DANIELLE'S POV
Nandito kami ngayon ni William sa isang cottage dito sa private beach resort niya.
Nanonood kami ngayon ng sunset. Ang ganda naman ng view dito. Hindi masilaw kahit nakatingin sa araw.
"Ang ganda ng araw noh." sabi ko kay William.
"Yup, pero mas maganda ka pa sa araw." sabi sakin ni William.
*blush*
Kinilig ako sa banat ni William. Aba! Saan kaya 'to natuto?
"Danielle?" tawag sakin ni William.
"Hmm!" tugon ko sa kanya.
"I love you." nakangiting sabi sakin ni William. Ayan na naman ang nakakakilig niyang I love you.
"I love you too" nakangiting tugon ko kay William.
"Please still love me kung may nagawa akong hindi maganda sa'yo." - William
"Hindi kita maintindihan." nagtatakang sabi ko kay William.
"Sh!t! Nevermind." he said and then he hug me tight. Teka, parang may mali? Parang na-fi-feel ko na may tinatago sakin si William.
"May problema ba William?" tanong ko kay William. Napatingin siya sakin nang seryoso.
Biglang dumilim ang paligid.
Gabi na pala. Lumubog na yung araw.
- CONTINUATION -
DAVE'S POV
Simula nung nakita ko sina Tim at Mitchell sa Dyosa's Bar na may kasamang isang babae ay hindi ko na sila pinapansin. Bahala sila kung nakalimutan na nila ako.
Habang naglalakad ako pauwi ay naramdaman kong may sumusunod sakin.
Tumigil ako sa paglalakad sabay tingin sa likod.
Wala namang tao hah. Namamalik-mata lang siguro ako.
Bumalik ulit ako sa paglalakad. Pero habang naglalakad ako ay naramdaman ko ulit na may sumusunod sakin kaya binilisan ko pa ang paglalakad. Waaaaa! Gabi pa naman ngayon.
Biglang may tumakip sa bibig at ilong ko.
"Hmmmmmmmmm!"
At may naamoy akong nakakahilo.
ALL WENT BLANK.
📌
Nagising ako na masakit ang ulo.
O_______O
Teka, hindi ko 'to kwarto hah. Kaninong kwarto 'to?
"Gising na siya Tim."
Napatingin ako sa nagsalita.
O_______O
Sina Tim at Mitchell.
Ano ang ginagawa nila dito?
"Good morning sa'yo Dave." bati sakin ni Tim.
"Nasaan ako?" tanong ko sa kanila.
"Nasa Boracay tayo ngayon." sagot sakin ni Mitchell na ikinagulat ko.
"Ha? Nasa Boracay tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yup at may sorpresa kami sa'yo." sagot sakin ni Tim sabay kindat.
"Anong surpresa ba yan?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Basta, malalaman mo mamayang gabi." sagot sakin ni Mitchell sabay kindat din. Bakit parang na-fi-feel ko ang kaba?
- 9:00 PM -
Ano ba yan. Bakit may piring pa?
"Malapit na tayo." sabi sakin ni Mitchell.
"Pakibilisan niyo naman." naiiritang sabi ko sa kanila.
"Opo, mahal na reyna." sabi sakin ni Tim.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Hindi ko alam kung saan nila ako dinala since nakapiring nga ako.
"Tanggalin mo na ang piring mo Dave." utos sakin ni Mitchell. Tinanggal ko naman ang piring na nakatakip sa aking mga mata.
Pagtanggal ko...
"HAPPY VALENTINES DAY." sabay na bati sakin nina Tim at Mitchell. Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala na magagawa nila ito sakin.
"Waaaaaaaa! *sniff*"
Hindi ko mapigilang maiyak dahil bumalik sa aking mga alaala ang mga happy and sad moments naming tatlo.
"Paano niyo 'to nakunan?" tanong ko sa kanila habang tinitignan ko isa-isa ang mga litratong naka-display sa paligid.
"Matagal na naming pinagplanuhan 'to ni Mitchell para sa Valentines." sagot sakin ni Tim.
"Waaaaa! Salamat sa inyong dalawa. Mga bestfriend ko talaga kayo. Akala ko kinalimutan niyo na ako." sabi ko kina Tim at Mitchell.
"Hinding-hindi ka namin makakalimutan Dave. Pasensiya na kung hindi ka namin pinansin ng ilang araw. Parte kasi ito sa plano namin." sabi sakin ni Mitchell.
"Ayos lang yun, ang mahalaga ay hindi niyo ako kinalimutan." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Tara, mag-dinner date muna tayong tatlo." sabi samin ni Tim. Tumango lang kami nina Mitchell.
**********
