chapter 26

388 6 3
                                    

For the third time... What the hell is happening?

I looked at the man who grabbed my wrist. For the fourth time...

What the hell is happening?

At that time. Gustong-gusto ko nang bumuka yung lupang kinatatayuan ko at kainin ako ng buhay.

What the heck? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan naisipan ko nang tapusin ang lahat-lahat sa'ming dalawa ni Alfred? Okay lang sana kung dati pa toh nangyari eh, masasabi kong guiltyng-guilty talaga ko. Pero ngayon? Bakit ngayon? Kung kelan ko naisipang gawin toh? Kung kelan naisipan ko nang tapusin ang mga kagagahan ko?

Bakit ngayon pa ako kelangang mahuli ni Ejay? Bakit???

"Hey!" sabi ko kay Ejay. How nice, right? Na ayun yung kauna-unahang salitang lumabas sa bibig ko sa kalagitnaan ng nerbyos ko. Dapat ko bang pagtawanan yung sarili ko? O dapat na akog tumakbo palayo? Ahh, naaah, dapat ko nang ihanda yung tenga ko sa mga bagay na sasabihin n'ya at dapat ko nang ihandang ma-shattered into pieces yung puso ko.

"Hey yourself," sagot n'ya lang tapos hinatak n'ya ako. Pero bago pa ko makagalaw, may isa pang lalaking humatak naman sa kabilang kamay ko. Oh my, what the heck?

Lumingon ako. It's Alfred.

"Let her go," utos ni Ejay sa kanya. Ano na? Ano na ngang gagawin ko? Hindi kumikilos si Alfred. Nakatingin lang ako sa kanya. And finally nung binitawan n'ya na ko, nagsalita pa ulit si Ejay, "Let's go."

"I'm not going with you," ang nasabi ko. Oh my gosh! Nagulat ako sa lumabas na mga salita sa labi ko. Kitang-kita ko din na nagulat si Ejay. Si Alfred naman nakatingin sa'kin with that's-my-girl look. "Mag-uusap muna kami," dugtong ko.

"Then, you can talk right now. I'm entitled to listen, I'm your boyfriend," sabi ni Ejay. Diniinan n'ya yung pagsasabi ng 'boyfriend'. Ahh, he's making it difficult for the three of us.

"I guess we're also entitled with 'our' privacy," sagot naman ni Alfred. May pasa na yung gilid ng bibig n'ya pero nakuha n'ya pang ngumisi para lang asarin si Ejay. Gosh, ang lakas naman sumuntok ng boyfriend ko. Hindi naman siguro n'ya ako sasapakin mamaya, di ba?

"I'm not talking to you, am I?" Ejay hissed. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka sumasama sa'kin," sabi pa ni Ejay na nakatingin sa'kin.

So, ano na ngang gagawin ko? Ngayon, ito na ba talaga yung panahong kelangang mamili ako?

Sana nananaginip lang ako at mamaya sana paggising ko, joke lang lahat toh.

"Aren't you listening? She said she's not going with you. We have unfinished business to make," sabi ni Alfred. Tsk, napakalalim naman kasing magsalita nito eh, baka kung anong isipin ni Ejay n'yan.

"Unfinished business, huh? The hell I care about that," sagot ni Ejay. "Talk if you need to talk... but in front of me."

"What? Who are you anyway? You're just another man who will get dump by a beautiful lady. You're not worthy of her time," sabi ni Sir. Sir, please, stop!

"Me? Really? Baka ikaw yon. You're the one who will get dump but you just keep on seducing her. How could you? And you call yourself a professor? Righteous professor? And you're seducing and b*tching around with your beautiful student?" sagot ni Ejay. Mainit. Ang init na dito. Sumasabay silang dalawa sa sama ng panahon. Pagkukutusan ko kaya tong mga toh?

"I'm not seducing her, --"

"Then what? Anong tawag mo sa ginagawa mo? Professor ka pa naman. Mukha ka lang palang kagalang-galang," putol ni Ejay sa sasabihin ni Sir. Hindi ko alam kung sasabat ba ko. Nakatayo ako sa gitna ng dalawang malaking machong mga lalaki.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon