chapter 27

387 6 1
                                    

Hindi s'ya nagsalita. Hindi n'ya din binuhay yung makina ng sasakyan. Nakatitig lang s'ya sa mukha ko na akala mo nakakita s'ya ng multo. Siguro hindi lang s'ya makapaniwala.


Iniiwas ko yung mga mata ko nung hindi s'ya gumalaw at nakatitig lang s'ya sa'kin.


Ano? Habang buhay na lang ba tayo dito? Baka naman may balak kang paandarin yung sasakyan?


"Let's go," I repeat. "If that's the only way I can prove you you're wrong. Let's do 'it'."


"You sure?" he asked pero hindi na s'ya nakatingin sa'kin. Oh boy, ayaw mo ba? Matutupad na ang isa sa mga pinapangarap mong mangyari. JK.


"Never been this sure all my life. I'm cocksure," sagot ko. Wehh? Sinungaling talaga ko. Kabadong-kabado nga ko eh. "So take me, take me with you."


Hindi s'ya sumagot he just revved the engine. Oh no, is this means na pumapayag na s'ya na may mangyari sa'min? Wait. Pwede pang mag-back out?


Ang gulo ko talaga eh noh. Kanina lang gusto ko, ngayon naman ayaw ko na? WTH.


He's not talking while we're on our way to his pad. Sa pad n'ya talaga. No, nagkamali ako. Hindi pala kanina yung katapusan ko, ngayon pala =(


Hindi, baka mamaya pa. Killing me softly?


Pero alam ko naman na magiging gentle s'ya eh. Alam ko kasi napaka-gentleman n'ya. Hindi n'ya ako pababayaang masaktan. O baka kapag nakita n'ya nang hindi ko na kaya, s'ya na mismo yung mag-back out.





----------------------------------------------





Huminto kami sa tapat ng pad n'ya. Hindi pa din s'ya nagsasalita, ako din. Nandito na toh, aatras pa ba ko?


Eh, teka, pwede pa bang umatras? Kasi kung pwede pa, aatras pa ako. Pero I can't say it, sana s'ya na lang yung umatras. Puh-leaaase!


"Do you have any protection?" I asked nung hindi pa din s'ya nagsasalita at mukhang wala ni isa sa'min ang may balak bumaba ng sasakyan. Ang pangit pala pag pinagpa-planuhan, noh Dapat pala yung mga ganitong pagkakataon, kusang nangyayari lang... hindi pinagpa-planuhan. Kasi wala lang, ang awkward kaya. Parang nakakahiyang magtanong sa partner mo ng, 'Are you ready?'


"Is one case enough?" he asked. Noooo! So, pumapayag na nga s'ya?  Grabe! Maka-one case naman toh. Ang dami naman? Collection mo, babe?


"I don't know. We'll see," pagtatapang-tapangan kong sabi sa kanya. Napapapikit ako sa isipin na mawawala na ang dignidad ko ngayong gabing toh. Yes, dignidad talaga, eh? Shhhhh.


"Okay. We'll see. You'll see," he said.


Bumuntong-hininga ko. Ang lalim ng pinaghugutan. Alam n'yang kinakabahan ako pero tumingin lang s'ya sakin. Tapos tumango s'ya.


What the heck, hindi pa yata ako handa. Nauna na kong bumaba ng sasakyan. Pagbukas n'ya ng pinto gusto ko s'yang hatakin at bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanyang joke lang yun.


Hindi pa ko ready. Not now. Pwedeng ibang araw na lang? Pero hindi na ako pwedeng mag-back out. Ako ang nag-aya tapos ako din ang aayaw? Lokohan toh.




---------------------------------------------




"Are you sure about this?" Ejay asked... for the second time, pagpasok namin sa loob. Nakatayo s'ya sa tapat ko, arms length. Nanginginig yung mga tuhod ko at nanlalamig yung mga kamay ko. Hindi ko alam kung namumutla ako at grateful ako kahit papano na medyo madilim sa loob ng kwarto n'ya. Ayoko kasing may makita ako o s'ya. Nakakahiya laaaang.



"Yes," I said. Tapos tinatanggal ko na yung buttons ng blouse ko. Gosh, nanginginig yung kamay ko. Ano ba? Ejay? Wala ka bang balak tulungan ako? :P


One button left and I'm already naked. Pinigilan ni Ejay yung kamay ko, hinawakan n'ya yung kamay ko, tapos sinara n'ya yung mga loose buttons. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ulit ako.


"Hindi mo naman toh kelangang gawin eh," sabi n'ya. Sus, kung kelan isang button na lang? Tsaka mo pa ko pinigil? Kung kelan may nakita ka na?


"Pero ito lang yung way di ba? Para mabalik yung trust mo? Right?" tanong ko sa kanya. But at that time, I was hugging myself... tightly. I don't wanna turn to him and hug him 'cause I'm afraid that that gesture might be the one to trigger the flame.


"There are other ways to prove me I'm wrong. Not this. You know I respect you that much. Hindi ko kayang gawin toh sayo," sabi n'ya. Touching. Ang sweet n'ya lang. Sh*t.  Hindi na ba s'ya galit sa'kin?


"Are you still mad?" I asked him. I was crying... still.


He didn't answer. Instead he just bury my face in his chest. Hugged me, hold me there.


"I'm sorry," I told him in the most apologetic way I can. "I just missed you. And he's just so caring that I was carried away. He's very vocal that he likes me. He even said he loves me," sabi ko sa kanya. Para akong nagsusumbong na bata. Humihikbi pa ako. When I'm in his arms, I feel so safe and secured.


"I'm sorry, too," he started. "Maybe this is all my fault. Kung nagkaron lang sana ako ng time sayo. Kung hindi lang sana puro pagba-basketball ang inatupag ko," he said, kissing my hair. Hugging me so higpit that I can't breath.


"You know I can live without you," I said, he was hugging my waist and I looked at his eyes, "I don't say that I can't live without you. I can live without you... I just don't want to. I want you beside me, handsome." Nakuha ko pa talagang maglandi pagkatapos ng lahat?


"Of course you can always live without me. But I know you'll be happier when I'm beside you. That's why I'm sorry, I'm not at your side whenever you needed me," sabi n'ya. The tone of his voice implies na from that time onwards, palagi na s'yang nandyan para sa'kin.


"No. You're just what I needed just when I needed you," I told him and kissed his chin. Hanggang duon lang ang abot ko eh. Ang tangkad n'ya kaya. Ang sakit na nga ng leeg ko kakatingala. Try mo kayang magbend, noh?


He didn't say a word. He lay me in the bed and put me into sleep. We didn't do 'anything.' He just hold me there and let me sleep. I was so touched that he loves me that much na hindi n'ya pagsasamantalahan yung kahinaan ko. Hindi ko alam kung masaya akong walang nangyari sa'min o disappointed ako dahil wala. Sana paggising ko bukas okay na lahat. Sana panaginip lang toh lahat. At sana paggising ko, nandito pa din si Ejay sa tabi ko, hugging me tightly.


Naalimpungatan ako. Ejay's beside me. Sleeping soundly. I love the feeling. Yung gigising ka tapos ganito ka-spectacular na tanawin ang bubungad sayo. Wow!


Tumayo ako ng dahan-dahan. Inalis ko yung pagkakayakap n'ya sa bewang ko. I reached for my bag and looked for my phone. 4 missed calls and 5 messages? Wow, hindi ka naman masyadong nag-aalala sa'ki n'yan, Alfred? Dow worry hindi pa naman ako pinatay ni Ejay.


I opened the messages. All in all it says, ano daw nangyari, kamusta daw ako, ano daw pinag-usapan namin ni Ejay at kung kelan daw kami makakapag-usap. Wow, Alfred, sa tingin mo talaga makakapag-usap pa tayo? Eh, pano kung bakuran na ko nito ni Ejay? Wala na. Siguro dapat mag-stop na talaga tong kalokohan naming dalawa... este, kalokohan n'ya lang pala.


Nagulat ako when Ejay reached for my phone. What the heck? Gising s'ya?


"Don't snoop at my things... again," sabi ko tapos tinangka kong agawin yung phone ko sa kanya pero hindi ko naman nakuha. He turned it off and put it below his pillow... and cuddled me.


"I don't want anyone or anybody to disturb my serenity with you," he said. Err. "Kahit sino pa yan. Though I have a hint kung kaninong text na naman yung binabasa mo," patuloy pa n'ya. Pero wala namang himig nang pagseselos sa tono n'ya, o baka naman naitago n'ya lang ng bongga?


I hugged him, "Give my phone back," I commanded him. Pero wala namang galit sa boses ko at kulang pa yung authoritative factor kaya siguro hindi s'ya nag-bother na ibalik sa'kin yung phone.


"Then?" he asked.


"Wala. I'll keep it in my bag," I told him. "Trust me," ngayon natin mate-test kung bumalik na yung tiwala mo sa'kin.


"Tomorrow. For now, let's go back to sleep," utos n'ya sa'kin. Ano ka? Batas?


"Why not now?" I asked him. Hindi naman sa ite-text ko si Alfred. Wala lang, baka kasi mabasa n'ya yung mga texts eh. Pero hindi n'ya ko pinansin. Hinatak n'ya lang ako sa tabi n'ya and hugged me.


"Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa management yung ginawa n'ya," sabi n'ya. Nagulantang ako.


"No!" sabi ko. Napatingin ako sa kanya. Parang nawala yung antok ko ah.


"Why not?" he asked.


"Basta. Pano kapag nalaman nila na ako yung estudyanteng tina-target ni Alfred? Mapapahiya din ako," sabi ko sa kanya. Wow, naisip ko pa yung kahihiyan. Ngayon ko lang naisip? "You can't let me suffer that embarrassment, right?"


"Then? Pababayaan ko na lang na ganun?" he asked me.


"Hindi naman na siguro toh masusundan eh. Let's end this. Let's not talk about this," sabi ko sa kanya.


He didn't answer. He just kissed my hair and whisper sweet nothings on my ears. Pareho lang kaming naka-stare sa ceiling, looking and staring at nothingness.


I feel so contented in his arms. Oh why, I love this man. At hindi ko pa mapangalanan kung ano yung naramdaman ko o nararamdaman ko para kay Alfred. Pero isa lang ang sigurado ko, may nararamdaman din ako para sa kanya, hindi ko nga lang alam kung ano, pero meron talaga.


Bukas ko na lang iisipin.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon