DANIELLE'S POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na sumama si Zeke sa ibang babae.
Sino ba yang babaeng yan at ang kapal naman ng mukha ni Zeke na sumama sa ibang babae. Akala ko ba ay mahal niya si Lauren pero mali pala ako.
"OUCH!" hiyaw ni William sa sakit nang dinampi ko ang hawak kong bulak na may alcohol sa pasa niya.
"Ano ba ang nangyari at bakit ka sinuntok ni Zeke?" tanong ko kay William.
"Nagselos siya samin ni Lauren." sagot sakin ni William.
"Ha? Nagselos? Bakit naman magseselos sa inyo si Zeke?" tanong ko ulit kay William. Parang nase-sense ko na may ginawang kalokohan kanina si William habang wala ako.
"Kasalanan ko dahil plinano kong pagselosin si Zeke." nakayukong sagot sakin ni William. Sinasabi ko na nga ba eh.
Binatukan ko naman si William.
"Arayyy! Ang sakit nun ah." pagrereklamo sakin ni William.
"Naku! Nakaka-strike two ka na." sabi ko kay William.
Oo nga pala, naka-uwi na pala si Lauren. Sana okay lang siya. Kawawa naman siya. Masasapak ko talaga yang Zeke na yan dahil sinaktan niya ang friend ko.
"Ahm Danielle?" tawag sakin ni William.
"Hmmm!" tugon ko sa kanya.
"Pwede ba kitang maka-date ngayong gabi?" tanong sakin ni William na ikinagulat ko.
*dug dug dug dug*
Huwaaaaat? He's asking me on a date?
"Pleeeeaaaasssseeee!" pagmamakaawa sakin ni William with matching puppy eyes pa. Waaaaa! Hindi ako makatanggi dahil sa mukha niyang kaawa-awa.
"Sige." sagot ko sa kanya. Ayan! Hindi ko na nga nakayanang tumanggi.
Nakita kong ngumiti si William.
- MEANWHILE -
DAVE'S POV
"Grabe napagod ako dun at ang sakit ng likod ko." sabi ko kina Tim at Mitchell nang makarating kami sa boys locker room. Naglaro kasi kaming tatlo ng basketball at ako ang unang napagod. Plus sumakit pa ang likod ko.
"Gusto mo ba ng masahe, pre?" tanong sakin ni Mitchell mula sa likod at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Napalunok naman ako dun.
"Ahh! S-sige." nahihiyang sagot ko kay Mitchell.
Sinimulan na ni Mitchell na masahiin ang balikat ko.
"Teka lang. Hahahahahaha!" natatawang sabi ko kay Mitchell. Nakikiliti kasi ako.
"May kiliti ka pala sa balikat, pre." sabi sakin ni Mitchell at binitawan niya ang magkabilang balikat ko.
"Eh dito kaya. May kiliti ka kaya?" sabi ni Tim at nabigla ako sa sunod na ginawa niya.
"Hahahahahaha! Waaa Tim! Hahahahaha! Tama na! Hahahahahahaha! Nakikiliti ako! Hahahahaha!" natatawang sabi ko kay Tim. Kasi naman ay kinikiliti niya ako sa may tagiliran ko.
"Sali ako." narinig kong sabi ni Mitchell at nakisali na rin siya kay Tim sa pagkiliti sakin.
"Hahahahahahahaha! Tama na! Hahahahahaha!" natatawang sabi ko. Hindi ko namalayang nakahiga na pala ako sa sahig habang kinikiliti nila ako.
"Hoy! Ano ang ginagawa niyo dyan?"
Napatigil naman kaming tatlo nang biglang may nagsalita. Hala patay!
**********