chapter 6

526 6 0
                                    

"Hi Sir!" sabi ni Jen. Automatic na talagang ayun yung sinasabi n'ya kapag nakakasalubong si Sir.

Ngumiti lang ako kay Sir. Hindi ako kumaway. Hindi ko alam kung anung ire-react ko sa harapan n'ya. Ano bang inaasahan n'ya? Na magiging normal ulit kami sa isa't-isa pagkatapos ng phone call na yon? Lalo pa ngayon na unti-unti ko nang nare-realize na may pagpapantasya s'ya sa'kin.

"Dapat mag-aral muna. Hindi puro boyfriend ang inuuna," sabi ni Sir sa'kin sabay hawak sa ulo ko at ginulo-gulo yung buhok ko. Ano ko? Bata?

Naglakad na si Sir papasok sa classroom.

"Ayy, kelangan may paghawak? Teh?" sabi ni Jen. Kinikilig.

"Kung kiligin naman toh, daig pa ko," sabi ko. Gusto ko ba? Hindi ko gustong hawakan n'ya yung buhok ko. Pero. Pero pwede na rin.

"Eh, ako na yung kinikilig para sayo." Nagsu-swag na naman s'ya.

May sinabi pa si Jen pero hindi ko na pinakinggan. Pumasok na ko sa classroom.

Tinatak ko na sa utak ko na kelangan kong magfocus pag nandito ko sa klaseng toh. Ayoko na ulit maiwan sa klase at sabihan ng kung anu-anong matatalinhagang salita ni Sir. Akalain mo nga naman, ang Calculus Professor ko napaka-makata.

Pag-upo namin kinukulit pa din ako ni Jen dahil hindi pa din matapos-tapos yung kilig n'ya. Hindi maka-get over ang loka.

"Pwede ba? Manahimik ka na, teh? Mamaya ipaiwan na naman ako nito ni Sir dahil hindi ako nakikinig sa klase," sabi ko. Nagre-review ako ng notes. May quiz kami ngayon.

"Sus, kaya ka lang ipapaiwan n'yan dahil gusto kang masolo." Tumaas-taas naman yung kilay n'ya na halatang nang-aasar.

Umikot ako paharap kay Jen tapos sabi ko, "Teh, wag ka nang maingay dyan. Yung bunganga mo mas malakas pa sa kulog e."

"Oo na. Mananahimik na. Pero kinikilig talaga ko," pahabol pa n'ya.

Madami pa s'yang sinabi pero hindi ko na lang s'ya inintindi. Nagpamigay muna ng papel si Sir, yung dati naming activity sa kanya, bago kami mag-quiz. Tinignan ko kung anong score ko. Chineck ko kung may corrections ako. Pero wala naman. I folded it nang may makita akong note sa lower right side ng papel ko.

Ang nakalagay, "You're good. Keep it up! =)" Aba, may smileys pa. Tumingin ako kay Sir. Nakatingin s'ya sa'kin. Hinihintay n'ya sigurong mabasa ko yung sinulat n'ya sa papel ko. Nangingiti n'yang ni-recheck yung mga corrections sa papel ng mga classmates ko.

Ayy, si Sir, kinikilig. High school? Teenager? Matanda ka na oy! Hindi na uso sa edad mo ang kiligin.

Pero pagkatapos naming mag-quiz, sinulatan ko ng note sa likod yung papel ko. It says, "Ang hirap magpa-quiz. Ba't ganun? :D"

Tapos pinasa ko na sa kanya. Chineck naman n'ya agad kasi short quiz lang yun. Nagpasa naman din agad yung mga classmates ko. Pero unang nakabalik yung papel ko. Una ko pang tinignan kunyari yung score ko. Medyo tinagalan ko muna bago ko basahin yung reply n'ya. Baka naman kasi masyado naman n'yang mahalata na alam kong magre-reply s'ya. At baka magfeeling na s'ya afterwards.

But later on tinignan ko na din yung likod ng papel ko. Aba, nagreply s'ya sa note ko.

"Hindi naman. Pasado ka naman. <3" sabi sa reply n'ya.

Wow ah, may nalalaman ka pang heart-heart dyan! Nakangiti kong nilagay sa bag yung papel ko.

Excited na kong mag-uwian. Hinihintay pa kasing matapos na mag-quiz yung iba kong classmates kaya hindi pa kami pinapauwi ni Sir. Naalala ko tuloy bigla yung date namin ni Ejay mamaya. Sukat sa isipin kong yun, napapalakpak ako. Mahina lang naman pero siniko ako ni Jen, para siguro magising ako sa katotohanan.

"Ms. Samson?" sabi ni Sir habang papalapit sa upuan ko. "Why are you clapping?" dugtong n'ya pa nung makalapit na s'ya.

"Wala lang Sir," sabi ko. Nakayuko ako. My gosh! Nakakahiya. Baka isipin ni Sir na nababaliw na ako. O baka isipin n'ya na natutuwa ako sa palitan namin ng sulat sa likod ng papel ko. No! Mas gugustuhin ko na lang na isipin n'yang baliw ako. Ayun na lang.

"It seems that you're so excited to go home," sabi n'ya. "Ahh. No, scratch that. You're not going home, you're going on a date."

Buti na lang magkakalayo kami ng mga classmates ko kaya hindi nila naririnig yung pinagsasabi sa'kin ni Sir. Trip talaga kong i-corner neto. Si Jen lang talaga yung mejo malapit sa'kin kase nagtatanong s'ya ng sagot sa'kin.

"Ano kaya kung ipaiwan ulit kita dito?" sabi n'ya.

Tumingin ako sa kanya. May pagmamakaawa sa aking mga mata. Yes! Makata. Buti na lang may nagpasa na ng papel kaya hindi na ko sumagot. Bumalik na si Sir sa table n'ya.

Tapos na magquiz lahat ng classmates ko. Yey! Uwian na! Hindi ko na tinignan kung nakatingin sa'kin si Sir nung lumabas ako. Excited ako sa date namin ni Ejay, eh.

-------

Nasa parking lot na ko nun. Malakas yung ulan. Hinahanap ko yung kotse ni Ejay. Pero wala akong makita. Nakasilong ako sa may waiting shed. Buti na lang hindi bahain tong part na toh ng Manila, kundi kanina pa siguro ako nakalubog sa baha sa kakalakad sa buong parking lot.

I texted Ejay, "Where are you?"

After two hours s'ya nagreply. Nakaupo ako sa may upuan sa waiting shed. Buti na lang hindi ako masyadong nababasa. May mga puno naman kasi sa gilid ng shed.

He texted back na nasa practice game daw pala sila. Nasa home court sila ng kalaban kaya hindi kami matutuloy.

What the heck. Nice, saktong-sakto, umuulan pa naman. Naglakad na ko palabas ng gate. Anu pang sense ng paghihintay ko sa kanya? Anu pang sense ng pagsugod ko sa ulan, nang pagiging excited ko kanina na matapos yung quiz ko, nang pagtakbo ko na halos nagkakandarapa na ako papunta sa parking lot kung maghihintay lang naman pala ako sa wala?

My mind was blank and I looked like a mess habang naglalakad palabas ng gate. Buti na lang wala na masyadong estudyante nun kundi sigurado akong pagtitinginan nila ako. Medyo basa na yung damit ko kase. Tapos sobrang nakasimangot na ako. Hindi ko na din inaayos yung buhok ko na nagkandasabit-sabit na kanina sa payong ko.

Patawid na ko sa kabilang side ng kalsada. Nakahinto ako sa sidewalk. Hinihintay kong mag-redlight. Hinihintay kong huminto yung mga sasakyan. Alam kong kapag tumawid ako without clearing my mind, baka masagasaan ako.

Malakas pa din yung ulan. Umiiyak na ko. Hindi ko namamalayan na may tumutulo na palang luha galing sa mga mata ko. Hindi ko napansin na humihikbi na pala ako. Inindyan ako ng magaling kong boyfriend. Iyon yung nasa isip ko habang nakatayo sa gilid ng kalsada. This is what I fucking hate the most - self-pity.

Hindi pa din nagre-red yung stoplight kaya hindi pa din ako tumatawid. Nakayuko ako nung may narinig akong bumusina. Si Ejay? Sabi ko na eh, dadating s'ya. Hindi n'ya ko papabayaang mabasa sa ulan. Inangat ko yung ulo ko, maliwanag. Malabo na din yung mata ko kakaiyak habang naglalakad. How emo, right?

Nakatutok sa'kin yung headlights ng sasakyan kaya hindi ko malaman kung si Ejay ba yun o kung sino. Try mong patayin yung ilaw, kung sino ka mang driver ka.

Nang sa wakas tumapat sa'kin yung pinto ng passenger seat. Bumukas yung bintana.

"Hop in. Malakas na yung ulan. Lalo kang mababasa." Si....

Si Sir Alfred?

Tumingin ako sa paligid baka may makakita sa'min. Wala naman akong makita.

"Come on, lalong lumalakas yung ulan," sabi n'ya.

Sasakay ba ko? O sasakay ako?

Haaay, si Sir, pa-hero.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon