mahal ko rin si Danielle. Pareho ko silang mahal. Nahahati sa dalawa ang puso ko. 


Sino ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa?


RISSEY'S POV

Waaaa! Ang saya pala ng Christmas Party. First time ko kasing maranasan 'to. Ang daming pagkain, ballons at gifts. May mini concert din. Ayoko sanang sumali sa Christmas Party pero pinilit ako ni Fred.


"Waaaa! Chocolate fountain." sabi ko sa isip ko. Lumapit ako sa chocolate fountain. Kumuha ako ng marshmallow at sinawsaw ko ito sa chocolate syrup.


"Waaaaa! Ang sarap." sabi ko sa isip ko nang tinikman ko yun.


FRED'S POV

Tinitignan ko ngayon si Rissey habang kumakain ng marshmallow na may chocolate syrup. Sh!t! Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mukha siyang anghel sa paningin ko. 


Lumapit ako kay Rissey.


"Oh! Nandito ka pala. Gusto mo ba neto?" tanong sakin ni Rissey. Yung tinutukoy niya ay yung marshmallow na dinidip niya sa chocolate syrup mula sa chocolate fountain.


"Try mo. Masarap siya. Say ahh." sabi ni Rissey sabay tutok sa bibig ko ang hawak niyang marshmallow na may chocolate syrup. Binuka ko naman ang aking bibig at tinikman ko yun. Natikman ko nga yung hintuturo at hinlalaki ni Rissey eh.


"Masarap ba?" tanong sakin ni Rissey. Tumango naman ako sa kanya.


Kumuha naman ako ng marshmallow. Sinawsaw ko yun sa chocolate syrup mula sa chocolate fountain at sinubuan ko siya.


FIONA'S POV

Nakakainis!


Kitang-kita ko ngayon kung paano sila nagsusubuan ng marshmallow. Pasalamat kayo na hindi pa magaling 'tong paa ko. Nakakahiyang umupo sa wheelchair na may support sa leeg at left arm ko. Nagmukha na tuloy akong si Gloria Macapagal-Arroyo.


May araw ka rin sakin Rissey. Sisiguraduhin kong mapapasakin si Fred habang buhay. *evil smile*

**********

My Prince Is Masungit (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon