At 4:00 AM, ginising na ko ni Mela. Kelangan kasi 5:00 pa lang nasa school na ko. Kelangan maaga, mahirap na baka ma-stuck kami sa traffic, di ba.
"Gising na," sabi ni Mela.
"Anung oras na ba?" tanong ko. Umupo ako sa kama habang kinukusot ko yung mata ko.
"Alas-kwatro na. Maligo ka na. Naka-pack na yung mga damit mo. Baka dumating na si Jen," sabi ni Mela.
"Agad? Four pa lang. Mamayang five pa ako susunduin nun," sagot ko tapos bumangon na ko papunta sa bathroom.
"Sige na. Nasa baba lang ako kung may kelangan ka, ha," sabi ni Mela tapos lumabas na s'ya ng kwarto.
-------------------------------
"Tapos ka na?" tawag ni Mela habang pababa ako sa hagdan hatak-hatak yung bag ko. Hindi naman masyadong madami yung dala kong gamit. Gusto ko lang talagang hatakin yung bag ko.
"Try mo kayang tulungan akong magbuhat, teh," sabi ko. Pero nakababa na ko hindi pa din n'ya ako tinutulungan. Sabagay, isang bag lang naman dala ko. Ayoko kasi ng madaming bitbitin eh.
"Sakto dating mo Sir Alfred, ready na s'yang umalis," sabi ni Mela. Hindi n'ya talaga pinansin yung sinabi ko. Teka, Sir Alfred daw?
"What are you doing here?" tanong ko kay Alfred pagbaba ko. Kinuha n'ya yung pagkakabuhat ko sa bag ko.
"I'm fetching you," sagot naman n'ya.
"What?" nanlalaking-mata kong sabi. "I know you're fetching me pero sabi ko kay Jen sa kanya ako--"
"Actually, she's the one who called me na hindi ka daw n'ya masusundo," sabi ni Sir Alfred. So, this is Jen's plan? Ito yung pinagmamalaki n'yang plano? Siraulo yun ah. "So, I'll do the honor of fetching you."
"Pa'no kung may makakita sa'tin?" tanong ko. Hello, Sir, pareho kaya tayo na bababaan, di ba?
"We're not going to ride on my car," sagot naman n'ya. "We're going to take a cab. Pwede naman nating sabihin na nagkasabay tayo dun."
"What? It's--"
"Or maybe we owe them no explanation, right? Baka sabihin lang nila defensive tayo," putol n'ya sa sasabihin ko. Tapos lumabas na s'ya ng pinto.
"Ayan na. Sinundo ka na nga, ayaw mo pa?" sabi ni Mela na halos ipagtulakan na ko palabas ng pintuan.
"Pwede namang kapag nasa Tagaytay na kami, tsaka n'ya na lang ako pansinin di ba? Wag naman dito, agad-agad?" sabi ko. Nakalingon ako sa kanya habang tinutulak n'ya ko. Parang gustong-gusto akong ipakain nito sa kalaban sa lakas ng pagkakatulak sa'kin eh.
"Wag ka nang choosy. Sige na, sumunod ka na dun. Ingat," sabi ni Mela then she shut the door in my face.
"Ready?" sabi ni Sir, may natawag na s'yang taxi.
"Yeah," sabi ko. "Let's do this."
----------------------------
Pagdating namin sa parking lot ng school, bumaba na kaagad ako sa taxi tapos kinuha ko na yung bag ko sa trunk. Siguro naman si Alfred na yung magbabayad dun, di ba? Ako pa ba?
"Girl! Ano sinundo ka ba?" bulong ni Jen sa'kin. Nakatayo pa kami sa gitna ng bus, naghahanap kasi ako ng magandang pwesto.
"Oo, siraulo ka, bakit mo ko pinasundo?" sabi ko sa kanya. Tapos umupo si Jen sa tatluhang upuan sa tabi ng bintana. Pangatlong upuan simula sa unahan.
"Sus, kunyari ka pa, ayaw mo ba?" sabi n'ya. Hindi ako nakatingin sa kanya, naka-focus ako sa gamit ko. "Marami pa kong back-up plans teh."
"Pwede yung mga plano mo kapag nasa retreat na tayo? Tsaka yung wag masyadong obvious?" sabi ko, saktong pag-angat ko ng tingin ko, nakatayo si Sir sa harap ng upuan namin.
"I guess all the seats are occupied," sabi ni Sir. Wehh? Try mo kayang maghanap dun sa bandang likod.
"Dito, Sir, sa'min, okay lang," sabi ni Jen. Teka, parang may nase-sense akong sabwatan ah?
"Sir, dito Sir, wala po," sabi ni Liezel, sa may pinakaunahang upuan na pangdalawahan s'ya nakaupo. Wow, prepared si ate. Talagang tabi kayo ni Sir?
Tumingin sa'kin si Alfred with okay-lang-ba-sayo look tapos tinignan ko naman s'ya ng i-don't-care look and shrugged.
Kaya tumabi s'ya kay Liezel, so hindi sila nagsabwatan ni Jen? At hindi ko naman sinabing okay lang sa'king tumabi s'ya kay Liezel ah? Pagkatapos mo kong sunduin ganito na tayo ngayon Taksil.
"Ang bagal mo kasing dumiskarte eh," naiinis na sabi ni Jen.
"Hayaan mo na, teh, kung tatabi yan sa'kin baka mahalata lang kami," pabulong kong sagot.
"Alam ko na, dahil nainis din ako kay Sir kasi kay Liezel s'ya tumabi, si Ejay ang patabihin mo sayo," sabi n'ya.
"Gantihan?" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Akala n'ya s'ya lang pwedeng magpaselos?" sagot ni Jen. Tapos biglang tumayo si Sir sa gitna ng bus.
"Everyone's here?" tanong n'ya. "Wala na bang wala pa sa mga classmates n'yo?"
"Si Ejay po," sagot ko, sarcastic naman yung pagkakasabi ko ng 'po'.
"I don't think he's coming," sabi ni Sir. "Okay, Manong, let's go," sabi n'ya sa driver tapos umupo na s'ya sa tabi ni Liezel, to my dismay. Siguro pinagplanuhan n'ya toh, na tatabi s'ya kay Liezel para pagselosin ako kasi alam n'yang hindi ko s'ya mapapagselos kasi hindi sasama si Ejay sa tour. Ugh, damn wishful thinking.
"What? Hindi sasama si Ejay?" tanong ni Jen. Nainis na ko, ba't hindi s'ya sasama?
"Narinig mo di ba? Paulit-ulit?" sagot ko tapos kinuha ko yung cellphone ko para tawagan s'ya. "Hello?"
"Oh? Gwen? Nakaalis na ba kayo?" tanong n'ya sa kabilang line.
"Yeah, kakaalis lang. Akala ko kasama ka?" tanong ko pero nakatingin ako sa likod ni Alfred. Hindi naman masyadong malayo yung upuan n'ya sa'min.
"Oo nga eh. Kaso may training pala kami sa San Mateo ngayon. Kahapon lang kasi sinabi ni coach," sagot n'ya. Naririnig ko sa background yung mga ka-teammates n'ya. Ang ingay. Sa inis ko gusto ko silang sigawan kaso hindi din nila ako maririnig kasi si Ejay ang kausap ko, unless, naka-loud speaker si Ejay. Tsaka magmumukha akong tange.
"Kelan kayo babalik?" tanong ko. Wala na ko matanong eh, gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi s'ya nakasama. Yun lang. Ngayong alam ko na, gusto ko na s'yang babaan ng phone. Ang sama ko noh?
"Halos kasabay din ng pagbalik n'yo," sagot n'ya.
"Parang sumama ka din pala sa tour. Eh bakit hindi na lang kayo sa Tagaytay nag-training?" tanong ko ulit. Nakatingin pa din ako kay Alfred at lumilingon-lingon s'ya sa'kin. Naririnig n'ya sigurong kausap ko si Ejay.
"Madaming destruction kapag sumama kami eh. Ikaw, baka hindi ako makapag-training ng maayos kasi andun ka," sabi n'ya then he chuckled. Oh sweet God, I missed that sound.
"Ganun? So destruction pala ako?" natatawa kong tanong.
"Hindi naman," sagot n'ya tapos narinig kong kinakausap s'ya ng coach n'ya so, "Pa'no? Mamaya na lang ulit tayo mag-usap o baka hindi din ako makatawag sayo kasi busy sa training."
"Okay lang. Sige, ingat kayo. Lalo ka na," sabi ko. "Bye."
"Kaya lang naman ako nag-iingat dahil sayo eh," sabi n'ya, seriously? "Ingat din. Bye."
"Ba't daw hindi s'ya sumama?" tanong ni Jen pagkatapos namin mag-usap ni Ejay.
"May training daw sila sa San Mateo eh," sagot ko tapos nilagay ko yung cellphone ko sa loob ng bag kaso nag-vibrate eh. May message. Tapos lumingon si Alfred. Sa kanya galing?
"Okay lang yun, para walang sagabal sa mga plano ko," sabi ni Jen. Kumakain s'ya ng V-Cut. Hindi man lang nang-aalok. Try mong mamigay, teh.
"Para kang kontrabida sa mga palabas sa tono ng pananalita mo, teh," sabi ko tapos binasa ko yung text message.
"Galing kay Sir?" tanong ni Jen habang ngumunguya. Tumango ako. "Sige, mag-concentrate ka muna dyan, hindi kita kakausapin muna."
Sabi ni Sir sa message, "I don't know if I'm sorry or what na hindi nakasama si Ejay." Hmm, sa kanya ko dapat sabihin na s'ya yung parang kontrabida eh?
"I'm not asking how or what you feel," text back ko. Lumingon s'ya sa'kin at in-smile-an ko s'ya sarcastically. Halatang nagkakasiyahan sila sa kwentuhan nila ni Liezel kase wagas yung tawa ni ate eh. Parang wala nang bukas.
"Are you jealous?" sabi n'ya sa text. Lumingon ulit s'ya.
"Ako? Magseselos? Like I care," sabi ko tapos nginitian ko s'ya.
"Kahit hindi mo sabihin halata naman eh," reply n'ya. Infairness, ang pogi n'ya ngayon. Teka, kelang ba hindi? Tinanggal n'ya yung color red mixed with white baseball cap n'ya. Naka-white t-shirt s'ya and fitted jeans. Tsk, bagets na bagets.
"Sigurado kang dyan mo gustong umupo?" text back ko naman sa kanya. Lumingon ulit s'ya.
"Bakit? Gusto mong tumabi ako sayo?" sabi n'ya.
"Hindi naman. Kaso, ikaw din, baka sumakit yang batok mo kakalingon sa'kin," sabi ko. Pinipigilan kong mangiti, baka mamaya lumingon na naman toh eh. Huli ako.
Kaso to my dismay, hindi s'ya lumingon. At hindi na s'ya nagtext back. Taray. May kinuha s'yang shades sa gym bag n'ya (gym bag yung gamit n'ya) tapos sinuot n'ya yun. Tapos naka-receive ako ng text galing sa kanya. Ah, kelangan pala magshades muna bago mag-reply.
"I'll take that as an invitation," sabi n'ya. Invitation? So, iniisip n'ya na inaaya ko s'yang tumabi sa'kin? Uhm, pwede rin.
"I'm not inviting you to sit beside me or anything," sabi ko.
"Eh, maingay katabi si Liezel eh, that's why nagkukunyari akong inaantok or busy," sabi n'ya.
"Ba't ka kasi dyan tumabi? Akala mo magseselos ako?"
Lumingon s'ya. "Bakit? Hindi ba?"
"Hindi eh."
"Seriously?" tanong n'ya.
"Seriously," sagot ko tapos tumango-tango ako paglingon n'ya. Ang pogi naman nito kapag naka-shades.
"So, hindi ka selosa?" reply n'ya.
"Hindi eh. Ikaw, seloso ka noh?" reply ko naman.
"Actually, hindi. Pero ng dahil sayo, na-develop ko yung trait na yun."
"I realized, wala pala akong alam tungkol sayo," reply ko. Oo nga, wala talaga akong alam sa kanya. Bukod sa nakapunta at nakatulog na ko sa bahay n'ya at 28 years old s'ya at may pamangkin s'yang lalaki na 5 years old, wala pa kong alam tungkol sa kanya.
"We'll get to that," sabi n'ya.
"Kelan?" maikling reply ko. Constant textmate na ba kami ngayon?
"Gusto mo ba ngayon na?" reply n'ya. Ngayon? Pwede ba?
"Okay, lang sa'kin kahit wag na," reply ko naman.
"Ang sungit mo, noh? :)"
"Ako? Hindi ah. Teka, inantok ako. Tutulog ako. Mag-enjoy kang kausapin si Liezel," sabi ko, hinintay ko muna talaga yung reply n'ya bago ako matulog.
"Sweetdreams. Matutulog din ako. Let's meet in our dreams," reply n'ya. Leche lang, pa-sweet toh, pero kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...