"Good afternoon, Sir! I'm sorry I'm late," sabi ko kay Sir Alfred, Calculus professor namin. Nakayuko ako habang papasok ng classroom. Natatakot akong tignan si Sir sa mata eh.
Partida, hapon na nga yung pasok ko, na-late pa ko. Malay ko ba? Nasarapan kasi ako sa lunch date namin ni Ejay eh. Si Ejay pala, boyfriend ko. Hindi ko napansin kung anung oras na. Time stood still. Humihinto yung oras kapag kasama ko s'ya. Ayy, hindi pala, bumubilis yung takbo ng oras kapag magkasama kaming dalawa. Hindi namin pareho nababantayan yung oras kasi sa buong oras na yun na magkasama kami, nakatitig lang kami sa mukha ng isa't-isa.
"It's alright. Sit down now," sabi n'ya. And then he continue discussing the lesson.
Umupo na ko sa upuan ko. Nilabas ko yung notes at libro ko, kunyari nakikinig. Syempre kelangan ng props.
"Ang bait naman ni Sir," sabi nung seatmate ko, si Jen. Alam kong ibig n'yang sabihin. Hindi kasi ito yung unang beses na na-late ako sa klase ni Sir na pinagbigyan n'ya ako. The last time na na-late ako, winish ko na sana hindi na lang ako pumasok. Eh pano kase, ilang minutes na lang nag-dismiss na si Sir. Parang hinintay n'ya lang talagang dumating ako bago s'ya mag-dismiss. Pero hindi ko naman binigyan yun ng ibang kulay.
Nagkibit-balikat lang ako. Oh well, madami talagang nai-inlove dito sa professor na toh. Bata pa kasi si Sir, mga nasa late 20's pa lang siguro tapos ang pogi pa. Hindi naman ako attracted sa kanya, pero pogi s'ya huh.
"Is this clear?" tanong ni Sir. "Naintindihan n'yo ba yung lesson natin for today?"
"Yes, Sir!" sagot ng mga classmates ko. Ako lang yung hindi sumagot, nakatingin lang ako sa kanila na parang hindi ko maintindihan kung ano yung mga pinagsasabi nila kasi lumilipad yung utak ko. Napansin ata ni Sir yung hindi ko pagsagot.
"How about you Ms. Samson? Do you understand?" tanong n'ya sa'kin.
"Ahh, yes sir. I understand po," sabi ko tapos nag-smile ako ng pa-keme. Siniko naman ako ni Jen. Parang kinikilig ang gaga. Pero hindi ko talaga naintindihan yung tinuturo n'ya. Kase naman, kakadating ko lang tapos magtatanong kaagad s'ya ng 'do you understand?' Obviously hindi ko naintindihan kase hindi ko naman nasimulan, di ba?
"Okay. So let's call it a day. Good bye class," sabi ni Sir maya-maya. Ito na naman, uwian na naman kaagad pagkadating ko. Ano nang natututunan ko nito? Parang wala ah.
"Bye, Sir!" sabi ng mga makekeme kong babaeng kaklase at hindi ako kasali dun. Hindi ko alam kung anong kinakikiligan nila kay Sir. Gwapo si Sir pero... Mas pogi naman ang boyfriend ko. Hmm, siguro ganun talaga, hindi mo napapansin yung flawlessness ng iba kasi busy ka sa kakatingin sa tao o bagay na gusto mo lang tignan. Hindi ko kasi sinusubukang i-appreciate si Sir eh, kaya siguro hindi ko makita kung saan banda s'ya nakakakilig.
Sumulyap pa sa'kin si Sir bago s'ya lumabas ng class room tapos nag-beam s'ya. Anung problema neto? Trip mo ko, Sir? Naku, baka kapag nagpatuloy kang ngumiti-ngiti sa'kin, baka ma-aapreciate na kita n'yan.
"Uyy, nakita ko yun!" asar ni Jen. Tinutulak-tulak n'ya pa ako.
"Alin?" tanong ko habang nililigpit ko yung mga 'props' ko. Maang-maangan.
"Yun. Nginitian ka ni Sir. Yiiihi," asar n'ya pa. Nag-swag-swag pa s'ya habang tumatawa.
"Hoy! Tumigil ka nga. Ako nga hindi ko yun pinansin eh. Ikaw naman napaka-malisyosa mo naman," sabi ko sa kanya. Pero parang may something nga. Pero ayaw ko ngang pansinin yon. Baka mamaya... Baka.
Pagdating ng uwian nagpunta na ko sa parking lot. May usapan kami ni Ejay na ihahatid n'ya ko pauwi ngayon. Si Ejay, varsity player s'ya ng school. Konting panahon na lang magiging busy na naman s'ya kaka-practice para sa Basketball League. Kaya nga nilulubos-lubos ko na yung panahon na pwede kaming magkasama habang hindi pa s'ya busy eh.
He kissed me at the cheek pagdating n'ya. He's smiling happily.
"Hey! Ready to go home?" sabi n'ya sa'kin. Tumango ako at inalalayan n'ya na ko papasok sa kotse n'ya.
"Anyway, babe, next week start na ng basketball practice namin. So, baka busy na ko nun," sabi n'ya pag-andar ng sasakyan. Kelan ba s'ya hindi naging busy sa pagba-basketball n'ya? Parang palagi naman s'yang busy eh.
"Okay lang. I understand," sabi ko. Nakita ko pa si Sir Alfred na pasakay din ng sasakyan n'ya habang palabas ng parking lot yung sasakyan ni Ejay.
"I know you will," sabi n'ya sabay pisil sa kamay ko. Tapos tumingin s'ya sa'kin and winked.
Akala ko ganun lang kadaling intindihin yun, hindi pala. Dumating nga yung panahon na naging busy na si Ejay. As in sobrang busy, ha. Halos hindi na nga n'ya ko masipot sa mga dates namin eh. Mas lalong madalang na din s'yang mag-text. Pero kapag naman nagkakaron s'ya ng time, natatawagan n'ya naman ako.
"Oh, bakit parang hindi maipinta yang mukha mo?" tanong ni Jen sa'kin pagpasok ko ng classroom. Umupo na ko sa upuan ko. Calculus na namin pero wala pa si Sir. So that means, maaga ko ngayon. Syempre, wala namang dahilan para ma-late ako. Wala akong date kanina!
"Haaaay. Eh kasi, si Ejay. Hindi na naman sumipot sa lunch date namin ngayon. Hindi pa din s'ya nagti-text. Hindi na nga ako hinahatid nun pauwi eh," sumbong ko kay Jen. Nagkakandahaba na yung nguso ko habang nagsasalita.
"Eh, anung magagawa mo? Busy yung tao, teh. Tsaka hindi mo ba s'ya pwedeng dalawin na lang dyan sa gym para hindi ka nagmamaktol dyan?" sabi ni Jen sa'kin. "Para namang pumunta sa ibang bansa yung boyfriend mo kung makapagreklamo ka dyan."
"Gusto ko s'ya yung gagawa ng effort para makapagkita at makapag-usap kami," sabi ko. Ako pa ang choosy.
"Ayy, ewan ko sayo teh. Magulo ka. Manahimik ka na nga lang dyan at padating na si Sir Pogi," sabi ni Jen tapos umupo na s'ya sa upuan n'ya. Ilang beses kong napansin na napakadaming beses n'yang inayos-ayos yung buhok n'ya. Naglipstick pa. Saang club ba pupunta toh? Ang alam ko kase nasa school kami ngayon eh. Pero kung makapag-ayos akala mo may imi-meet na pagkapogi-pogi eh si Sir lang naman. Tss.
Haaay naku. Ito talagang mga classmates ko. Pag nakita ko na silang parang may bulate sa pwet kung maka-swag, ibig sabihin nun nandyan na si Sir. Ayun talaga yung palatandaan ko.
"Good afternoon, class," greet ni Sir. Alam kong aware s'ya sa mga inner kiligs na nararamdaman ng mga classmates ko pero napapabilib n'ya ako ah, infairness, kase hindi n'ya pinapansin yun.
"Hi, Sir," sabi naman ng mga classmates ko.
"Check muna tayo ng attendance bago tayo mag-start. O, Ms. Samson, ang aga mo yata ngayon," sabi ni Sir sa'kin. Naka-smile. Kelangang ako talaga yung napapansin? Ganun ba talaga ako ka-late palagi at kapag maaga akong pumasok, napapansin talaga n'ya?
"Hehe. Ayaw ko nang ma-late sir, eh," sabi ko na lang.
"Ehem. Kelangan ume-special mention?" bulong ni Jen. Siniko ko nga, ayoko nang patulan ang mga kagagahan nito.
Nag-start na yung klase pero hindi ako nakikinig. Kelangan kong umisip ng paraan para mabaling ulit sa'kin ang atensyon ni Ejay. Hindi naman sa di-distract-in ko s'ya sa mga practice games nila. Gusto ko lang yung kahit minsan naman maalala n'ya ko. Di ba? Hanggang sa magdismiss si Sir nakatunganga lang ako.
"Ms. Samson, please remain, I wanna talk to you," sabi ni Sir sa'kin. Oh my, napansin n'ya ba yung pagdi-day dream ko? Errr.
"Okay, Sir," sabi ko. Pinilit kong maging calm kasi alam kong wala naman akong masamang ginawa. Kung may hihingiin mang pabor sa'kin si Sir, eh di bahala na.
Paglabas ng mga classmates ko lumapit ako sa table n'ya. Kinindatan pa ko ni Jen at sumenyas na hihintayin n'ya daw ako sa bench na tambayan namin sa quadrangle. Tumango lang ako.
"Bakit po, Sir?" tanong ko. Hindi ako kinakabahan. Wala akong kasalanan. Matino po akong tao, Sir.
Sinalubong ko yung tingin ni Sir. Haaay. In fairness, mas pogi s'ya sa malapitan. Ang ganda ng mata. Ang tangos ng ilong. Ang nipis ng lips. Yum. Naramdaman kong namumula yung mukha ko, bigla yatang uminit sa room na toh? Tumaas yung kilay ni Sir at nagsabing, "I know what you're thinking. We will come to that. And I assure you we will. But just for the meantime, let's talk about professionalism."
Eh?
Namula ako. Namula ako because of embarrassment. Ngayon ang gusto ko na lang gawin ay bumuka yung kinatatayuan ko at lamunin ako ng lupa ng buhay.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...