chapter 10

516 6 4
                                    

Naalimpungatan ako nung parang biglang yumugyog yung kama. Bigla akong napaupo nung nakita kong nakaupo sa edge ng kama si Alfred.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked. Nakatakip yung unan sa dibdib ko. Hindi naman ako nakahubad, trip ko lang takpan kunyari.

"Relax," sabi n'ya. "I just wanna see if you're sleeping comfortably." Base sa itsura n'ya, mukha namang tuwang-tuwa s'yang makita akong nakahiga sa kama n'ya. So, ano? Natupad na ba yung isa sa mga pinapantasya n'ya?

"I am. Now will you get out? Now?" I'm not used to people who's watching me sleep. Ayokong may nanunuod sa'kin habang natutulog ako. At hindi ko makita kung anung maganda at kung ano yung fascinating sa pagnuod sa mga taong natutulog.

Pero instead na lumabas, lumapit pa s'ya. Nilapit n'ya yung mukha n'ya sa mukha ko. Hoy! Ano ba talagang balak mong gawin?

"What are you doing?" tanong ko in a low voice, pilit akong umaatras habang pilit naman s'yang lumalapit.

Nauntog na ko sa headboard. Wala na kong kawala. Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ng kainosentihan ko?

"I told you to relax," he said. Naka-smirk pa din s'ya. Obviously, tuwang-tuwa s'yang nakikita akong ninenerbyos dahil sa mga pinaggagagawa n'ya.

Relax? Siomai. Sir, mawawala na yung virginity ko and now you're telling me to relax? The heck! Kung gusto mong mag-relax ako, umalis ka sa harapan ko, will you?

Pero lalo n'ya lang nilapit yung mukha n'ya. Kapag lalo akong lumalayo, lalo naman s'yang lumalapit. Haaay. Akala ko naman kung anong gagawin n'ya. He put his thumb in the corner of my mouth. Parang may pinunasan s'ya dun.

"I see, that you did sleep comfortably. May laway ka pa eh." Pinunas n'ya pa kunyari yung daliri n'ya sa damit n'ya.

Impaktong toh! Oo na! Ako na tulo laway. Ano? Hindi pa ba sapat ang panis na laway sa gilid ng bibig ko para maging basehan kung nakatulog ako ng maayos?

"Well then, I'll leave you now." Tumayo na s'ya sa gilid ng kama. Nakapamewang pa.

Pero nagbent down ulit s'ya eh. At laking gulat ko lang ng bigla n'ya kong ki-niss... sa lips. Smack lang naman, pero, pero, pero. Si Ejay nga hindi pa ko naki-kiss tapos s'ya, na hindi ko naman boyfriend, iki-kiss ako?

Hindi pa ko nakakabawi nung magsalita s'ya.

"Now, that's sweet. I'm sorry, I can't help it," sabi n'ya. "Go back to sleep now," dugtong n'ya habang hinimas-himas yung ulo ko na para kong bata.

Tapos lumabas na ulit s'ya ng kwarto. Iniwan n'ya kong mag-isa na nakatunganga sa dilim. Sira ulong toh. Anu nang gagawin ko? Kainis naman. Go back to sleep daw? Sa tingin n'ya ba makakatulog pa ko pagkatapos ng ginawa n'ya?

Tapos bigla ulit bumukas yung pinto. At pumasok ulit ang mamang sira ulo pero gwapo.

"You can't sleep?" he asked. "I can't, too." dugtong n'ya sabay higa sa tabi ko.

I told you, mahina ako ngayon. Wag kang gumaganyan sa'kin Alfred. Nakaupo pa din ako sa kama, nakasandal sa headboard. Wala pang kahit na sinong lalaki ang nakatabi sa'kin sa kama, natutulog man ako o gising, tapos s'ya lang ang magiging una? Ano s'ya? Sinuswerte?

"It's barely midnight," sabi n'ya ulit. "And both of us can't sleep, shall we talk?"

"We're already talking, aren't we?" tanong ko.

"I'm the only one who's doing the talking here." sabi n'ya. "You can't even seem to talk. Nagulat ka ba sa ginawa ko?"

Sino ba namang hindi magugulat sa ginawa n'ya? Magnanakaw ng halik. Walaghiya.

"Ano bang gusto mong i-react ko?" balik-tanong ko sa kanya.

He shrugged his shoulders and said, "I don't know."

"Now tell me, Alfred, what are your intentions?" tanong ko.

"You really want to know?" he asked back.

"Malamang. Sa tingin mo ba itatanong ko yun sayo kung hindi ko gustong malaman?" I said, sarcastically.

He just looked at me. And kissed me... again.

Sa pangalawang pagkakataon, nagulantang ang buong pagkatao ko. The kiss lasted for a couple of seconds. Then he retreat and looked at me once again. He's still holding my chin. The other hand holding my neck. He leaned his forehead against mine and spoke, "I love you."

Wehh?

Di nga.

Inalis ko yung pagkakahawak n'ya sa'kin tapos tumalikod ako. Noooo. Hindi ko kayang magtaksil kay Ejay.

"Sorry, pero wala akong isusuko sayo."

"Hindi ko naman sinabing may kukunin ako sayo eh. I know you're not ready yet."

"Get out," lakas-loob kong sabi. Hindi ko naman kasi toh bahay at ang lakas ng loob ko na paalisin s'ya sa sarili n'yang kwarto. Katawa lang.

"We're both bored and we both can't sleep. I knew something na pwedeng pampalipas oras. Wanna know what I'm talking 'bout?"

"Get lost. I'm not interested."

Then I closed my eyes and forced myself to go back to sleep.

Pero bago pa ko tuluyang makatulog he spoke again, "I'll risk everything for you. I'll do everything for you."

Tapos nun, nakatulog na ko.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon