chapter 51

342 7 6
                                    

""Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Jen pag-upo n'ya sa kama. Magkatabi kasi kami. Kakatapos lang n'yang kausapin yung boyfriend n'ya sa phone. Parang nakatelebabad eh. Kayo na unlicall.

"Hindi ako makatulog, ang ingay mo eh," sagot ko. Tinakpan ko pa kunyari yung mukha ko. Nakahiga na kasi ako nun. Mukhang hindi talaga ako papatulugin ng sinabi ni Alfred kanina eh.

"Sus, inggit ka lang kasi wala kang boyfriend tsaka wala kang katawagan eh."

"Hoy, kahit wala akong boyfriend may tumatawag naman sa'kin noh," sabi ko tapos kinuha ko yung cellphone ko sa bedside table. "Kagaya nito," hinarap ko sa kanya yung phone kasi saktong nag-vibrate eh. Tawag. Pero hindi ko sinasagot.

"Ba't ayaw mong sagutin?"

"Eh, pagod na ako sa kahit na anong klase ng pag-uusap sa kanilang dalawa eh."

"S'ya lang naman yung kakausapin mo hindi yung isa eh."

"Eto na nga, sasagutin na eh." Tapos sinagot ko na yung tawag ni Ejay. "Hello?"

"Akala ko tulog ka na eh. Ang tagal mo kasing sagutin," sabi n'ya. Wala namang himig ng pagrereklamo dun.

"Bakit ka tumawag?" tanong ko. Kelangan talaga straight to the point yung tanong eh, noh? Pero takot naman akong marinig yung isasagot n'ya. How ironic.

"Narinig ko yung sinabi mo kanina kay Alfred," sabi n'ya. Wow ah, pati s'ya nakiki-Alfred na din eh. First name basis, huh.

"Alam ko. Alam kong nag-eavesdrop ka sa may pintuan ng suite n'yo."

"Kaya mo ba sinabi yun?"

"Hindi ah. Wala ka man dun o nandun ka, ayun talaga yung gusto kong sabihin sa kanya." I rolled my eyes nung ini-imitate ni Jen yung pagkumpas-kumpas ng kamay ko sa ere habang kausap ko si Ejay. Pareho na kaming nakahiga nun. Tapos dinidikit n'ya yung tenga n'ya sa phone pero tinutulak ko naman s'ya.

"Gusto ko lang mag-sorry tungkol dun sa closing remarks ko kanina," sabi n'ya. Yung 'Maybe I'm just not the one for you'? Okay lang, siguro kelangan ko na lang tanggapin yun.

"Ahh," sabi ko. Eh ano naman kasing sasabihin ko pa? Tinatamad na nga akong magsalita at this point.

"Gusto ko kasi bago man lang ako umalis, okay tayong dalawa. Tsaka, madami pa din akong gustong sabihin sayo."

"Alam mo, yung pinag-usapan natin kanina, tama na muna siguro yun para ngayon. Bukas naman yung iba -.-" Tsaka marami pa namang bukas, di ba? Yun nga lang, hindi na lahat ng bukas na yun makakasama kita.

He chuckled. "Inaantok ka na ba?"

"Kanina hindi pa, ngayon medyo na," pero hindi pa talaga. Gusto ko na lang talagang magba-bye sa kanya kasi gusto kong mag-isip. Hindi naman porket nagpapalusot ako para tapusin na yung usapan namin, ibig sabihin na nun na ayaw ko na s'yang makausap. Ang awkward lang kasi. Kaninang hapon nag-aaway kami tapos ngayon biglang ganito di ba? Naguguluhan din ako -.-

"Ayaw mo lang yata akong kausap talaga eh."

"Hindi ah. Nakakaantok lang talaga yung boses mo, hehe," lullaby ba ito?

"Kaya ka inaantok kasi boring akong kausap?"

"Hindi. Inaantok nga lang talaga ko. Baka wrong timing lang yung tawag mo."

"Ahh," sabi n'ya tapos long silence. "Sige, goodnight."

"Goodnight," sabi ko. Hinihintay kong patayin n'ya yung phone. Kaso hindi n'ya pinatay. "Sabi ko goodnight."

"Oo nga, goodnight."

"Mag hung-up ka na."

"Ikaw na," sabi n'ya. Ayy, highschool?

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon