chapter 34

401 5 0
                                    

"Eh ba't ka naman kasi umamin? Ha? Adik ka pala eh," sabi ni Jen sa'kin habang nakaupo kami sa favorite naming upuang bench sa quadrangle.

Katatapos lang naming magpa-enroll para sa second sem. Hindi na kami masyadong namili ng schedule, kung ano na lang yung available na sched, ayun na lang yung in-enroll-an namin. Anyway, wala naman na kong dapat iwasan eh, wala na si Sir Alfred kaya hindi na ko naging choosy sa pagpili ng subjects.

"Eh nakonsensya nga ako eh. Hindi naman ako kagaya mong walang konsensya noh," sabi ko sa kanya. Tapos hinigop ko na yung softdrinks na iniinom ko.

"Sa tingin mo, natuloy kaya si Sir?" tanong pa n'ya.

"Malay ko. Siguro. Hindi na s'ya nagpaparamdam sa'kin eh," sagot ko naman.

"So, nami-miss mo ang pagpaparamdam n'ya sayo? Ganon?" sabi ni Jen. Nang-aasar na naman.

"Depende sa kung anong uri ng pagpaparamdam," sabi ko. Sasakyan ko na lang ang mga kagagahan nito.

"Eh pano nga kung nag-resign si Sir? Tapos niligawan ka?" tanong ulit ni Jen.

"You don't really want to drop that subject, noh?" sabi ko. Next topic.

"Sumagot ka na lang."

"Next question please," ayun na yung sagot ko.

"Arte nito. Sagot na!" pilit n'ya pa din sa'kin. Ang harot ah.

"Wala s'yang pag-asa sa'kin," sagot ko.

"Ayy, ang taray. Ang choosy. Ang ganda mo, teh!"

"Talaga! Kaya umusog ka dun. Naapakan mo yung buhok ko," sabi ko sa kanya tapos tinulak ko pa s'ya kunyari.

"Letse. Ang daming alam," sabi n'ya sabay pout na parang ang lungkot-lungkot n'ya.

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa mukha n'ya at sumisipsip ng softdrinks.

"Wala na akong ganang pumasok ng second sem. Wala na si Sir eh."

Natawa ko. "Corny mo, teh. Sisirain mo ang kinabukasan mo nang dahil wala na si Sir sa eskwelahang toh?"

-------

First day ng second sem.

Sa buong sembreak, wala akong narinig na balita galing kay Alfred o kahit na tungkol sa kanya. Siguro masaya na s'ya sa kung nasaan s'ya ngayon. Ako din naman masaya.

Pero hindi ko naman ide-deny na nami-miss ko yung mga pangungulit n'ya.

"Teh, okay ka lang?" tanong ni Jen. Last subject na namin, Logic. Iniisip ko nga kung saan na napadpad si Alfred.

"Oo naman! Ba't naman ako magiging hindi okay?" sagot ko. Wala pa kaming Prof at infairness, ang tagal n'yang dumating.

"Mukha ka kasing pinagsukluban ng langit at lupa eh," sabi ni Jen. "Nami-miss mo si Sir?"

"Ba't ko naman s'ya mami-miss?" tanong ko. Sa dami nang pwedeng maging dahilan ng lungkot ko, bakit iyun pa yung naisipan n'yang itanong?

 Hindi ko napansin na nagkikislutan na yung pwet ng mga classmates ko kasi nangungulit na naman si Jen. Para talagang bata.

"Good afternoon! I'm sorry, medyo na-late ako," sabi nung prof namin. Tulala ako.

"Okay lang yun, Sir," sabi nung mga classmates ko. Siniko ako ni Jen kaya medyo naka-get over ako sa pagkabigla. Eh kasi naman, si Alfred toh eh!

"Meron ba ditong hindi pa nakakakilala sa'kin? Mukha namang lahat kayo naging estudyante ko na dati," sabi n'ya. Ngiting-ngiti, bagong shave. Yung medyo curl n'yang buhok na medyo mahaba, nakatali sa likod. Lalo n'yang naging kamukha si Jake Gyllenhaal sa Prince of Persia. Ang pogi! Lalong pumogi!

"Kilala ka namin Sir. Lahat kami!" sabi nung isa kong classmate, si Liezel, tapos bumulong si Jen sa'kin.

"Sino ba naman kasing hindi makakakilala sa kanya? Sa pogi n'yang yan?"

"Seriously, kung alam kong s'ya ang magiging prof natin dito, hindi na sana ko nag-enroll," sabi ko kay Jen nung makabawi ako sa pagkabigla.

"Sus? If I know lang, tuwang-tuwa ka dyan! Buti na lang bumalik si Sir," sabi n'ya habang nakatingin kay Sir. Hindi naman n'ya kami napapansin na nag-uusap. Nasa likod kami kaya hindi n'ya pa din kami nakikita.

"Tuwang-tuwa? Ako? Tuwang-tuwa?" sabi ko sa kanya. Kung alam mo lang, teh. Very, very light lang naman.

"So, anong balak mo ngayon? Magpapa-change subject ka? Magda-drop ka?" sunud-sunod na tanong n'ya sa'kin. "Coward."

"I'm not coward!" singhal ko sa kanya.

"Ladies at the back, can you hear me there?" tanong ni Sir dun sa mga babaeng nasa kabilang row. Akala ko kami. Hindi n'ya pa din kami nakikita ni Jen. Buti na lang medyo maliit ako. Halos mahiga na ako sa upuan para lang hindi lumitaw yung ulo ko at makita ako ni Sir.

"Yes, Sir," sabi nung mga girls. Si Alfred talaga, malapit sa mga babaeng estudyante. Hindi ako nagseselos ah? Amp.

Tapos naglakad si Alfred sa aisle para i-scan yung mukha nung mga classmates ko na parang meron s'yang hinahanap. Tapos nag-iba yung face expression n'ya nung makita n'ya kami ni Jen. O baka nung makita n'ya ko? Ako lang talaga.

Nag-smile s'ya sa'kin pero hindi ko yun pinansin. Kinakabahan ako. Ano talagang nangyari nung gabing iniwan ko s'ya sa parking lot? Natuloy ba talaga yung flight n'ya? Saan ba s'ya pumunta talaga? O baka wala talaga s'yang flight at pinag-trip-an n'ya lang ako para mapilitan akong makipagkita sa kanya nung gabing yun?

Isa lang ang paraan para masagot yung mga tanong ko, I need to talk to him. Pero wala na kaming dapat pag-usapan. I ended it that night. Ayoko na ulit lumapit sa kanya, ayoko na ulit mag-away na naman kami ni Ejay. Ang ganda na nung sembreak ko nung wala s'ya eh.

"So, mukhang lahat naman kayo kilala ko. Mukhang lahat din naman kayo kilala ko so wala tayong magiging problema," sabi ni Alfred pagbalik n'ya sa harap. Nakapatong yung kamay n'ya sa desk. Hindi ko nasabi, naka-purple s'ya ngayon. "Magsi-simula tayo ng klase tomorrow. Wala naman siguro sa inyo ang may balak na mag-drop sa class ko, right?" sabi n'ya. Patama sa'kin. Alam kong para sa'kin yun.

"Wala po," sabi nung mga classmates ko.

"Good! I'll dismiss you early today. You can go now," sabi n'ya tapos nagtayuan na yung mga classmates ko kaya tumayo na din kami ni Jen para lumabas.

Dalawa yung pinto ng classroom. Isa sa harap at isa sa likod. Nasa may bandang likod kami nakaupo ni Jen kaya sa pinto sa likod ang daan namin. Alangan namang dumaan kami sa harap? Papansin lang?

Palabas na ko sa classroom nung lumapit si Sir Alfred sa'kin. Si Jen nauna nang lumabas nung may nakitang ka-tsismisan.

"Good thing you're in my class. Sana lang wag kang mag-drop," sabi n'ya. Parang begging?

"I will not. Kung lalayo ka sa'kin," sabi ko sabay lakad na palabas.

Nagpunta ako sa parking lot. Every now and then hatid-sundo na ko ni Ejay. Bantay-sarado ba.

"Professor ko si Sir Alfred sa Logic," pag-uumpisa ko nung umandar na yung sasakyan. Ayaw ko nang sa iba pa n'ya marinig yung balita.

"Drop that subject," utos n'ya sa'kin.

"No need. Sabi ko naman sa kanya magda-drop ako kung hindi s'ya lalayo sa'kin eh," sagot ko.

"So, nakapag-usap na kayo kaagad?" sabi n'ya. Iritado.

"Lumapit s'ya sa'kin kanina sabi n'ya wag daw akong mag-drop kaya sabi ko kung lalayo s'ya sa'kin hindi ko gagawin yun tapos umalis na ko. So, don't fret, big man," sagot ko.

"I'll watch over him." Taray. Body guard?

"You don't have to. I'll make distance. Kung hindi s'ya lalayo, ako na lang," sabi ko. Ayoko lang ng may nag-uutos sa'kin kung anong dapat kong gawin. Baka makutusan ko lang s'ya.

Hindi na sumagot si Ejay. Tahimik kaming bumyahe hanggang sa makarating kami sa bahay.

Pagbaba ko, he kissed me goodnight. The man is as sweet as ever. Sana lang wala na naman kaming problemahin tungkol kay Alfred. Please lang, sana wala na. Pero parang mag-uumpisa pa lang yung mas malaking problema eh.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon