chapter 31

391 6 0
                                    

I rolled my eyes. Etchoserong froglet ka Sir. Ang hilig talagang mambola. Pero infairness naman sa'kin, kinikilig ako. Bakit kaya? :">

------------------------------------------------------

Friday, ang girls-night-out kuno namin ni Jen pero ang totoo makikipagkita lang ako kay Alfred at ang birthday party ni Kev, bff ni Ejay. So, saan ako pupunta?

"So, saan mo ko balak papuntahin ngayon, teh?" tanong sa'kin ni Jen. Nagkita muna kami sa mall para pag-usapan yung sinister plans ko. Partners in crime kaya kami nito!

"Bahala ka na kung saan mo gusto. Tapos i-off mo yung phone mo ah? Baka kasi tawagan ka pa ni Ejay eh," utos ko sa kanya. Hindi ako pwedeng mabuko... ulit.

Grabe, ang lakas na nang loob kong gumawa ng mga kalokohan kahit na nahuli na ako ni Ejay dati. Ba't ganito? Ba't ganito na ako ngayon?

"Yes, boss," sabi naman n'ya na may patango-tango pa. "Eh, baka naman gusto mo na lang ako isama?"

"Wag na! Hindi ko kelangan ng chaperon. Sige na. Ba-bye na teh. Aalis na ko. Baka hinihintay na ko ni Alfred," sabi ko sa kanya sabay beso.

"Uy, nagmamadali," nang-aasar na sabi ni Jen. Bwiset, kelangan talaga nang-aasar? "Sabagay, bilisan mo ah. Tsaka sana hindi matuloy yung flight ni Sir. May bagyo ngayon di ba? Ipag-wish mo habang nasa daan ka!"

Nilingon ko si Jen tapos inirapan ko s'ya. Tapos naglakad na ko palabas ng mall. Tumingin-tingin muna ko sa paligid, ganito talaga kapag may ginagawang kalokohan noh? Kabado.

Tinext ko si Ejay. Sabi n'ya 8:00 PM daw yung party-party sa bahay nila Kevin. Talagang may oras ang inuman, huh? Pero sakto lang yun, kasi 7:00 naman kami magkikita ni Alfred tapos sabi n'ya saglit lang daw yun.

Tsaka hindi naman talaga ko pwedeng magtagal, baka mahalata na naman ako ni Ejay. Malakas pa naman ang ESP nun.

Pagdating ko sa restaurant na pinag-usapan namin ni Alfred, hindi ko pa s'ya kaagad nakita. Hindi naman ako masyadong na-late. Medyo na-traffic lang kasi ang lakas ng ulan. Sana nga hindi matuloy yung flight n'ya.

Ang ganda ng restaurant, nasa tabi ng dagat. Ang gandang tignan ng tubig. Wala nang ulan nung dumating ako dun. Nakatayo ako sa may gilid ng railings nung may magsalita sa likod ko. Sino pa ba? As usual.

"I know you're gonna love the place," sabi ni Alfred. Tapos lumingon ako. Hmm, naka-polo s'ya na nakataas yung sleeves na lagpas hanggang siko. Muscles, I mused. Nandyan na naman ang mapang-akit na muscles.

"Hey," sabi ko. Palagi naman atang ayun ang una kong sinasabi eh? "Kanina ka pa?"

"Hmm, medyo. But it's okay, it's worth the wait," sabi n'ya na medyo pinilig pa yung ulo pa-kanan. Ang pogi mo! Lumapit s'ya sa'kin ng konti.

"So, anong gusto mong pag-usapan natin?" sabi ko sabay medyo atras ng konti. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa. Sandali lang kami dapat na mag-usap. Napaatras ulit ako nung ihakbang ni Sir palapit sa'kin yung paa n'ya. Sir, Sir, wag kang lalapit sa'kin kundi... alam na!

"Madami. Madami tayong gusto kong pag-usapan," sabi n'ya lumalapit pa din s'ya papunta sa'kin. Ako naman umaatras. Baka malaglag na ko nito sa tubig. Dyahe.

"Like what?" tanong ko. Family planning? Ano ba? Umaatras pa din ako kaso bumunggo na ko sa may railings. Patay na, wala na kong aatrasan nito.

"Us. I want to talk about us," sabi n'ya then he gripped my waist. OH NOOO!

"What us?" tanong ko. Pa-inosente na naman. Nakahawak ako sa braso n'ya na nakahawak sa bewang ko. Shocks, firm muscles are perfectly in place!

"You know what I'm talking about so please stop acting like you don't know it," sabi n'ya habang nilalapit n'ya yung mukha n'ya sa mukha ko. Ano kaya kung sumigaw ako ng rape dito, noh?

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon