chapter 48

287 5 3
                                    

Paggising ko nasa clinic na ko.

1:00 in the afternoon na sabi sa orasan na nakasabit sa dingding ng clinic. Lumingon ako sa paligid, ako lang mag-isa. Feel ko, loner ako today.

Ganun? Wala man lang talagang nag-effort na bantayan ako? Eh, wala akong kasama dito eh. Sabay biglang bumukas yung curtain that serves as a division sa maliit na clinic na yun.

"You're awake. Nagugutom ka ba?" tanong ni Ejay. Tumango ako, umupo ako sa kama tapos tumingin ulit ako sa kanya. Ejaaay baby???! Ngumiti naman s'ya. "Surprised?"

So, s'ya yung nagdala sa'kin dito? Tapos bigla kong naalala yung mga pinagsasabi ko kanina bago ako magpass-out. Hello, kahihiyan. Angel-angel ka dyan. Mas mukha s'yang Greek God kesa angel, promise! Naka-white polo s'ya na nakatupi yung sleeves, perfect-fitting jeans and a Chuck Taylor. Sinabit n'ya yung varsity jacket n'ya sa sandalan ng upuan. Yung mukha n'ya yung mukhang Greek God, hindi yung outfit, mind you.

Bakat sa white polo n'ya yung ma-muscle n'yang chest. At bakat sa perfect-fitting jeans n'ya yung... never mind. Joke, syempre yung ma-muscle n'yang thighs. Athlete kaya toh. Ngayon ko tuloy kinukwestyon yung sarili ko kung bakit ako pumayag na makipaghiwalay. Bakiiiit????

"Ito, kainin mo muna tong pagkaing dala ko. I'm sure you're fungry" sabi n'ya. Naalala ko tuloy yung word na 'fungry'. F*cking hungry, remember? Nasa pad n'ya kami nun tapos nagluluto s'ya ng breakfast para sa'kin tapos... Haaay, bakit ko inaalala yung dati? Going back, inabot n'ya sa'kin yung burger na hawak n'ya. Pinapanuod n'ya lang akong kumain, busog na siguro s'ya sa'kin. I mean, busog na s'yang makita akong kumakain. Hindi naman ako nagsasalita. "Nalunok mo na yata yung dila mo," he said, joking.

"Hindi naman. Intact pa naman," sagot ko tapos tumingin ako sa kanya. Parang lalo s'yang pumogi. "Ikaw? Kumain ka na?"

Tumango s'ya. Tapos inabot n'ya sa'kin yung plastic cup na may lamang juice. "Akala ko mas mahirap yung training namin pero mukhang mas mahirap yata dito. May hinihimatay pa eh," sabi n'ya, tinutukoy ako.

"Masama kasi yung pakiramdam ko kaninang umaga pa paggising ko," sagot ko tapos inabot ko sa kanya yung pinagkainan ko tapos tumayo s'ya para itapon yun sa trash bin na nasa loob din ng clinic. Umupo ulit s'ya sa upuan na katabi ng kama ko.

"Bakit naman sumama yung pakiramdam mo?" tanong n'ya. Kumunot yung noo n'ya.

"Nag-inom kasi ako kagabi," sagot ko tapos nakita kong nanlaki yung maganda n'yang mata. Probably, iniisip n'ya yung pag-uusap namin kagabi. "Tapos na kaming mag-inom nung tumawag ka."

"Sino'ng kainuman mo?" tanong n'ya. Nakapatong yung isang siko n'ya sa may lap n'ya. Is he aware that he's making me nervous by his simple scrutiny?

"Si Jen. Sino pa?" sagot ko. Wala naman na akong ibang kainuman dito.

"Bakit kayo nag-inom?" tanong n'ya na naman. Hulaan mo.

"Wala. Nagkayayaan lang," sagot ko. Hindi mo naman siguro kami isusumbong di ba?

"O baka frustrated ka lang? Bakit? Hindi ka ba pinapansin ni--"

"Stop," sabi ko. If there's one thing that I'm not ready at this very moment, that is sarcasm. Tapos naalala ko si Alfred. "Nasaan si Jen?" tanong ko. Dapat talaga si Alfred yung itatanong ko. Kaso sampal naman sa mukha sa kanya yun.

"Kababalik lang nila sa field. Tuloy pa din yung activity eh," sagot n'ya. Nakatitig lang s'ya sa'kin.

Gusto ko na talagang itanong sa kanya si Alfred pero nagdadalawang-isip naman ako. Pero mukhang napansin naman n'ya yun kaya s'ya na mismo yung nagsabi.

"If you're wondering where 'he' is, I guess he's with Ms. Sally. Hindi pa s'ya pumupunta dito simula nung dinala kita kanina." Walang kakurap-kurap n'yang sabi sa'kin. Although gusto kong isipin na sinisiraan n'ya lang si Alfred sa'kin, hindi ko naman yun maisip. I know Ejay, hindi s'ya yung uri ng lalaki na maninira ng kapwa lalaki even if it's for his benefit.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon