chapter 45

284 6 3
                                    

At 5:30 natapos yung seminar.

I spent more than a half of it snoozing. And the other half staring at Sir Alfred's awesome face.

Napansin ko naman na the whole time, Liezel was glaring at me. Kasalanan ko kung titigan ako ni Sir Alfred buong oras ng seminar? S'ya ang sisihin mo, mata n'ya yun eh.

So, pagkatapos nga ng seminar, nag-early dinner kami ni Jen sa may restaurant over-looking the Taal lake.

"So, talagang pinahiram n'ya sayo yang jacket n'ya?" tanong ni Jen habang kumakain kami.

"Paulit-ulit?" sagot ko.

"Eh di s'ya naman yung walang jacket?" sabi n'ya.

"May isa pa s'yang jacket, nakita mo yung suot n'ya kanina? Ayun yun."

"So talagang nagdala s'ya ng excess jacket kasi alam n'yang sasadyain mong mag-iwan ng jacket?" tanong ni Jen. Alam kong pang-aasar lang yung pagkakatanong n'ya nito.

"Hindi ko alam na hindi naglagay ng jacket si Mela, okay?" sagot ko naman.

"Anung sabi n'ya kanina nung lumapit s'ya sayo paglabas natin ng CR?" tanong n'ya ulit.

"Inabot n'ya nga lang sa'kin tong jacket," sagot ko. Kanina ko pa kinwento sa kanya yun habang nagse-seminar, pero dahil sobrang makatitig s'ya sa crush n'ya kanina, hindi n'ya talaga inintindi yung mga kwento ko.

"Sinabi mo ba sa kanya yung mga sinabi sayo ni Liezel?" tanong n'ya ulit.

"Sa tingin mo sa sandaling oras lang na lumapit s'ya sa'kin magiku-kwento ko kaagad sa kanya yun? With feelings?" sagot ko naman sa tanong n'ya.

"Eh di sana tinext mo para kinonfront n'ya si Liezel," sabi n'ya.

"Eh di kung sinabi ko yun sa kanya at kinonfront n'ya naman si Liezel, eh di lalo namang naghinala yung bruhang yun? Syempre iisipin n'yang ganun kami ka-close ni Sir at naikwento ko yun agad-agad sa kanya," sabi ko.

"Talaga namang close kayo, di ba?" sabi ni Jen.

"Kami? Close? Close talagang tingin mo sa'min?" sabi ko.

"So kelan mo balak sabihin?" tanong na naman n'ya.

"Kapag nagkaron kami ng ample time."

"Iku-kwento mo sa kanya? With feelings?" tanong n'ya ulit.

"With feelings," sagot ko. "Pero syempre depende din, baka kasi sa text ko lang mai-kwento sa kanya eh."

"Eh di sabihin mo tawagan ka."

"Hindi ako ganun ka-demanding, teh," sabi ko. Tapos napatingin ako sa likod n'ya. Sir Alfred's approaching. "Speak of the devil and he would appear."

"Nandyan s'ya? Nasaan?" tanong ni Jen.

"Six o'clock," sagot ko. Pero hindi s'ya lumingon. Mahahalata kami. "Okay, what to do?"

"Act normal, babe," sagot ni Jen.

"Bakit? Mukha ba kong ninenerbyos?" kaso hindi na nasagot ni Jen kasi bigla nang dumating si Sir.

"Hi, girls!" bati n'ya sa'min. "Early dinner?"

"Opo, Sir," sagot ni Jen. Ako nakayuko sa may plato ko. Nakikipagtitigan sa ulam kong isda.

"Okay, enjoy your dinner," sabi n'ya lang tapos tinapik n'ya ko sa balikat then walk away.

"Yun na yun?" tanong ni Jen.

"Eh, kasi andyan na yung ibang prof, anung inaasahan mo? Makiki-table s'ya sa'tin?" sagot ko. Tama, pampalubag-loob ko na lang na may dumating na mga prof kaya hindi s'ya sumabay na kumain sa'min.

"Ang sweet naman nila ni Ma'am Sally," sabi ni Jen nung umupo na sila Sir sa table na three tables away from us.

"Yeah," na lang ang sinabi ko. Okay, ang daming kalandian nito ni Alfred ah. Ugh, Alfred.

"Uyy, selos s'ya," sabi ni Jen, tumatawa. Pagtawanan ba daw ako!

"Ako? Hindi ah," pagdi-deny ko.

"Hindi nga, hindi nga halata. Eh, nanghahaba na yung nguso mo dyan eh," kantyaw n'ya pa sa'kin habang inaasar na nung mga ka-co-faculty members nila si Sir Alfred at Ma'am Sally.

"Gross," sabi ko. Tumingin ako sa side ni Sir at alam ko na alam n'yang tumitingin ako. So, at some points, naniniwala akong pinagse-selos n'ya lang ako.

"Anung gross?" tanong ni Jen.

"Professor sila, hindi sila dapat na umarte ng ganyan sa harap ng mga estudyante," sagot ko. Hindi lang naman kasi kami yung nandun. May mga schoolmates din kami. But they seemed not to care.

"Selos ka lang eh," sabi ni Jen. Wala kang ico-comment na matino sa sinabi ko?

"Ayan ba'ng support yung matatanggap ko galing sayo?" tanong ko.

"Hey, I'm joking," sabi naman ni Jen tapos tinapik n'ya yung balikat ko. Yumuko ulit ako sa pinggan. "Tapos ka na bang makipagtitigan dyan sa ulam mo?"

"Yeah," sagot ko.

"Tara na?" tanong n'ya. Alam n'yang wala na ko sa mood. Bwiset na Alfred toh, sinira ang araw ko.

"Tara na," sagot ko tapos naglakad na kami palayo, walang lingon-likod.

------------------------------------------

"Teh, okay ka lang?" tanong ni Jen habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"Never been better," sagot ko. Syempre may irony sa sagot ko, mukhang ba kong okay? Eh kahit na sino yatang magaling na artist hindi kayang i-paint yung mukha ko eh, sa sobrang pagkakasimangot.

"Pinagseselos ka lang nun ni Sir," sabi ni Jen, pampalubag-loob na naman.

"Bakit n'ya pa ko kelangang pagselosin?" tanong ko, muntanga lang.

"Tanong mo sa kanya," sagot n'ya.

"Naiinis ako. Naiinis ako. Alam mo yun?" sabi ko.

"Hindi. Hindi ko alam," sabi n'ya. "Halatang-halata naman sa pagmumukha mo na naiinis ka, teh."

"Pagkatapos kong i-let go si Ejay, para sa kanya. Gaganituhin n'ya ko?" sabi ko. "The nerves!"

"O, eh di inamin mo din na si Sir ang pinili mo," react n'ya sa sinabi ko.

"Oo, inaamin ko na," sabi ko. White flag's up!

"Alam n'ya?" tanong n'ya ulit.

"Eh, ano ngayon kung malaman n'ya? Siguro natutuwa lang s'yang merong spice sa pagtuturo n'ya sa school. Pero hindi n'ya siguro talaga ako gusto," sagot ko.

"Pag-explain-in mo naman muma yung tao, ikaw naman, ang bilis mong magtampo," sabi n'ya.

"Hindi na n'ya kelangang mag-explain. Ano n'ya ko? Girlfriend?" sabi ko.

"Ayy, taray. Self-pity," sabi ni Jen.

"Tumigil ka nga," sabi ko tapos inakbayan n'ya ko.

"Tara, inuman na lang tayo," bulong n'ya.

"Pwede ba yun?"

"Hindi. Itatakas lang natin. Ayain natin yung mga kasama natin sa kwarto. Papayag yun," sabi n'ya.

Tapos yun, pagdating namin sa hotel room, binuksan namin yung mga baong San Mig ni Jen. Wow, ready? Teh?

Tapos may na-receive akong text galing kay Sir Alfred. Sabi, "Are you alright?" Pero hindi ako nagreply, ano s'ya sinuswerte? Tapos biglang nag-ring yung phone ko. Hindi nakatiis, tumawag.

"What?" tanong ko sabay shot.

"I need to talk to you," sabi n'ya. Palagi naman eh.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon