"Ayan na naman yang tingin mo na yan," sabi n'ya. Iniisip ko at this point kung pinagti-trip-an lang ba ako nitong taong toh.
"Kunyari ka pa kinikilig ka naman," sabi ko. Grabe, hindi ako makapaniwalang ganito na kami mag-usap ng professor ko. Close? Sobrang dami na ba talaga nang nangyari to the point na hindi na namin napapansin na nagiging casual na kami sa isa't-isa?
"Well, I admit I am," sabi n'ya with a smile na aabot na yata sa batok.
Tumawa ko, "Hahaha! Ano ka? Teenager? Matanda ka na oy!"
Nag-smile s'ya, "But you make me feel like I'm only 17." Sus! 17 daw, 28 ka na Sir. Manahimik ka dyan. Wag kang magfeeling bata. Hindi bagay eh.
"Alfred, wag mo nga ako ginagamitan ng mga punch line na ganyan." Yes, maka-Alfred naman ako. Feel ko na talagang close kami eh, noh?
"Why? You're approaching 20 right? 8 years is not a big gap." Sus, pampalakas-loob n'ya sa sarili. It's not a big gap nga, but. Hmm. Wala lang.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Haaay naku, Sir. Tumigil ka na, please. Ang galing mong mang-trash talk eh. Malakas pa naman ang dating sa'kin ng mga lalaking malakas yung sense of humor. Natutuwa ako sa kanila. They never bore me. Kagaya ng ginagawa ni Sir sa'kin ngayon.
"Alam mo, Sir, kapag hindi ka pa tumigil ng kaka-seduce sa'kin, uuwi na kong mag-isa," sabi ko. Black-mail. Hehe. Though deep down inside, gusto ko din. Syempre kelangang magpakipot paminsan-minsan.
"Alam mo, baby, kapag hindi ka tumigil ng kaka-Sir sa'kin, hindi kita pauuwiin." Aba, gaya-gaya ng tactics!
"I'm not your baby!" Pero kinikilig ako, aaminin ko, kapag tinatawag n'ya kong 'baby.' "I'm not your anybody."
"Someday, you'll be," sabi n'ya naman. "Actually ngayon pwede na eh. If you'll just let me."
"Really? So? Sinong magiging Mommy ko?" Pang-aasar ko sa kanya. "Alam mo bang yung mga ganyang terms of endearment pang-high school lang yan?" dugtong ko pa.
Natawa s'ya, "Then suggest one." sabi n'ya. Ba't ako? Ako pang magsa-suggest ah! Ikaw na! "I guess, for the meantime, 'baby' is fine." dugtong n'ya.
"Sir, honestly, ba't ka ganyan sa'kin?" tanong ko. Ako naman ang walang pang-counter attack sa tira n'ya. And I'm in the midst of confusion dahil sa mga pinapakita at mga sinasabi n'ya sa'kin.
"You still don't know? I thought I've told you last night, didn't I?" sabi n'ya. Oo nga, sinabihan n'ya ko ng 'I love you'. Pero hanggang ngayon naguguluhan pa din ako eh. Hindi ko maintindihan. O baka siguro, wala lang talaga akong balak na intindihin dahil busy ako sa ibang bagay.
"Then, why are you feeling that way towards me?" tanong ko. Tama ba? Mali ata grammar ko! Nakakabobo toh si Sir.
"I just don't know. Pagpasok ko na lang sa classroom n'yo nung first day of classes, tinamaan na ko sayo eh," sabi n'ya. Si Sir talaga, parang high school! So, na love at first sight s'ya sa'kin? Wehh?
Tumawa ko. Kasi naman, natatawa talaga ko. Ang corny ni Sir eh!
"Why are you laughing? I'm serious," he said. Etchusero! Akala ko ba you love it when I laugh? Froglet ka pala Sir eh!
"Wala lang. Nakakatawa ka kasi, Alfred. Para kang high school. Ang corny mo," sabi ko. Tumatawa pa din ako. Parang bata lang. Kung makikita lang siguro n'ya yung reflection n'ya sa salamin.
"I know I told you that I love it when you laugh, but if you don't stop laughing right at this very moment, I'll kiss you." Another black mail, huh?
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...